Chapter 23

173 17 2
                                    

Alexander de Vera's POV
"Okay ready na ba ang lahat?" Tanong ko kina Hannah, Jillian at ang iba pa naming mga kaklase.

Wala nga pala kaming mga lessons ngayon. Every valentines day kasi laging nagkakaroon dito ng fair sa school at madaming booths and rides din dito.

Naghahanda na ako para sa surprise ko kay Angeline ngayong valentines. Humingi ako ng tulong sa mga kaklase ko, at pumayag naman sila.

Ang setting namin ay dito sa indoor swimming pool dito sa school.

"Yes!" Sabay-sabay nilang sagot sa tanong ko, habang hawak hawak nila ang malaking tarpulin na ang nakasulat ay, I'M SORRY & I LOVE YOU FROM THE BOTTOM OF MY HYPOTHALAMUS.

Ang iba naman ay may mga hawak na pula at puting lobo. At nagpatulong din ako sa dalawa kong kakalase na magaling maggitara at kumanta.

Kakantahin nila yung Thinking Out Loud, dahil ayan ang theme song namin ni Angeline.

Kahit ang babaw lang ng dahilan kung bakit kami nag-away, pinaghandaan at pinag-isipan ko talaga 'to kahapon bago ako umuwi ng bahay galing dito sa school.

Kasi sabi nga nila, "Apologizing doesn't mean that you're wrong and the other person is right. It just mean that you value your relationship more than your ego."

Rose Evangeline Ventura's POV
Habang dumadaan ako sa corridor ng school madaming bumabati sa akin ng Happy Valentines tapos mga couples pa sila.

"Happy Valentines! Angeline!" Sabi ng isang babae habang ka-akbay ng kanyang boyfriend. Tapos yung ngiti niya abot hanggang langit. Halatang nang iinggit lang kasi single ako.

Hindi ko na lang sila pinansin at nilagpasan na nila ako.

Tapos may dumaan na naman na couple ulit sa harapan ko. Yung babae may dala-dalang lobo, bulaklak, chocolates, at stuffed toy.

Really?! Dapat pala nag-absent na lang ako!!

"Happy Vale~" Naputol yung sasabihin dapat ng babae dahil nagsalita agad ako.

"Edi ako na single!! Maghihiwalay din kayo! Dahil walang FOREVER!!!! 'Yang lobo mo puputok din 'yan! Malalanta rin 'yang bulaklak na dala mo! Masisira rin 'yang stuffed toy mo! Mae-expire rin 'yan tsokolate mo! At higit sa lahat maghihiwalay din kayo!!!!" Pasigaw na sabi ko sa corridor kaya halos lahat ng tao ay napatingin sa akin. Nakuha ko lahat ng atensyon nila..

Dahil sa hiya ko, binawi ko na lang ang sinabi ko. "Ay, jo-joke lang! Happy Valentines din! Sana tumagal pa kayo! Sana magkaroon kayo ng madaming anak.." Sabi ko sa kanila habang ako ay nakangiti nang pilit.

Tapos naglakad na ako paalis habang yakap-yakap ko ang aking mga dalang libro.

Tapos nakatingin na lang ako sa lapag habang naglalakad para hindi ko na makita ang mga couples..

Nasaan na ba ang bes kong si Eric? Huhuhu T__T
Sana naman wala silang ka-date para may kasama naman ako..

*BOOGSHH*

Napatumba ako dahil may nabunggo akong babae.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!! B*TCH!!" Sigaw sa akin ni Sharmane. Habang nakaupo pa ako sa lapag dahil natumba ako.

"Excuse me?! Hindi ako b*tch katulad mo!" Sabi ko kay Sharmane at agad naman akong napatayo sa sahig.

Akmang sasampalin niya na dapat ako pero biglang humarang si Eric sa amin.

"Hoy! Ikaw babaeng malandi na walang alam kung hindi lumandi. Landi here, Landi there, Landi Everywhere!! Ano teh may fieldtrip ka ba??" Saad ni Eric kay Sharmane.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon