Chapter 25

224 18 1
                                    

Hannah Mae Cortes' POV
Grabe kanina pa ako gutom na gutom. Hindi ako nakakain kanina ng breakfast kasi late na late na ako.

Flashback kaninang umaga...

*VRRROOOOM*

Nagising na lang ako bigla dahil sa ingay ng humaharurot na motorsiklo sa tapat ng aming bahay.

LECHENG MOTOR YAN!

Lagi na lang akong nagigising kada dadaan sila sa tapat ng bahay namin!!

Humanda kayo! Kapag nalaman ko lang 'yang address niyo, haharurot din ako sa tapat ng bahay niyo araw-araw!!

Kahit na hindi ako marunong mag-motor, magpapa motor lesson ako para lang sa inyo!!

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa aking kwarto.

SH*T!! LATE NA LATE NA PALA AKO!!

Hindi nanaman gumana 'tong alarm sa cellphone ko!! Nalagay ko yata sa PM imbis na AM.. SH*T!!

End of Flashback

"Mga bes, may assignment ba kayo sa Math? Pakopya naman oh.." Pagmamakaawa ni Eric sa amin.

Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pagkain ng aking baon na siomai. Favorite ko talaga ang siomai!!

"Ako, meron ako.." Sabi ni Jillian kay Eric at sabay kuha ng notebook niya sa bag.

Habang ako ay busy pa rin sa pagkain ng siomai..

"Hannah, mukhang gutom na gutom ka yata ah.." Saad ni Angeline sa akin.

"Hwindi kwashi akwo nakwakwain ng bweakfasht.." Hindi ako makapag salita ng maayos dahil puno ng siomai ang aking bibig.

"Hahaha, kailan ka pa natutong mag-korean Hannah?" Biro ni Alex sa akin.

Hindi ko pinansin si Alex dahil nabaling ang tingin ko sa lalaking papunta sa akin, na si PAUL!!

Nag-slowmotion ang paligid ko habang papunta siya sa akin. At nakangiti pa siya! Kitang-kita ang kanyang mga mapuputing ngipin. At yung mga mata niya sobrang ganda!!

Nagbago ang aking aura nang makita ko nanaman si Sharmane na lumapit kay Paul. Kaya siya ang naging sanhi kung bakit tumigil si Paul sa paglalakad papunta sa akin.

Binigyan niya si Paul ng isang sandwich. At sabay yakap, ngunit hindi naman yumakap pabalik si Paul.

Tumingin si Sharmane sa akin kung saan ako nakaupo at tila ba'y nang-iinggit nanaman at nag-smirk pa siya, tulad ng ginawa niya ulit kahapon.

Bakit ba siya nang-iinggit ano bang problema niya?! At bakit ako ang kinakalaban niya?!

Gustong-gusto ko siyang lapitan at sabunutan dahil sa galit. Ngunit parang hindi ako makahinga. Parang may nabarang pagkain sa aking lalamunan.

Kinalabit ko si Angeline at sumenyas ako sa kanya na hindi ako makahinga.

Rose Evangeline Ventura's POV
"Nabubulunan si Hannah! TUBIG! TUBIG!" Nagpapanic na ako dahil nakikita kong hindi makahinga si Hannah at namumula na siya.

"Teka wag muna natin siya basta-bastang bigyan ng tubig! It's not a good idea as it will not dislodge the object and may make the situation worse by causing a further blockage!" Pagbabanta ni Eric.

"Wow, naks naman. May alam ka pala sa mga ganyan.." Manghang-manghang sabi ni Jillian kay Eric.

"Syempre duh! Ayan kaya ang lesson natin ngayon.. Palibhasa kasi puro PEG-EBEG lang alam niyo.." Biro naman ni Eric.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon