XVII

132 4 0
                                    

【Rafael's】

Pareho kaming gulat ni Clair nang nakita namin ang eksena sa carpark. Sinasakal ni Kaden si Agnes habang ang anak naman ni Agnes ay iyak nang iyak habang sinusuntok ang paa ni Kaden.

Napalapit ako sa kanila at sinuntok si Kaden. Bumagsak siya sa sahig at pinunasan ang dugo sa gilid ng kanyang bibig. Napaupo naman sa sahig si Agnes hawak-hawak ang leeg niya.

"Rafael!" sigaw ni Clair.

"Nandito ka pala Rafael. Oh ano Agnes? Andito na si Rafael."

"Anong pinagsasabi mo diyan Kaden! Walang kinalaman si Rafael sa away natin! Hindi ko siya pinapunta dito!"

"Anong tingin mo sakin Agnes? Bulag? Nakita ko si Rafael na lumabas sa unit mo nung isang gabi!"sinampal ni Kaden si Agnes.

Nakita ko si Clair na napatakip ng bibig sa gulat. Si Anika naman ay nakayakap sa paa ni Clair.

"Mommy, Daddy, stop fighting na please!"sabi ng anak ni Agnes na iyak ng iyak.

"Ewan ko sayo Agnes! Pagod na ako sa relasyong 'to! Idagdag mo pa yang anak mo kay Rafael! Hindi ko nga alam kung mahal mo ba talaga ako!"

"Nagkakamali ka Kaden! Hindi anak ni Rafael si Keilee! Anak mo siya! Please maniwala ka! Mahal na mahal kita!"sabi ni Agnes habang hinahawakan niya ang kamay ni Kaden.

"Nonsense! Kaya nga kayo nagsama ni Rafael noon diba? Dahil siya ang ama ng dinadala mo!"

"Kaya ako sumama kay Rafael dahil hindi niya alam na anak mo si Keilee! Anak mo siya! Kaya lang hindi ko sinabi sayo kasi baka ipagtabuyan mo lang kami!"

"Patunayan mo muna."

"Halata namang anak mo si Keilee! Hindi ko na kailangan pang ipa-DNA si Keilee! Alam kong anak mo siya."

"Bahala ka!"umalis si Kaden at iniwan si Agnes sa carpark na umiiyak.

Lumapit si Clair kay Agnes.

"Agnes. Alam kong hindi naging maganda ang past natin. But I can be your friend."

"S-Salamat Clair." nagyakapan silang dalawa. Naningkit ang mga mata ni Keilee. Mukhang hindi maganda ang timpla nito. Lumapit si Anika kay Keilee.

"Hi. I'm Anika." inilahad ni Anika ang kamay niya kay Keilee. Ngunit hindi ito tinanggap ni Keilee at tinulak lang siya nito. Napaiyak si Anika sa ginawa ni Keilee. Tinulungan ni Arisa na makatayo si Anika.

"Keilee! Ba't mo ginawa yun?!" saway ni Agnes sa anak.

"I don't like her Mommy!"

"Keilee wag kang ganyan. Mabait si Anika."

"Whatever Mommy."

Aaminin ko, may pagka-maldita tong si Keilee. Namana siguro niya sa Mommy niya. Lumapit ako kay Keilee at kinarga ito.

"Keilee, wag mong awayin si Anika ha? Magagalit kasi si Mommy."

"O-Okay po."

"Mommy! Can he be my new Daddy? Daddy Kaden keeps on hurting you."

"Baby hindi pwe-"

"Okay, I will be your Daddy."sabi ko nalang sa bata para matahimik.

"Yehey! I have a new Daddy now! Daddy bait!" ngumiti na yung bata na ikinangiti ko na rin. Sina Clair at Anika naman ay tumungo na sa loob ng mall elevator.





Best Friends to PARENTS? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon