IV

297 8 0
                                    

Clair's

Maaga akong gumising para handaan ng pagkain ang anak ko. Nag-saing ako at nagluto ng eggs, bacon at hotdog. At oras na matapos ko ang pagluluto ko, nagising naman si Rafael. Kahit nakatalikod ako, alam kong gising na siya dahil sa mga yapak na narinig ko. Tahimik lang ako pero he broke the silence.

"Anong nangyari kahapon?"

Di ako kumibo. Tahimik lang talaga ako habang naghuhugas ng pinggan. Ayoko kasing pag-usapan yung nangyari yesterday.

"Sagutin mo ako."

Di pa rin ako nagsalita. Eh sa ayaw ko eh. He can't make me.

"Sabi ko sagutin mo ako!" At hinablot niya ang kamay ko para mapaharap ako sa kanya kaya ang isang kamay niya nasa counter at ang isa ay hawak pa rin ang kamay kong ipinako niya sa cupboard. Magkalapit ang mukha namin ngayon. Palapit na ng palapit ang mukha niya saken.

3 inches.

2 inches.

1 inch.

At ayan na talaga. Pumikit na ako.

"MOMMY!"

Napabalik ako sa ginagawa ko. Nagkunwari naman si Rafael na may hinahanap sa ref. Bumaba si Anika na dala-dala ang kanyang bunny na stuffed toy.

"Good morning baby!" Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Good morning Mommy and Daddy." Inirapan lang siya ni Rafael. Tapos nang makita ko yun, hinatak ko sa may sulok si Rafael.

"Rafael, subukan mo naman maging Daddy minsan. Paano nalang kapag ie-enroll na natin siya sa school? Anong sasabihin ng mga tao? Wala siyang Daddy, ganun?!? Ang anak mo pa rin ang kawawa Raf!" Pagkatapos nun ay binalikan ko na si Anika. Sinubuan ko siya.

"Mommy, did you cook this?"

"Yes baby."

"It's yummy!"

"Haha. Thank you baby. Processed food lang naman yan eh. After you eat, magto-toothbrush at maliligo tayo ha? Tapos after mo maligo, punta tayo sa park." Mabuti nalang at di na kami nagKo-Korean masyado. 😂

"Okay Mommy!"

"Osige kain ka na."

Pagkatapos naming kumain, nagtoothbrush kami mag-ina tapos naligo kami. At kukuha na sana siya ng damit sa maleta niya nang..

"Baby! Wait, I have something for you."

"What po?"

"Here. Wear this oh." Inabot ko sa kanya ang isang paper bag.

"What's thi- OH! You bought it Mommy?" At nagsparkle muli ang mga mata niya.

"Yes baby. Sige na. Change clothes na."

"Mhm!" Tapos nagnod pa.

So nagsuot na kami ng damit- na magkapareho. HAHAHA. Ang cute lang diba? Yung summer dress na style yung sinuot namin. Pagkatapos naming magdamit, nag-ayos lang ako ng onti tapos sinuklayan ko ang buhok ni Erin.  Tapos lumabas na kami ng bahay at pumunta sa park.

At pagdating na namin sa park ay tumakbo siya agad sa swing. Medyo hindi naman kasi matao kaya hinayaan ko na siya. Umupo ako sa pinakamalapit na bench pero sinu-sulyapan ko naman si Anika. Baka kasi mawala.

【Rafael's】

Pag-alis nila, pumasok ako sa loob ng kwarto nila sandali. Tamang-tama. Iniwan lang ni Clair ang suklay ni Anika. Kumuha ako ng buhok dun at isinilid ko sa isang plastic bag. Inilagay ko yun sa drawer ko at umalis na. Pumunta ako sa park para sundan sila. Nakita ko si Anika sa swing na may kaharap na bata. Nakita ko rin si Clair na nakaupo sa isang bench habang nagce-cellphone. Pero mas tinuunan ko ng pansin ang anak ko. Nabigla nalang ako ng may narinig akong iyak. At hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sumunod na nangyari.

Tinulak ang anak ko ng batang yun.
Kaya nilapitan ko silang dalawa at kinarga ko ang anak ko. Lumapit din si Clair.

"Ikaw bata ka! Wag mong itulak ang anak ko! Yan ba ang tinuro sayo ng mga magulang mo?" Napaiyak ko yung bata in no time at all. Ang harsh yata ng mga sinabi ko(?)

"Raf! Ako nalang ang susuway sa batang to."

Kaya dinala ko nalang si Anika sa bench at pinaupo ko siya. Dinig na dinig ko pa rin mula dito ang pag-uusap ni Clair at ng bata.

"Masama ang umaway sa kapwa bata. Wag mo nang gagawin yun ha? Bad yun. Sige ka, baka magalit sayo si Papa God. Ayaw mo yun diba?"

Umiling lang ang bata. Clair's really good when it comes to kids.

"Basta, maging mabait ka na ha?"

"Anak!"

"Oh. Tinatawag ka ng mama mo. Yung promise mo ha? Byebye!"

"Okay po. Babye!" Sabi naman ng bata.

At umalis na yung bata. Aalis na sana kami nang...

"Mommy, Daddy, swing muna tayooooo." Pagmamakaawa ni Anika.

"Sige baby." Sagot naman ni Clair. At may binulong na naman siya.

"Raf, pabigyan mo na yang anak mo. Minsan lang naman humihingi ng pabor eh." At wala nga akong nagawa kundi mag-swing din.

"Ang saya ko ngayon Eomma!"

"Why Baby?"

"Kasi kahit di ako pinapansin ni Daddy, mahal pala niya ako. Kasi he protected me dun sa bata." Tapos ngumiti siya.

Tapos para akong nasaksak dun. Ang sama ko palang ama. Ang sama sama. Sarili kong anak, di ko pinapansin. Akala niya tuloy di ko siya mahal. Isa akong gago! Isang gagong ama!

Kakausapin ko ang anak ko.

Lumipas na ang oras. Di pa rin kami umuwi. Nasa park pa kami. At sinabi ko nga diba, kakausapin ko ang anak ko.

"Clair , kakausapin ko muna si Erin."

"Sige. Wag mong sasaktan ang bata ha?" At dumistansya nga si Clair . Pumunta muna siya sa kabilang bench. At kami nalang ng anak ko ang nandito. Kakausapin ko na siya.

"Appa."

"Hmm?"

"What will we talk about?"

"Uhm, Baby. I'm sorry. Sorry kung parang pinagtatabuyan kita. Daddy was a bad person to baby. Sorry baby." Niyakap ko siya at lumuluha na ako.

"Appa, I understand."

"Baby, Daddy will make it up to you."

"Hihi. Thank you Daddy. I love you!" tapos hinalikan niya ako sa pisngi.

"I love you too, anak."

【Clair's】

Ang sweet ng anak at asawa este bestfriend ko.  Single nga pala ako. 😢 Palihim kasi akong tumitingin dito. Umiiyak na si Raf. Bata lang pala ang katapat niya.

"Clair! Uwi na tayo!" sigaw niya habang kinukusot-kusot ni Rafael yung mga mata niya.

"Andyan na!" Kaeemote palang nila, uwi na agad? Nga naman oh.

Pero atleast, bati na sila ng anak niya. Sana naman maging mabait siyang ama kay Anika. I want what's best for the kid.

Biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext ata.


From: Unknown Number

Punta tayo ng mall. Hihintayin kita dito sa pavilion.


Best Friends to PARENTS? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon