【Rafael's】
Hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung larawan kanina.
Hindi kaya isa sa kanila may kakambal?
Ah ewan, bababa muna ako. Iinom muna ako ng tubig.
Bumaba na ako at kumuha ng isang baso mula sa cabinet. Binuksan ko yung ref at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Nilagyan ko ang baso ko ng tubig. Iinom na sana ako nang biglang may nagsalita sa likod.
"Habit ba?"
Si Clair pala. Nakasandal ang likod niya sa post ng arch sa kusina at naka crossed-arms pa.
"Oo parang ganun nga. Di ako makatulog kapag di ako uminom ng tubig eh."
"Hey."
"Yeah?"
"Iniiwasan mo ba ako?"
"Um. Sorry okay? Natempt kasi ako Clair. Pasensya ka na talaga."
"O-Okay lang."
Kapag tinitingnan ko siya, kumakabog-kabog yung puso ko. At ngayon ko lang namalayan yun. At kapag siya yung topic, napapa-space out ako. I, I think I like her now.
"Clair."
"Hmm?"
"I-I think I like you."
【Clair's】
He looked me intently in my eyes and his face moving towards me. I had no other choice but to run upstairs to bed.
"I think I like you."
"I think I like you."
"I think I like you."Nag-rereplay sa utak ko ang sinabi ni Rafael. Ginawa ko yun kasi hindi ko naman alam kung anong isasagot ko.
"Mommy." Nakatayo si Anika sa doorway hawak ang kamay ni Rafael at kinukusot-kusot pa ang mga mata.
Unti-unting lumalapit sa akin si Anika.
"Bakit baby? What happened?" kinandong ko si Anika.
"I was sleeping sa tabi ni lola and then I had a bad dream." and then she started to cry.
Ang kawawa tingnan ni Anika. Niyakap ko siya at hinagod ang likod nito.
"Baby, it's okay. Nandito na ako. Tahan na."
"Mommy can I sleep here po?"
"Yes." Sagot ko naman.
"With Daddy too?"
"Ah-eh..."
Hindi na nagsalita si Rafael at lumapit na agad siya sa kama.
"Sige na baby. Let's sleep na." Sabi ni Raf.
"Okay daddy."
"Tabi ka ni mommy, baby." sabi ko.
"Wag."
【Rafael's】
"Wag." sabi ko."Why po daddy?"
"Dito ka sa gitna ni mommy at daddy." nginitian ko si Anika. Ngumiti din si Clair. I scoffed in my mind. Of course we had to pull an act in front of the child.
"Sige po." pumunta si Anika sa gitna namin ni Clair.
"Magpray muna tayo baby." sabi ni Clair kay Anika.
"Okay. In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Amen. Papa God, thank you po for this day at sa lahat ng blessings na ibinigay niyo po samin. Thank you po dahil nakasama ko si mommy, si daddy, si lola at si tito Christian. Papa God, sana po palaging happy family po kami. And Papa God, sana po bigyan po ako ni mommy at daddy ng baby brother or baby sister. I don't mind na po if baby girl or baby boy basta gusto ko po ng kalaro po. Thank you po. In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Amen."
Nagkatitigan kami ni Clair nung sinabi ni Anika na gusto niya ng kapatid.
"Goodnight mommy." hinalikan ni Anika si Clair sa kanang pisngi nito. "Goodnight daddy." hinalikan din ako ni Anika sa kaliwang pisngi ko. "I love you po." Kinuha ni Anika ang kaliwang kamay ni Clair at ang kanang kamay ni ko para ipag-holding hands.
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇
A/N: X i e x i e. ♥
BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
Любовные романыMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...