【】
Inilagay ko ang mga bulaklak sa puntod ni Ayesha.
"Hi baby. Miss ka na ni mommy. I know nasa heaven ka na kasama si God at ang mga angels."
"Hon, eto yung mga kandila oh." inabot sakin ng asawa ko ang limang piraso ng kandila. Tinanggap ko iyon at sinindihan isa-isa. Pinatayo ko ang mga ito gamit ang mga mainit na tulo ng ibang mga kandila.
"Baby Ayesha, miss ka na ni mommy." hindi ko na mapigilang mapaluha. Miss na miss ko na ang anak ko.
Bumalik ako sa car namin at kinuha ang isang box na may lamang cake.
"Happy birthday baby Ayesha! Alam kong nag-cecelebrate din kayo diyan sa itaas."
Kumanta kami ng happy birthday song para sa anak ko. Dito na rin kami magpapalipas ng gabi. Kung buhay pa sana si Ayesha, nag-cacamping na yata kami sa gubat ngayon at hindi sa sementeryo. Kung pwede lang sana maibalik ang kahapon.
<flashback>
"Sige misis! Ire pa!"
"Aaaaaaaaah! H-Hindi ko na po kaya!" reklamo ko habang hinahabol ang hininga ko. Ang sakit pala pag normal birth. Napahigpit ang hawak ko sa steel bars sa gilid ng kama.
"Kaya mo yan misis! Malapit nang lumabas ang ulo ng bata! Ire pa!" pag-eencourage naman sakin ng doktor.
"Aaaaaaaaaaaaaaah!" umire ako ng malakas.
"Okay misis. Konti nalang talaga. Lalabas na yung bata!"
"Aaaaaaaaaaaah!" ire ko.
"Magaling misis. Lumabas na yung ulo. Ngayon kailangan mong umire ng napakalakas para lumabas na yung buong katawan ng bata."
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
"Uwaaaaa! Uwaaaaaa!" at narinig ko ang iyak ng aking anak. And then everything went black.
•○•○•
Nagising ako sa tunog ng pagbukas ng pinto. At nakita kong pumasok ang doktor. Nagising rin ang asawa kong nakaupo sa upuan malapit sa kama.
"Good afternoon misis. Kamusta na ang lagay mo?"
"Okay naman po ako."
"Mabuti naman kung ganun." at ibinaling niya ang tingin niya sa clipboard niya.
"Ah dok, nasaan po ba yung baby ko?"
Napahinto ang doktor sa pagaasikaso ng mga papeles sa clipboard niya at napayuko lamang.
"Dok? May problema po ba?"
"Ikinalulungkot ko pong sabihin na... Wala na po ang anak niyo." nagulat ako sa sinabi ng doktor ngunit naisip kong baka nagbibiro lang siya.
"Haha, dok wag naman po kayong magbiro ng ganyan. Rinig na rinig ko pa yung iyak ng anak ko bago ako nawalan ng malay."
"Totoo po ang sinasabi ko misis. May butas po yung puso ng anak ninyo at hindi niya na nakayanan."
Para akong binuhusan ng isang malaking drum ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Napatingin ako sa asawa ko. Ganun din ang reaksyon niya. Nangintab na yung mga mata ko at unti-unting tumulo na ang mga luha ko.
"No! Hindi to pwede! Ang anak ko! Hindi to pwede hon! Ang anak natin!" at humahagulgol na akong umiyak habang yakap-yakap ako ng asawa ko. Tinanggal ko ang IV sa kamay ko at ibinato ang vase at telephone na nakapatong sa ibabaw ng bedside table.
"Hon tama na!"
"Yung anak kooooo!"
<end of flashback>
Napabuntong-hininga nalang ako sa naalala ko. They say life must go on. Iniisip ko nalang na dying doesn't mean they are leaving you. They are just not with you.
【Clair's】
Nandito kami ngayon sa living room lahat. Well, except kay Anika. Nakatulog kasi. Napagod yata kalalaro. Kinuha ni kasi ni mama yung mga lumang photo albums niya na may mga baby pictures namin.
"Hahaha! Si Cle! Payatot pa! Hahaha!" tawang-tawa si Christian nang makita niya ang picture naming magkakapatid sa ilalalim ng puno. Ang payatot ko raw.
"Hahaha si Tantan baboy!" gumanti naman ako sa kanya. Mataba kasi si Christian nung bata pa kami eh.
"Eh at least ngayon may muscles na! Bleh!" itinaas niya ang sleeve ng shirt niya at ipinakita ang muscles niya.
"Mga anak! Mahiya naman kayo sa bisita natin. Wag nga kayong magbangayan sa harap ni Rafael."
"Naku, okay lang po. Ganyan din naman kami ng mga kapatid ko."sabi naman ni Rafael.
【Rafael's】
Nakita kong tuwang-tuwa silang magkapatid. Na-miss ko tuloy ang mga kapatid ko. Kumuha nalang ako ng isa sa mga photo album na nasa ibabaw ng coffee table. Binuksan ko iyon.
Yung unang picture, silang tatlong magkapatid. Ang cute nila.
Sumunod naman, mga solo pictures nila. Solo ni Ate Hyacinth, solo ni Clair at solo picture ni Christian.
Pero may isang picture na kumuha ng atensyon ko.
Larawan iyon ni Tita Clarisa na nakasuot ng hospital gown hawak-hawak ang dalawang newborn baby.
Sa pagkakaalam ko, walang kambal na anak si Tita Clarisa.
Weird. Palihim kong kinuha yung picture at inilagay sa bulsa ko.
°○•●°•○°●•○°●•●°•°○●°°●•
A/N: X i e x i e ♡
BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomanceMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...