【】
Ano kaya ang ginagawa ng anak ko? Miss na miss ko na siya. Tatawagan ko nalang sila sa bahay.
Kinuha ko yung phone ko at dinial yung home telephone namin.
"Hello yaya. Magandang umaga."
("Magandang umaga din Ma'am.")
"Ah, yaya. Nandyan ba yung anak ko?"
("Ah, eh po.")
"Yaya? May problema ba?"
("M-Ma'am. Nung isang linggo pa po nawawala yung alaga ko.")
"Ano?!? Yaya naman wag kang magbiro ng ganyan!"
("Seryoso po ako Ma'am! Kumuha na po kami ng mga pulis para hanapin ang anak mo po!")
"Yaya! Ba't ngayon mo lang to sinabi sakin?!? Nung isang linggo nawala yung anak ko tapos ngayon mo lang ibabalita? Katangahan iyan yaya! Uuwi ako diyan in two days! Humanda kayo lahat diyan!"
【Rafael's】
"Good morning Mr. Villafuerte. What brings you here in my small clinic?"
"No need for the formalities, Josh. I'm your best pal after all."
"Well, if you say so. Now tell me, what brings you here?"
"Gusto ko lang magtanong about DNA testing. What samples do I need?"
"Samples ng nail clippings, toothbrush at buhok. Either isa sa mga yun pwede na."
"Mga magkano yung magagastos ko?"
"Mga 16,000 pesos siguro, bro."
"Now you sound like my pal. Haha. Sige. I hope you don't mind if I'll just drop the payment in your bank account?"
"Of course. Pero by the way, why DNA?"
Napamasahe ako ng sentido sa tanong ni Josh.
"There's this woman who claims na may anak raw ako sa kanya."
"Ooh, nice one. Teka, pakiulit nga?"
"I just want to know kung anak ko ba talaga siya."
"Pano kung hindi?"
"Ewan ko bro, napamahal na kami sa bata eh."
"Wait, did you just say 'kami'?"
"Technically, yes. Kaming dalawa ni Clair."
"Ah that pretty witty girl. Kayo na ba bro?"
"Hindi."
"Then why use 'kami'?"
"We live together, Josh."
"Woah. So... unusual. Mahal mo ba par?"
Napaisip ako sa sinabi ni Josh. Mahal ko na ba si Clair? We live together but we are NOT together.
"Bro, nakapagspace-out ka yata?"
"Wala, may naalala lang ako."
"Ah. Sige, eto nga pala yung calling card ko. Just bring the samp-"
"I have them now actually." inilabas ko sa messenger bag ko ang dalawang ziplock bags na may lamang buhok ni Erin at buhok ko.
"Oh, seems that you are ready to fill up the form."
"Sige, e fi-fill up ko na." kinuha ko yung mga form at fi-nill up ito. Isinulat ko na yung pangalan ko, pangalan ni Anika at yung contact number ko. Pinirmahan ko na din yung terms and conditions. Ibinalik ko yung form kay Josh.
"Wait, bro. Full name ang kailangan ng mga pasyente."
"Hindi ko naman kasi alam ang surname ng nanay niya. Ilagay mo nalang ang surname ko kapag match kami."
"Nice. Sige, I'll call you if tapos na ang test."
"Thanks bro."
"No problem."
Umalis na ako sa clinic ni Josh at tumungo sa bahay ni Tita Clarisabel. Nandoon na raw sina Clair eh. At pagdating ko, ayun na nga si Anika nakaupo sa dining table habang binabantayan siya ni Manang.
Pumunta ako sa likod ni Anika at tinakpan ang mga mata niya.
"S-Sino po to? Eomma? Yaya manang?"
Tinanggal ko ang pagkatakip ng mga kamay ko sa mga mata ni Anika.
"Appa!" Tumayo siya mula sa upuan niya at niyakap ang mga paa ko.
"Hi baby."
"Hello Appa! Lika na po, kain tayo." Nginitian niya ako at hinila sa isang upuan.
"Oh, hijo. Nandito ka na pala."
"Good noon po." Tumayo ako saglit para halikan sa pisngi si Tita Clarisa at umupo ako muli.
"Mabuti't nakadalaw ka."
"Opo, sinamahan ko ang mag-ina ko." Ngumiti ako kay Tita.
"Aba dapat lang naman. At ngayon na may anak na kayo, kelan niyo balak magpakasal?"
Napaubo ako sa sinabi ni Tita. Kumuha naman ng tubig si Clair at pinainom sa akin iyon habang hinahagod ang likod ko.
"Uh, wala pa po sa mga plano namin ang pagpapakasal Tita." Kasi nga may ibang mahal si Clair.
"Ah, eh ang importante po ay ang makaipon kami para sa pag-aaral ni Anika." Aba't ang galing sumabay ni Clair sa trip ah.
"Well, sa bagay. Anyways, what grade na si Anika?"
"Magki-kinder 1 pa lang ngayong pasukan ma." sagot ni Clair.
"Saan niyo ba siya ipapaaral?"
"Gusto ko sana siyang ipag-aral sa isang Chinese school Tita. Kaso baka ayaw ni Clair. Di pa naman namin napag-uusapan."
"Sa tingin ko, magandang ideya yang naisip mo hijo. Since fluent naman si Anika sa Korean. Ipag-aral niyo nalang siya sa Chinese Institute of Arts."
"Pwede rin po."
"Hay nako ano ba yan, kumain na nga muna tayo at nagugutom na ako." sabi ni Tita habang hinihiwa ang chicken.
BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomantizmMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...