Chapter 6

413 24 2
                                    

Rose Evangeline Ventura's POV

Hindi ako nakatulog nang maayos dahil ayaw mawala sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Naguguluhan pa rin talaga ako. 'Di ko alam kung nagkakagusto na rin ba ako sa kanya.

"Uy bes! Ano nangyari kahapon sa inyo ni fafa Alex?" Tanong ni Jillian habang nakaupo kami rito sa bangko.

Kasama ko silang tatlo dito sa hardin ng eskwelahan namin. Maaga kaming pinauwi kasi may meeting daw ang mga guro.

Oo nga pala may kasalanan nga pala silang tatlo sa akin, iniwan nila ako kahapon!

"Hoy! Akala niyo nakakalimutan ko 'yung mga pinagagawa niyo kahapon ha! Iniwan niyo ako at dahil diyan hindi ko na kayo ililibre!"

"Uy bes sorry na, peace na tayo." Sabi nilang tatlo at sabay nagpeace-sign pa.

"Wala, hindi ko na kayo bati! Che." At nag walk out na ako.

"Edi umalis ka, Saan ka naman pupunta? Wala ka ngang pupuntahan, e." Pang-aasar ni Eric sa 'kin.

"Joke lang." Sabay balik do'n sa puwesto ko.

Tumawa silang tatlo at nagsalita naman si Hannah. "Alam ko naman na hindi mo kayang magalit sa amin, e. Pero 'yung totoo bes anong ginawa niyo kahapon?" Tanong ni Hannah chismosa at sali-dali silang lumapit sa'kin upang mapakinggan ang bawat detalye ng aking ikuwe-kuwento.

Kinwento ko sa kanila ang mga nangyari kahapon simula do'n sa pag-aya ni Alex sa akin at hanggang do'n sa pagkauntog ko.

"Ang tanga tanga mo naman Bes. Ba't ka nauntog?" Pang-asar na ni Jillian at sabay tumawa nang malakas.

"Oh my gee! Bes nagdate kayo?!" Gulat na tanong ni Eric.

"Kayo na bes?!" Mas lalong gulat na tanong ni Hannah.

"Hindi kami nagdate at lalong lalong hindi kami!" Inis kong sagot sa mga tanong nila.

"E, bakit mo siya ninakawan ng halik sa labi?" Tanog naman ni Jillian.

"K-in-iss ko lang siya nang mabilis sa pisngi, as a sign of gratitude!" Paliwanag ko sa kanila.

"Tss, hay nako bes, kailan ka kaya magkakaroon ng boyfriend? 4th Year ka na single ka pa rin." Tanong ni Eric sa 'kin.

"E, ano naman kung walang boyfriend, buti sana kung nakakatalino 'yang pagboboyfriend na yan. Aral muna at tsaka hindi pa handang masaktan ang puso ko."

"Kung ayaw mo sa kanya dapat sabihin mo na sa kanya. Hindi 'yung naghihintay lang siya sa wala." Sabi sa 'kin ni Eric na parang nagbibigay ng speech.

"Bes, hindi naman lahat ng lalake ay manloloko, hindi rin lahat ng lalake ay babaero at tsaka normal lang naman masaktan." Paliwanag ni Jillian.

"Bes, 'wag kang magpaka manhid baka mamaya sumuko na lang siya sa iyo. Mahirap i-maintain ang feelings kapag bale wala ka lang sa kanya. Bes, sundan mo lang 'yang puso mo." Sabay tinuro ni Eric ang ang kaliwang dibdib kung saan naka-puwesto ang puso.

"Tsaka kapag ang lalake ay kayang ilaan ang oras nila sa iyo, seryoso sila sa nararamdaman nila, mamahalin ka talaga nila. Bes, alam mo bang bihira na lang ang ganyang mga lalake sa panahon ngayon." Pagpapaliwanag din ni Hannah.

Hindi na lang ako nakasagot sa mga sinabi nila. Napatingin na lang ako sa malayo at napaisip.

Siguro nga totoo 'yung mga pinagsasabi nilang tatlo. Para sa'n nga ba ang puso ko kung hindi ko man lang ito gagamitin. Sa tingin ko rin mahal ko na nga yata talaga si Alex pero torpe nga lang siya.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon