【Clair's】
Nagising ako sa ringtone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Love, may lakad ka ba today?" Isang tao lang ang tumatawag sa akin niyan.
"Xander, tigil-tigilan mo nga ang pagtawag mo sa akin ng Love." Sabi ko sa kanya.
"Bakit? Nakakasawa na ba? Sige baguhin nalang natin." At may kasamang tawa pa.
"Ano ba kasing meron?"
"Gusto sana kitang yayain mag vacation."
"Saan ba yan?" Tanong ko sabay bangon mula sa kama.
"Sa vacation house namin sa Tagaytay."Ini-check ko ang schedule ko na nasa dresser ko. Wala din naman akong lakad for the next days.
"Okay, pupunta ako." It's November and semestral break din ni Anika. Dinala siya ni Rafael sa bahay ng nanay niya 3 days ago. It's a shame I couldn't come, may work pa kasi ako ng times na yun. Now, I have the house to myself and I'm free for the meantime.
"I'll pick you up tomorrow morning 8 am. We'll be going there by car." Sabi nito.
"Can't wait." At ini-end ko yung call.
Sakto namang may dumating na text galing kay Rafael.
"Uuwi kami diyan bukas." -Rafael
Magpapaalam na din ako sa kanya.
"May lakad ako bukas. Pupunta ako ng Tagaytay." -Clair
Nag beep yung phone ko at binasa ang reply ni Rafael.
"Sinong kasama mo?" -Rafael
"Xander." Tipid kong reply.
【Rafael's】
Naikuyom ko ang palad ko nang mabasa ang reply sa akin ni Clair.
"What's wrong hijo?" Tanong ni Mama sa akin. Kasalukuyan kaming nasa hapagkainan kumakain ng almusal nang makita ng nanay ko ang nakakuyom kong palad na nasa ibabaw ng mesa. Ibinaba ko ang kamay ko.
"Wala, Ma."
"Lola!" Sigaw ni Anika sabay takbo kay Mama.
"Good morning apo!" At hinalikan ni Anika ang pisngi ni Mama at ganun din ang ginawa niya kay Papa. Hindi naging mahirap para sa kanila ang tanggapin si Anika dahil matagal na rin silang naghihintay na magka-apo. Dalawa lang kaming magkapatid, ako at si Rafiel-kapatid kong 16 years old.
"Kamusta na si Clair, anak?" Tanong ni Papa.
"Okay lang naman siya Pa." Sabi ko sabay subo ng pagkain. Hindi pa rin maalis sa isip ko na pupunta siya ng Tagaytay kasama yung ex niya.
"Anak, uminom ka nga muna ng malamig na tubig. Para lumamig din iyang ulo mo." Sabi ni Mama sa akin.
"Busog na po ako." At tumungo ako sa backyard namin.
【Raquel's】
Natatawa nalang ako sa reaksyon ng anak ko. Alam kong may gumugulo sa isip niya.
Nilapitan ko siya.
"Anak, may problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman ma."
"Hindi mo ako maloloko, Constantine."
Nakita kong kumunot ang noo niya. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Constantine. Bakit raw kasi pangmatanda yung ipinangalan namin sa kanya.
"Ma naman eh!" Dabog pa nito.
"Ano?"
"Eh kasi, si Clair."
"Anong meron kay Clair?"
"Mahal mo na?" Biglang sambat ni Caleb.
"Hindi ko alam, Pa. But things started to change ever since dumating si Anika sa amin."
"Anong change ba?" Tanong ko naman.
"May nangyari na ba sa inyo?" Tanong ulit ni Caleb.
"Pa naman!"
"O siya, hindi na kami mangingialam." Sabi ko at nag peace sign. Diba uso ito sa mga kabataan ngayon?
"Ang corny mo, Ma." At natawa nalang ako.
【Clair's】
Namili ako ng mga dadalhin sa Tagaytay. Bumili ako ng ilang mga damit, travel necessities at toiletries. Excited na akong pumunta. First time kong pumunta ng Tagaytay. Iilang provinces nalang din ang hindi ko napuntahan dito sa Pilipinas. This will be a new update on my travel blog.
Napadaan ako sa isang jewelry store at nakakita ng necklace na may x na pendant.
Naalala ko tuloy yung anniversary gift ni Xander sa akin noong kami pa.
He had his reasons to end whatever we had back then.
Pag uwi ko sa bahay, naisipan kong hanapin ang kwintas at isuot.
Maybe, love's really sweeter the second time around. Baka it's time to start anew.
I smiled at my reflection on the mirror. Time to pack stuff for the trip.

BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomantiekMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...