【Clair's】
"Alam mo ba, yang mommy mo nun, nahulog yan sa kanal nung bata pa siya. Ayaw kasi tumigil sa paglalaro eh."
"Si mama talaga oh. Pinapahiya mo yata ako kay Rafael at Anika eh."
"Hahaha you're so funny mommy!"
Napangiti ako sa nakita ko. Nakakandong si Anika kay mama tsaka ako naman nakaupo sa tabi nila. Nagulat ako nang biglang magring ang phone ko kaya tumayo ako at tumungo sa banyo para sagutin ito. Kailangan ko din ng tinatawag nilang privacy you know.
"Hello?"
("Hi Clair. Um I was wondering kung free ka ba tonight? Yayayain sana kita sa ng dinner.")
"Um, I-I'd love to pero-"
("Yung anak mo. I should have known. Sorry naabala kita. Next time nalang siguro Clair. Sorry talaga, bye.")
"Salamat sa pag-intindi mo Dash."
("No problem. Sige, I'm hanging up. I love you.")
"Um I..."
("Di mo pa kailangang sagutin ngayon. Say it when you mean it, okay? Sige bye na talaga.")
At na-end na yung call. Nagui-guilty talaga ako sa nangyayari ngayon. Dash thinks I allowed him to pursue me kahit alam ko sa sarili kong hindi ko siya kayang mahalin. Pinapaasa ko siya. Kailangan ko lang sigurong makahanap ng tamang tiyempo para sabihin sa kanya. Lumabas na ako ng pinto at nagulat ako nang tumambad sa harap ko si Rafael.
"Oh, Rafael? Kanina ka pa ba nandyan?"
"Oo eh. Naiihi kasi ako tapos hinahanap ka ni Anika. Nga pala, yung boyfriend mo ba yun?"
Hindi ko man gustong sabihin sa kanya yung totoo, may karapatan naman siyang malaman ito dahil best friend ko siya. Naiiyak ako kasi parang ang trouble maker ko masyado.
"Hindi ko boyfriend si Dash-"
"Kasi magiging boyfriend mo pa?"
Weakness ko talaga ang deep talks namin ni Rafael. Intimidating kasi siya.
"Rafael. Hindi ko mahal si Dash. Nagsisimula ako ng gulo. Pinapaasa ko siya Rafael."
"Hindi mo naman inexpect na hindi mo siya kayang mahalin eh. Maaaring gusto mo siya noon pero hindi na ngayon." Rafael knows all about my crushes and deepest secrets. Ganoon kalaki ang tiwala ko sa kanya.
"Pero paano ko ba sasabihin sa kanya?"
"Hindi mo naman kailangan sabihin. Pwede mo namang ipakita sa kanya na di mo siya mahal eh."
"I suck at relationships Raf. You've been with me at my worst."
"Hey, listen. Hindi mo kasalanan kung ayaw mo sa kanya. Okay?" he caressed the right side of my face.
"Okay."
He looked me intently in the eyes. His eyes were so expressive. Pakiramdam ko matutunaw ako. His face leaned closer to mine and the next thing I knew, dumampi na yung labi niya sa labi ko. He has this pair of soft lips and he was a great kisser. Nadala na rin ako sa halik niya. My arms encircled his nape and his went to my waist while our kiss deepened. He broke the kiss afterwards.
"I-I'm sorry Clair." he turned his back and went back to Anika.
What was that? Kung nagtaka ako ba't ako hinalikan ni Dash, mas nalilito ako ngayon na hinalikan din ako ni Rafael.
BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomanceMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...