XXVII

49 1 1
                                    


【Clair's】

"Happy Birthday Anika!" Sabay na bati ng mga bisita.

"Blow out the candle!" Sabi ko sa kanya.

At nagpalakpakan ang lahat matapos inihipan ni Anika ang mga kandilang nasa ibabaw ng kanyang unicorn birthday cake.

Sa garden ng bahay naming mga Andrada ang venue ng birthday ni Anika.

"Everyone, dig in! And for the kids, It's time to play games! I want you to form groups with 5 members each." Si Rafiel ang nag emcee sa party. Mahilig kasi sa bata si Rafiel since preparatory education ang kinuha niyang kurso.

Naglaro sila ng longest line, statue dance, amazing race at iba pang mga parlor games.

"Love, sorry late kami." Sabi ni Xander na kakarating lang kasama si Xarina at Mico.

Hinalikan niya ako sa pisngi bago ibinigay ang regalo ni Anika.

"Glad you made it." Sabi ko. "Kain na kayo." Sinamahan ko sila sa table nila.

Mga close family friends lang at mga kaklase ni Anika ang mga invited.

Tapos mga workmates ko din na may mga chikiting, para mas maraming guests si Anika. Naturally friendly kasi siya so I thought it's a nice idea.

"Clair!" May tumawag mula sa likod.

Nang lumingon ako, nagulat ako nang makita kung sinong dumating.

"Achi Cici!" At niyakap ko siya ng napakahigpit. It's been forever.

Well, not really, just a couple years back.

"I missed you so much!" Sabi ko sa kanya.

"I missed you too. Saan na nga ba ang celebrant? Nag-effort pa naman akong maghanap ng regalo."

Sinamahan ko si Ate Cici at ipinakilala siya kay Anika.

"Ika! Come here! I'm with your Tita."

"Hello po Tita Cici! Palagi ka pong ikini-kwento ni Mommy sa akin."

"Hi Anika! Happy Birthday! Here's my gift!" At inabot niya kay Anika ang isang box.

"Thank you Tita Cici!" At niyakap ni Anika si Ate Cici.

"Awww. Such a sweetie." They get along so well.

Bumalik na kaming tatlo sa party.

Pinagmasdan ko si Rafael na nakikipaglaro din sa mga ibang bata.

Hindi ko inakalang may ganoong side pala si Rafael.

Malapit ng mag 6:00 PM nang biglang inihatid ng guard ang dumating na bisita.

"So, this is the party that we weren't invited to."

Agnes-party crashing. Kasama din si Keilee.

Nakita ko ang mga bisita na nagbubulung-bulongan.

"Rafael, don't you think it would have been better if it was me instead of Clair? Keilee instead of Anika? We could have been a perfect family."

"Umalis ka na." Galit na sabi ni Rafael.

"Isn't it too soon?" Humalakhak si Agnes sabay kuha ng wine glass na nasa table nina Xander at Xarina. "How about I give you a show?"

"Mommy, let's go na." Rinig kong bulong ni Keilee kay Agnes pero binalewala lang niya ito.

"Oh, Xander. Ikaw pala yan. Salamat sa pagtupad ng usapan natin."

Ano bang pinagsasabi ni Agnes? Anong usapan?

"Shut your mouth Agnes!" Tumayo si Xander at hinarap si Agnes.

Pinagtitinginan na kami ng mga bisita. Kaya naisip ni Mama na ipauwi nalang ang mga bisita with take home goodies at party bags at pinaakyat na sa kwarto si Anika.

"Agnes, umalis ka na kung ayaw mong tumambay sa presinto mamaya." I've had enough of her!

Uminom si Agnes mula sa wine glass bago sumagot. "Clair, hanggang ngayon ba isa ka pa ring duwag? Noon, nagpapatanggol ka kay Rafael. Aba lumevel-up ka na ngayon at marunong ka na ring tumawag ng pulis? Ay oo nga pala, may Xander ka pa. Well guess what? Xander works for me."

Nalilito na ako. Lumingon ako kay Xander at halos hindi niya ako kayang tingnan mata sa mata.

"Did you really think Xander wanted you back Clair? Simply put, Xander was just one of my pawns to get back at you for taking Rafael away from me. Yung coincidentally kayong nagkita sa bookstore? At dun sa Play House? I made him follow you! I also got Dash to mingle and flirt with you so I could spend the night with Rafael. I never thought you could be this dumb. You think you're such a lovable bitch who can easily get anything you want-"

Hindi ko na siya natiis kaya isang malutong na sampal ang ibinigay ko sa kanya.

Napahawak siya sa pisngi niya.

"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan sa pamamahay ko." I told her, trying to be tough as I could-even though each word she said pinched my heart.

"My bad. But I can certainly do this."  Bigla niya akong sinabunutan at sinubukan ko siyang pigilan nang nawalan ako ng balanse dahil sa suot kong heels kaya nahiga ako sa sahig.

Sinampal rin niya ako sa magkabilang pisngi.

Hinila siya ni Xarina patayo at binuhusan naman siya ng wine ni Rafiel.

"No wonder iniwan ka ni Kuya." Malditang pagkasabi ni Rafiel.

Lumapit si Rafael sa akin at binuhat ako.

"Clair, I can explain-" Lumapit sana si Xander pero mas hinigpitan ko ang kapit ko sa leeg ni Rafael at iniwasan ang kanyang tingin.

"Save it." Awat ni Rafael sa kanya bago kami pumasok sa loob ng bahay.

Great. I just ruined Anika's party. Just great.

I'm a troublemaker. Wala na akong nagawa kung hindi bigyan ng problema si Rafael. Pati na rin si Anika.

And it turns out, Xander and I were nothing but an illusion.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon