V

287 10 0
                                    

【Clair's】


To: Unknown Number

I'm sorry pero baka na wrong sent mo to.


From: Unknown Number

Punta nga tayo ng mall.


To: Unknown Number

Sino ka ba talaga? Fine, makikipagkita ako sayo but that's only to know your identity.


Pumayag nalang akong makipagkita sa kanya. Ang kulit kasi. And I guess it won't hurt to just meet him right? I mean a side of me also thinks this could be a prank but oh well.

Baka kidnapper to o holdaper? O baka naman hindi. Nag o-overthink ka lang Clair. Tutal dun ka naman magaling eh.

"Eomma, where are you going?"

"Sa mall lang baby. Dito ka lang ha? Pakabait ka kay Daddy." tapos ni-kiss ko siya.

"Okay Mommy! Take care."

So umalis na ako agad. Ginamit ko yung kotse ko. At syempre nagpaalam naman ako kay Rafael.


From: Unknown Number

Asan ka na? Nakablack ako.


To: Unknown Number

Eto na ako. Nakapink.


Wait...

Nang makita ko ang nakablack, nanlaki ang mga mata ko.

Si Dash. Ultimate crush ko nung High School. Tapos binigyan niya ako ng flowers.

"Hi Ysobelle." Noon pa lang, Ysobelle na talaga ang tawag niya sa akin.

"Uh, hi." Bakit ba ako naiilang?

"You still remember me?"

"Uh, yes of course!" Kinakabahan ako na parang ewan.

"Good. Let's have dinner?"

"Sure." Natawa lang siya.

Sabay kaming nagdinner. Kwentuhan kami ng kwentuhan hanggang sa umabot siya sa lovelife ko.

"Ysobelle, may asawa ka na ba?" nagulat naman ako sa tanong niya.

"Wala. Single pa ako. Pero di naman talaga ako focused ngayon in finding my better half. I know God has a greater plan and greater things come to those who wait."

"You think I still stand a chance?"

Nasamid ako sa iniinom kong juice. Ano bang isasagot ko? Oo o hindi? Ano ba naman to, naguguluhan ako!

"Ysobelle?"

"Ah single na tokwa!" Hindi ko namalayang umabot na pala ako sa Pluto. Nag space out ako sa harap niya! Damn it!

Tinawanan lang ako ng loko. "Ano na Ysobelle? Is it a yes or no?"

Binigyan ko siya ng nerbyos na ngiti.

"Ysobelle, please?" He said that with his pleading eyes sabay hawak ng kanang kamay ko na nasa table.

Biglang nagring ang phone ko, may tumatawag. Sasagutin ko muna to.

"I'm gonna take this call for a while."

"Go ahead, take your time."

"Hello?"

(Eomma! Im hungry. There's no food here.)

"Okay anak, i'll bring you food."

(Okay Eomma. Bye!)

"Anak?" Takang tanong ni Dash.

"Ah, anak siya ni Rafael pero mama ang turing niya sa akin." Nang sinabi ko yun ay parang kumunot ang noo ni Dash.

"Rafael Constantine? Yung best friend mo?" Sabi niya habang kumukuha ng isang stick ng cigarette mula sa box nito. Sinindihan niya rin ito gamit ang lighter niya. He's been a smoker since 2nd year high school. Ugh smokers though, I hate them. But for him, maybe I can make an exception.

"Yep. And please, can you refrain from smoking? Just so you know, masisira lang ang lungs mo niyan." Confident kong sagot.

"Bakit ikaw yung nagpro-provide? Di mo naman anak yun eh." He said as he puffed out a batch of smoke.

"Gusto ko rin kasi. And we live under one roof so okay lang naman para sakin."

"You two live together?!?" He exclaimed.

"Uhm, yeah. Ganun na nga."

"I see."

"Yung parents din kasi namin nagdecide."

"Oh, okay."

Then there was an awkward silence.

"Uhm, Dash I have to go."

"Hatid na kita." He placed the cigarette on the ashtray.

"Wag na. I brought my car naman."

"Sabay nalang tayo pumunta sa parking lot."

"Okay."

Nang makarating kami sa parking lot, dumiretso na ako sa car ko at aalis na sana nang marealize kong na flat-an pala ako ng gulong. at mukhang napansin rin yun ni Dash.

"Flat ba?"

"Oo eh."

"Hatid nalang kita."

"Wag na. Magtataxi nalang ako."

"Eh pano kung may mangyaring masama sayo? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Kinindatan niya ako.

"Alam mo, ewan ko kung anong nakain mo kasi ang corny mo na talaga. Pero sige na nga." Sabi ko sabay tawa.

Nagrequest ako kay Dash na magstop-by sandali sa isang Korean restaurant at hinatid nga niya ako hanggang sa bahay namin ni Rafael. At bigla naman akong sinalubong ni Anika.

"Mommy!"

"Hi baby. Here's your food oh." inabot ko yung food sa kanya.

"Clair, pasensya ka na kay Anika at-" napahinto siya sa pagsalita nang makita niya si Dash at hinatak niya si Anika sa loob.

"So, bukas nalang ulit Ysobelle." tumango ako at nagulat naman ako sa sunod na ginawa niya.

HE KISSED ME.

Best Friends to PARENTS? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon