XIII

151 6 0
                                    

A/N: Hey guys. I'm sorry I had to change the last part. Ni-restrict kasi ni Watty yung story ko eh. So I guess I had to change that part. Grabe nastress ako ng konti. Pero anyways, enzoy. <3

----

【Rafael's】

Maaga akong nagising ngayon. Napatingin ako sa orasan na nakalagay sa side table at 6:15 pa ng umaga. Bumangon ako at nagshower saglit. Nagpalit na rin ako ng damit at kinuha ko yung car keys ko. Binuksan ko yung pinto para lumabas pero bago iyon, tiningnan ko muna si Clair at Anika. Magkayakap sila sa isa't-isa habang natutulog. Napangiti ako at sinara ko na yung pinto.

Bumaba ako sa kusina at nakita ko sina Manang Luisa at ang mga iba pang kasambahay.

"Magandang umaga po Ser Rap. Ang aga niyo po ata? Di pa po kami nakapagluto ng agahan."

"Okay lang po manang. Gusto ko po kasi na ako yung magluluto ng agahan para sating lahat."

"Naku Ser Rap, baka po magalit si Mam Cler."

"Hindi yan. Sige po manang ah? Wag muna kayong magluto, ako nang bahala."

"Sige po Ser Rap. Ingat po kayo."

Tumango lang ako bilang sagot at tumungo na ako sa mall. Hindi ako sa pamalengke pumunta kasi maraming tao ngayon. Sunday kasi. Sa grocery nalang ako ng mall bumili ng mga ingredients. Pagkatapos kong bumili ng mga ingredients, lumabas na ako sa grocery.

Sa labas ng grocery, I mean sa loob ng mall, may nakita akong batang babae kasama yung mommy at daddy niya. Buntis rin ang mommy nito. Naalala ko ang pamilya ko. Si Anika. Si Clair. At kapag magkakaanak na ako kay Clair.
ARGH ANO BA TONG NAIISIP KO. Ibibili ko na nga lang si Anika ng regalo.

Napa-gala ako sa mall sandali para maghanap ng mairegalo ko kay Anika. At naisipan kong pumasok sa Toy World. May nakita akong malaking teddy bear na kulay pink at may itim na lasong nakatali sa leeg nito. Gusto kong bilhin iyon para kay Anika kaya tinanong ko yung saleslady kung magkano.

"1,231 pesos po sir."

"Sige, kukunin ko."

Kinuha na ng saleslady ang teddy bear at hinatid ito sa counter.

"Sir, dito lang po magbabayad."

Pumunta ako sa counter at binayaran na yung teddy bear. At matapos ko itong bayaran, lalabas na sana ako ng toy store nang may nakabanggaan ako.

"Sorry mi-"

"Hi babe."

It was Agnes.

"What do you want?"

"Wala naman. Coincidence right? Well bibili lang sana ako ng- Oh, I guess di ko na kailangang bumili ng gift para sa anak natin."

"Sayang, taken na si Sir."

"Onga, b**chy nga lang ang dating ng asawa."

Narinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga saleslady sa counter. At mukhang narinig din ito ni Agnes. Lumapit siya sa mga ito.

"Hey, whatever your names are, mind your own businesses or you'll lose your jobs. Mga sawsawera." Mabubuhatan na sana niya ng kamay ang isa sa mga saleslady pero mabuti nalang at napigilan ko siya.

"Agnes! Wag ka ngang gumawa ng eskandalo dito! Have mercy to yourself."

"Bakit? Did you even had any nung tayo pa?"

Yes. Girlfriend ko si Agnes noon.

"Ikaw ang may kasalanan Agnes."

Nagsimula na akong maglakad palayo nang bigla siyang nagsalita.

"I'll make you and your family's life miserable."



Umalis na ako ng mall at nagmadaling tumungo sa bahay ni Tita Clarisa. Inalis ko muna sa isip ko ang nangyari kanina. Nagluto na ako ng agahan since tulog pa silang lahat. Nagising naman sila matapos kong lutuin ang lahat ng mga putahe.

"Oh, hijo. Nag-abala ka pa." sabi ni Tita Clarisa habang bumababa ng hagdan.

"Okay lang po. Gusto ko naman talaga kayong ipagluto eh."

"Naku, kay bait mong bata ka. O siya, titikman na namin ang niluto mo." at umupo na silang lahat sa hapag-kainan.

"Goodmorning Daddy! Wow ikaw po ba nag-cook niyan lahat?" lumapit si Anika sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Oo baby. Sige na, kumain na tayo."

Nagdasal kami bago kumain. Tiningnan ko si Clair na nasa harapan ko. Agad siyang umiwas ng tingin. Dahil ba sa nangyari kagabi?



A/N: Xiexie.

Best Friends to PARENTS? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon