【Rafael's】
Nang magising ako, wala na siya sa tabi ko. Bumangon ako at umupo sa kama.
Parang mababasag ulo ko. Pinulot ko ang mga nakakalat na pangtaas at pangbaba ko at isinuot ang mga iyon.
You're one mess, sabi ko sa sarili ko.
Ni hindi ko nga maalala kung saan ko ini-park ang sasakyan ko. Buti nalang at konti nalang ang bilang ng mga sasakyang naka park kasi tanghali na.
Tumungo ako agad ng bahay at sinalubong ako ni Anika.
"Daddy!" Sabay takbo niya papunta sa akin at niyakap ang mga paa ko.
Damn it. Hindi ko makakalimutan ang mga salitang sinabi sa akin ni Josh.
Hindi ko anak si Anika.
"Daddy?" Tanong ni Anika na nakahangad sa akin.
Why is life so unfair? Kung kailan ako napamahal kay Anika, saka ko naman napag-alamang hindi ko naman talaga siya tunay na anak. Napaluhod nalang ako dahil sa nangangatog kong mga binti at ikinuyom ko ang palad ko.
"Daddy! Don't cry!" At niyakap ako ni Anika. And I hugged her back as tight as I could.
"Baby! I'm home!" Narinig kong sambit ni Clair at nung nagkatinginan kami tumakbo siya palapit sa akin. "Rafael! What happened?" Tanong niya sa akin na tila nag aalala. Hinawi niya ang magulo kong buhok at bago pa siya makapagsalita ulit, niyakap ko siya.
"Oh? Na miss mo ba ako? Grabe ka, isang araw lang naman ako nawala."
Sinabihan ko si Fe na dalhin muna si Anika sa kwarto dahil may pag-uusapan kami ni Clair.
Dinala ko si Clair sa kwarto ko para makapag-usap kami. Humiga kami sa kama ko, just like how we used to when we were kids.
"Anong problema Rafael?" Tanong ni Clair na walang ka alam-alam.
Napabuntong-hininga ako bago magsalita.
"H-Hindi ko anak si Anika." At matapos kong sabihin iyon, napaiyak ako.
【Clair's】
"Oh Rafael..." Nasabi ko nalang at hinaplos ang gilid ng mukha niya. Hinawakan niya ang kamay na inilagay ko sa gilid ng mukha niya. I feel really sad for him. The last time I saw him cry was when namatay yung aso niya noong elementary pa kami. Rafael can come around looking so strong, but he definitely has a soft side.
"Ipina-DNA test ko siya para makita kung tunay ko ba talaga siyang anak. Simula pa lang noong kinakailangan niya ng dugo tapos hindi kami compatible ng dugo, nagduda na ako." Bumangon si Rafael at umupo sa kama habang pinupunas ang mga maliliit na luha niya. Niyakap ko nalang din siya mula sa likod.
BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomanceMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...