【Rafael's】
Ilang araw na ang lumipas, hindi pa rin maayos ang kalagayan ni Anika.
Mababa pa rin yung platelet count niya tsaka wala siyang appetite.
Sinulyapan ko si Clair.
"Baby, say aah. Kumain ka na baby." Sabi ni Clair sabay subo na sana ng vegetable soup kay Anika.
Umiling lang si Anika.
Napabuntong-hininga nalang rin si Clair.
Lumapit ako kay Anika para kausapin siya.
"Baby, please eat ka na. Look, Mommy is very tired. She is taking very good care of you so that you'll be better in no time at all. But you won't be better if you don't eat your food." Sabi ko sa kanya. Palagi nalang puyat si Clair. Yung eyebags niya lumalaki na.
"Kasi I don't like it eh." Sabi ni Anika habang nakayuko.
"Do you want to stay here in the hospital for more days or weeks?" Tanong ko sa kanya.
"No Daddy."
"So you have to eat your food." Kumbinsi ko kay Anika.
"Okay."
"Good, now say sorry to Mommy."
"Mommy, I'm sorry I will my eat my food na."
Napangiti naman si Clair at hinalikan ang noo ni Anika.
"It's okay baby, I understand. Sige kain ka na ulit." At sinubuan nga ni Clair si Anika.
Ang cute talaga nila.
【Clair's】
We've been in the hospital for almost a week. Hindi pa din okay si Anika.Biglang pumasok ang doktor sa room namin.
"Mr and Mrs Villafuerte, may I talk to you for a moment?"
Lumabas muna kami ni Rafael sa room at kinausap ang doktor.
"Mister, misis. Kailangan po ng blood transfusion ng anak niyo."
Napasapo ng noo si Rafael.
"I thought hindi po talaga necessary ang ganyan basta dengue?" Sabi naman ni Rafael. He's no doctor, but he's really good in his studies. He excels in everything he does.
"Yes, but we see no improvement in her condition. That's why we need to do the procedure."
"Okay. I'll donate my blood to Anika. I'm going. You." Harap niya sa akin. "Look after our Anika. She'll be fine." At hinalikan niya ang noo ko at umalis na kasama ang doktor.
Pumasok ako sa kwarto at nakita ang aming Anika na tulog.
Nagdasal nalang ako na sana maging okay na si Anika.
【Rafael's】
Everyone's busy here in the medical laboratory. Kahit ako lang yung pasyenteng nasa loob, maraming inaasikasong tests ang mga employee. Nakunan na nila ako ng dugo para sa blood test but I've been waiting for quite a while now.Nakita ko yung isang lab technologist na may tinawagan sa telepono. At makaraan ng ilang minuto, dumating ang doktor ni Anika.
"Dok, pa-pareview ako ng test result." Sabi ng labtech at ibinigay ang isang papel.
Tinanggap iyon ng doktor at tiningnan. Napailing siya.
"Mr Villafuerte, hindi ka pwedeng mag donate ng dugo."
Tama ba ang dinig ko?
"You might as well want to try asking your wife. Baka match sila ng dugo."
Hindi kaya...
It can't be. I'll set my suspicions aside first. My daughter needs blood.
Tinawagan ko si Clair.
"Raf?" Sabi niya sa kabilang linya.
"Meet me at the hospital's laboratory. A nurse will look after Anika."
"Okay, going." And the call was dropped.
In just a few minutes, she arrived."Dok, ano pong problema?"
"We need to see kung match ba kayo ng dugo ni Anika." Ako na ang sumagot para sa kanya.
Nakita ko sa mukha ni Clair na tila naguguluhan siya.
"Okay." Sabi nito at pumunta na sa station para sa blood test.
After about 20 minutes, we had to start getting Clair's blood.
Oo, match sila ni Anika.
【Clair's】
Medyo nawalan ako ng lakas dahil sa araw na ito. Gusto ko nang matulog.Ako ang nagbigay ng dugo kay Anika. Coincidentally, match kami ng dugo.
Pero bakit hindi sila match ni Rafael? Hindi kaya, hindi si Rafael ang tatay ni Anika?
Nag research ako about paternity. Pero sabi din naman na hindi directly nakasalalay ang paternity sa blood types.
"Anika's going to be fine in a few days. Just make sure she doesn't miss any of her medications." Sabi ng nurse sa amin ni Rafael.
"Thank you." Sabi ko sa kanya bago siya umalis.
"Raf, c-cr lang ako." Paalam ko kay Rafael.
"Gusto mo samahan kita?" Tanong ni Rafael na para bang nag-aalala.
"Kaya ko na." Sagot ko at tumungo na sa cr.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang haggard ko na pala tignan. Halatang wala akong tulog. Nag hilamos ako ng mukha at nagpunas ng tissue.
Biglang may babaeng lumabas sa isang cubicle. Nagsalubong ang mga mata namin dahil sa salamin bago siya umalis.
Saka ko lang din napansin na may kahawig siya. Lumabas ako ng cr para hanapin siya sa hallway pero wala na siya.
Baka naman hindi talaga sila magkahawig.

BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomansaMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...