Chapter 16

201 19 2
                                    

Jillian Torres' POV
"Okay class, sisimulan na natin ang practical test niyo ngayon. Let's start with Ms. Torres." Sabi ng guro namin sa Filipino na si Ms.Rodriquez.

Ako'y nagulat nang marining ko ang aking pangalan. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso dahil sa kaba. Narito nga pala kami ngayon sa loob ng classroom.

Kaya mo 'to Jillian! Kaya mo 'to!!
Bulong ko sa aking sarili.

"Hi my name is Jillian Torres at napili ko ang salitang FORGET."

Pagkatapos ko sabihin 'yon, sinulat ko sa whiteboard ang salitang FORGET.

"Pinili ko ito dahil para sa akin ito ang pinaka mahirap na gawin sa taong mahal mo. 'Yong tipong kailangan mo na siyang kalimutan dahil alam mong wala ka nang pag-asa pa sa kanya—"

Natigil ako sandali dahil naaalala ko nanaman siya. Huminga muna ako nang malalim bago ako ulit magsalita.

"Minsan sa buhay natin kailangan talaga natin kalimutan ang nakaraan. At magsimula ulit ng panibagong yugto sa buhay natin."

Napansin ko na lahat ng mga kaklase ko at guro namin ay seryosong nakatingin lamang sa akin. Kaya lalo akong kinabahan.

Huminga ulit ako nang malalim bago magsalita.

"Dapat lagi nating tatandaan na hindi lahat ng nakaraan ay binabalikan, ang iba kailangan na talagang kalimutan. Kasi kapag binalikan mo pa ang bakas ng kahapon, mas lalo mo lamang sasaktan ang iyong sarili."

Pagkatapos kong magsalita ako'y nagbow at bumalik na sa aking kinauupuan. Lahat sila ay nagpalakpakan sa 'kin kaya napangiti na lamang ako.

John Eric Salvador's POV
"Bes, ang galing mo ah. HashtagHugot. Trending na 'yan mamaya sa twitter!" Pang-aasar ko kay Jillian at sabay tumawa.

"Che, ewan ko sa 'yo. Ikaw sana ang sunod na matawag, nang malaman mo kung gaano ka-tense nang nagsasalita sa harapan."

"Okay, next will be Mr.Salvador." Sambit ng aming guro.

Napahalakhak ng malakas at sabay bulong sa akin si Jillian ng, "Ang bilis nga naman talaga ng karma."

Mabuti naman at tinawag na ako. Kagabi ko pa 'to pinaghandaan. Gusto ko na talaga ilabas ang lahat ng mga saloobin ko.

"Hi my name is John Eric Salvador, and you can call me maybe." Biro ko at nagtawanan naman ang iba kong kaklase kahit korny ang aking joke.

"At ang napili kong salita ay PRETEND."

Sinulat ko sa whiteboard ang salitang 'PRETEND' kagaya ng ginawa ni Jillian.

"Pinili ko ito dahil isa rin ito sa mga mahihirap gawin. Nagpapanggap ka lang na maging masaya pero deep inside may tinatago kang lungkot. Minsan kung sino pa yung taong laging masaya at laging nagpapatawa, sila pa yung may kinikimkim na problema."

Kinakabahan ako!! Nakatingin kasi sa 'kin si crush.

"Mahirap din magpanggap sa kaibigan mo na gusto mo siya kasi alam mong mayroon na siyang gustong iba."

*Bow*

Umupo na ako sa upuan ko habang sila ay nagpapalakpakan.

"Hahaha humuhugot ka rin pala.. Hastag Hugot ni Eric. Trending na rin yan mamaya... Hahaha" Bulong sa 'kin ni Jillian.

"Baliw, linya ko yan ah.. You're nothing but a second rate trying hard copy cat!"

"Che ang dami mong alam.. Hahaha.."

"Okay next will be Ms.Cortes"

Mukhang sunod-sunod yata kaming tinatawag na magkakaibigan.. May galit yata sa amin yung teacher namin.. Hahaha..

Hannah Mae Cortes' POV
Tumayo na agad ako at pumunta na sa harapan.

"Hi my name is Hannah. At ang napili kong salita ay ang FRIENDS. Napili ko ito dahil importante sila sa 'kin. Kung wala sila, panigurado magiging malungkot ang buhay ko dahil wala ng magpapatawa sa 'kin, wala na ring magtatanggol sa akin, at higit sa lahat wala na akong kakampi mandaya sa quizzes."

Agad naman nanlaki ang mga mata ng teacher namin.

"JOKE!"

Wala na akong masabi kaya nag bow na ako at bumalik na sa upuan ko. Medyo nahiya ako ng kaunti sa sarili ko kasi sila Eric at Jillian ang haba haba ng mga sinabi nila.

Pero atleast may pumalakpak naman... Kundi si Eric lang.. Slow clap pa.. Halatang nang-aasar lang. -__-

"Next is Mr.Flores"

Shems ang gwapo niya talaga.. Ang hot niya!! At hot din ako!! Bagay kami.. Joke, makapagsimula na nga ulit ng pag-dadiet bukas, para magustuhan niya rin ako.. T__T

"Umm, Hi? My name is Paul Angelo Flores." Kinamot niya yung batok niya at ngumiti siya!! *o*

Ohmayghaad!! Ang cute niya!!

-----

"Okay, next will be Ms.Ventura"

Rose Evangeline Ventura's POV
Naglakad na ako papunta sa harap na walang halong kaba.

"Goodmorning my name is Rose Evangeline Ventura. At ang napili kong word ay LOVE"

Tumingin ako nang nakangiti kay Alex at nakita ko siyang nakatingin rin sa akin at ngumiti rin siya.

"LOVE ang napili ko kasi ito ang pinaka importante sa lahat. Dahil Kapag walang love there will be no life. Kapag nagmamahal ka kailangan lagi kang handang masaktan. Dahil madaming mga pagsubok ang dadaan sa inyo."

Pagkatapos ko magsalita sa harapan ay bumalik na ako sa upuan ko. Ginawa ko lang siyang maikli kasi baka ma-bored lang yung mga kaklase ko.

At baka mamaya ma-feature pa ako sa MMK niyan kapag sibrang haba ng ginawa ko.

JOKE! Oo na korny na ako, reyna ako ng mga korny...

-----

Halos lahat ng kaklase ko ay natawag na at si Alex na lang ang hindi pa natatawag.

"And for the last one, Mr.de Vera"

Alexander de Vera's POV
Tumayo na ako at naglakad na papunta sa harapan.

"Hi my name si Alexander de Vera. Ang napili kong word ay TRUST."

"Hay naku! Puro lablayp!! Ang sakit na ng ulo ko! Hindi pa nga kayo tapos sa pag-aaral lablayp na agad ang inaatupag niyo. Ako nga ilang taon na ako wala pa akong lablayp dinaig niyo pa ako sa ganda kong ito."

Nagulat kami sa sinabi ng guro namin kaya lahat kami napatingin sa kanya at nanlaki ang mata namin.

"Uhm.. Ay sorry! Sorry! Continue Mr. de Vera.."

"Okay.. Trust ang napili ko kasi lahat ng mga nagmamahal kailangan nito. Kapag wala kayo nito sa isa't-isa panigurado hindi tatagal ang relsyon niyo. Trust is like an eraser, it gets smaller and smaller after every mistake."

*Bow*

Ginawa ko rin siyang maikli kasi baka mamaya magalit pa lalo si miss. Kasi ayaw niya pag-usapan ang tungkol sa mga love life.

"Okay thank you Mr.de Vera! Short but meaningful.. Class you may take your recess now."

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon