XIV

137 6 0
                                    

Rafael's flashback, 6 years ago

I was 16, she was 15. It was our 2nd year anniversary. Inalalayan ko siya paakyat ng hagdan papunta ng rooftop. At pagdating namin sa rooftop, pinabuksan ko ang mga mata niya.

"Babe, open your eyes." sabi ko sa girlfriend ko.

"Rafael, i-it's beautiful!" sabay hug sakin.

"I'm glad you liked it. Happy 2nd anniversary babe." nginitian ko siya at tiningnan sa mata.

"Thank you babe. I love you."

"I love you too. Let's eat." umupo na kami at nagsimulang kumain.

She found it sweet. Dinner sa rooftop. With a sweet pink motifed table setting and candlelights. We talked about happy stuff and our amazement na umabot kami ng 2 years.

"Um babe, I have something to announce."

"Ano yun babe?"

"Clair and I will be moving in together."

Napahinto siya sa pagsubo ng pagkain at napatingin sakin.

"You can't be serious babe. She's just your best friend. Wag kang magbiro ng hindi nakakatawa." she released her nervous laugh.

"I'm not joking Agnes. We'll be living in one house simula bukas."

Ibinagsak niya ang kanyang kanang kamay sa table at tumayo.

"Rafael. Bakit si Clair? You can find other male housemates naman. Ba't ba si Clair? Bakit kailangang babae? It's just... Magkaiba pa rin kayo ng gender! Lalake ka at babae siya!" tumayo na rin ako at hinarap siya.

"It's our parents' decision."

"She's not even your girlfriend! Kung may dapat kang makasama sa ilalim ng iisang bubong, nararapat lang na maging ako yun! I'm your girlfriend Rafael! Hindi si Clair! She's nothing but a b*tch! Matagal na akong nagtitiis na may kahati sayo! Na may kahati sa oras ko sayo! And if it's your parents' decision, matututulan mo pa naman yun kasi alam kong ayaw mo naman talaga sa set-up na yan."

"She's my best friend Agnes. And agree naman ako sa desisyon ng parents' ko. And if ever na ayaw ko sa set-up na to, hindi ko rin susuwayin ang mga magulang ko."

"Ay oo nga pala. Your b*tch best friend. Gold digger. S**t. Mang-aa-"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Nasampal ko siya sa kanyang kanang pisngi.

"How dare you! Boyfriend pa naman kita! Minahal kita ng dalawang taon at ito ang igaganti mo sakin?" sabi niya habang hawak-hawak ang kanyang pisngi.

"Being my girlfriend doesn't give you the right to insult my best friend."

"It's me, or her. Take your pick."

Nagkunwari akong nag-isip pero sa totoo lang, buo na ang desisyon ko. Ngayon ko lang nakita ang tunay na kulay ni Agnes.

"I'll pick her over you Agnes."

"What?!?"

"You heard me right? I choose Clair."

"Fine! We're over!" she went inside the building and left me in the rooftop.

And that's it. We broke up during our 2nd year anniversary.



•○•○•

It's been a week since the breakup. I'm cool. Maybe we're just not for each other.

"Rafael! Buti nakita ka namin!" hingal na sabi ni Reese sakin.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Si Agnes. Isinugod siya sa ospital." sabi naman ni Victoria.

"Saang ospital ba yan?"

"Sa City Medical Center."

"Ba't siya nasa ospital?"

"Nagsusuka kasi siya atsaka nahimatay din siya sa classroom." yes. Agnes was in a lower year level than me. Sila ni Clair ang magkaklase.

"Sige pupunta na ako dun." agad ko namang sagot sa kanila.



•○•○•

Sumakay ako agad ng taxi matapos kong makausap ang mga kaibigan ni Agnes. Nakarating na ako sa ospital ngayon. Nagtanong agad ako sa information area.

"Nasaan po si Agnes Lopez?"

"Nasa room 357 Sir."

"Thank you."

Tumakbo ako papunta sa room at nakita ko agad si Agnes na nakahiga sa isang hospital bed. Tulog pa siya at may isang doktor na nagbabantay sa kanya sa tabi.

"Ikaw ba ang companion ni Miss Lee?"

"Opo, ano pong nangyari sa kanya?"

"Well, normal lang naman ito sa mga nagdadalang-tao katulad niya. So ang kailangan lang natin gawin ay ipakain siya ng masusustansyang pagkain at-"

"Teka, buntis siya?"

"Oo. She's 2 months along. Sige hijo, aalis na ako."

Umalis na ang doktor at naiwan ako sa kwarto kasama si Agnes. I still can't believe na buntis pala siya. Napasapo nalang ako ng noo. Naisip ko naman, am I really ready to face this responsibility?

Nagising naman si Agnes ilang sandali pagkatapos umalis ng doktor. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya.

"Hey."

"A-Anong nangyari? Ba't ako nandito?"

"Nahimatay ka kasi kanina."

"Ah."

"Agnes."

"Hmmm?"

"Magkakaanak na tayo. Buntis ka."

Natulala siya sa sinabi ko at parang nalungkot.

"Rafael... Hindi ko alam kung anong mukha ang maipapakita ko sa mga magulang ko." aniya.

"Wag kang mag-alala. Sasamahan kita. Nandito lang ako para sayo. Sabay nating palalakihin ang anghel natin. I'm sorry for what happened last time. I love you." niyakap ko siya.

▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪
A/N: Xiexie

Best Friends to PARENTS? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon