【Rafael's】
Bakit ko ba siya nahalikan? Masyado kasing tempting yung lips niya. Manipis, pinkish at plumpy. Pero dapat di ako nagpadala. Ano ba yan."Daddy! Daddy! Sweet niyo ni mommy oh!" Lumapit sakin si Anika at ipinakita sakin ang picture na kinuha niya gamit ang polaroid camera niya. Picture ito na magkayakap kami ni Clair sa labas ng cr. Napangiti ako.
"Daddy, you love mommy so much?"
"Oo naman. Kayo ni mommy ang pinakalove ko sa buong mundo." Kinandong ko si Anika at hinalikan ang pisngi nito.
"Daddy, when will you and mommy get married? I want to be a flower girl po." Nag-puppy eyes pa ito.
"Soon baby, soon." And I gave her my assuring smile.
"Baby! Halika, sunduin natin si Tito Christian sa airport." sabi ni Clair.
"Talaga mommy?"
"Yes, nagbook pala siya ng flight. Surprising."
"Sama po natin si daddy!"
"Ah eh, sure." medyo nag-aalangang wika ni Clair.
Tahimik ang buong biyahe papuntang airport. Ako yung nagdrive. Si Clair naman nasa tabi ko at kinandong si Anika.
"Daddy, mommy. Where is lolo po?"
"Uh, lolo is in France baby. Busy siya."
"Oh I see. Mommy?"
"Hmm?"
"Can I have a baby brother?"
Napapreno ako bigla sa sinabi ni Anika. Baby brother daw.
"Um, ah, eh, hindi pa pwede baby-"
"Sige baby, we will give you a baby brother soon."
"Yehey! Bili kami baby brother!"
Nakita kong napasapo ng noo si Clair. Palihim akong natawa sa isip ko dahil sa reaksyon niya. Nang makarating na kami sa airport, binuhat ko si Anika at nag-antay sa entrance. Si Clair lang ang pumasok at naghanap kay Christian na agad naman niyang nakita.
【Clair's】
"Shoti!" tumakbo ako papunta kay Christian at pa-talon na niyakap siya
"Ah, achi!"
"Shoti, na-miss talaga kita! Tingnan mo oh, mas matangkad ka na kesa sakin."
"But I'm still your baby brother after all."
"Shunga." naglakad na kami palabas ng airport.
"Oh, si kuya Rafael ba yun? At... nagkaanak na kayo? Pamangkin ko ba yan?"
"Yup. Si Rafael yun. Anak iyan ni Rafael. Hindi niya anak sakin. Pero ituring mo yang pamangkin kasi mommy na ang turing niya sakin."
"Achi, kelan pa ba kayo magpapakasal ni Kuya Rafael? Matagal na kayong nagsasama sa iisang bubong pero wala ba talagang nabuong spark?"
Napaisip ako. Wala ba talaga?
"Hindi ko alam eh."
Naglakad kami papunta sa entrance ng airport at sinalubong kami ni Rafael at Anika.
"Hey bro, welcome back." nag manly hug sila sa isa't-isa.
"Salamat bro."
"Hello po Tito Christian. I'm Anika po." nakangiting bati ni Anika.
"Hi Anika. Ang cute mo pala. Pwede ko ba siyang buhatin?"
"Sige." ibinigay ni Rafael si Anika kay Christian at tumungo na kami sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Si Rafael pa din ang nagdrive, nakaupo ako sa passenger seat at sina Anika at Christian naman sa backseat. Nilalaro ni Christian si Anika sa backseat habang ang driver's seat at passenger's seat ay nababalot ng cold atmosphere. Hindi kami nagkikibuan ni Rafael. But I decided to break the silence.
"Uuwi ba tayo ngayon?"
"Ikaw bahala."
"Sa bahay nalang tayo ni Mama matulog."
"Sige."
Hays, ang cold niya pa rin.
【Rafael's】
Ayoko siyang pansinin. Ang awkward talaga grabe. Na awkward kasi ako sa nangyari kanina. Baka kasi tingin niya hindi ko siya narespeto. But my mind is whispering hope.
But she responded Rafael.
Oo nga nagrespond siya sa halik ko pero baka naman napilitan siya.
Why don't you ask her?
Ayoko nga ang awkward kaya.
But kailangan mong e-confi-
"Raf, go signal na." sabi ni Clair sakin sabay tapik.
pinaharurot ko yung sasakyan dahil 5 seconds nalang ang natira sa GO signal.
God, nagspace-out ba talaga ako?
°•○●°•○○●°•○●°•○●°•○●°•○●°•○●°•○●•°
A/N: ○ Chinese Family ○Achi → Big sister
Ahia → Big brother
Shoti → Youngest brother
Shobe → Youngest sisterKamsahamnida! Xiexie! ♡

BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomanceMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...