【Rafael's】
Pagabi na nang nakauwi kami ni Anika sa bahay at isinama muna namin ang kasambahay namin para makatulong this time na wala si Clair.
"Mommy?" Naglibot-libot si Anika para hanapin si Clair.
"Baby, wala si Mommy ngayon. Tayo lang muna dito sa bahay kasama si Ate Fe."
"Hi Anika! Gusto mo bang maglaro? Halika! Samahan kita!"
"Okay Ate!"
"Fe, ikaw muna bahala kay Anika. Aalis muna ako."
At sinamahan muna ni Fe si Anika sa kwarto.
Biglang nag ring ang telepono ko at nakita kong si Clair ang tumatawag, sinagot ko ito.
"Clair?"
"Rafael, nakauwi na kayo?"
"Oo. Kayo? Nasa Tagaytay na ba kayo?"
"Kanina pa. Kamusta si Anika?"
"Okay lang naman, dinala ko si Fe para mas mabantayan siya habang wala ka."
"Oh, I see. Sige ingat kayo. Bantayan mo ng maigi si Anika ha? Goodnight."
"Goodnight." At in-end na ni Clair ang tawag.
Umalis naman ako at nagpunta muna sa bar. Nakipagkita rin kasi sina Josh at Preston.
Sinalubong ako ng amoy ng alak at sigarilyo, malalakas na tunog at mga iba't-ibang kulay ng lights.
Nagkita rin kami agad nina Josh at Preston. Kasama rin nila ang iba naming ka-barkada na sina River, Lorenzo at Kit.
"Pare, nice to see you again." Sabi ni Preston.
"Punta muna tayo sa itaas." At umakyat kami sa private rooms ng bar. Yung iba kong mga kabarkada dala-dala ang kani-kanilang mga babae.
"May sasabihin muna ako sayo sa labas, Rafael."
Lumabas kaming dalawa sa may veranda ng maliit na room.
"Rafael. It's about Anika."
"She's a great kid, Josh."
"No Rafael! She's not your kid!"
【Clair's】
"Dahan-dahan lang." Sabi ni Xander habang inalalayan ako. May surprise raw kasi siya.
"Baka mahulog ako dito ah!" Sabi ko.
"Trust me. Okay, now open your eyes."
Pagmulat ko sa mga mata ko, nakita ko ang isang diner table na naka set up sa highest point ng vacation house ni Xander.
Ang lugar ay may nakakalat na mga rose petals. Sa table, may nakasinding mga kandila. Nandoon din ang isang lalaking tumutugtog ng violin. Ang romantic ng paligid.
BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomantizmMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...