Chapter 2

577 27 5
                                    

Alexander de Vera's POV
"Mahal na mahal kita Angeline! Hinding-hindi kita iiwan!" Sigaw ko kay Angeline habang dahan-dahan akong tumatakbo papunta sa kanya.

Ngunit habang ako'y tumatakbo napatid ako na ikinabagsak ko sa lapag. "Aray!"

Tumayo ako at tumingin-tingin sa paligid at buti naman walang nakakita. Kaya naman ipinagpatuloy ko ang dahan-dahang pagtakbo papunta kay Angeline.

"Mahal din kita Alex!" Sabi rin niya sa akin habang dahan-dahan din siyang pumupunta sa akin.

Nang magkalapit na kami sa isa't-isa hinawakan ko ang pisngi niya at ang isa ko namang kamay ay nakalagay sa beywang niya.

Yumuko ako kasi hindi niya ako abot at ngayon magkalapit na ang mukha namin sa isa't-isa. Kaunting espasyo na lang at maghahalikan na kami.

At ayon, nangyari na ang matagal ko ng inaasam-asam. Naghalikan kami nang sobrang sweet. Ngunit napansin ko na dinidilaan niya ako. Lalo kong ikinagulat ang pagtahol niya.

Pagmulat ko ng aking mga mata si Brownie pala, ang aso namin dinidilaan ako. Panaginip lang pala ang lahat.

Pagkatingin ko sa orasan 6:45am na pala! 7:00am ang klase namin. Male-late na ako! Kaya dali-dali akong tumayo sa aking ikinahihigaan at sabay diretso na agad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos, nagbihis na ako ng uniform. Bumaba ako mula sa ikalawang baitang ng aming bahay at nagbaon na lang ako ng tinapay.

———

Buti naman pumasok na ang best friend ko. Hindi na ako mag-isa. Nandito kami ngayon sa canteen kumakain kami, recess kasi namin.

"Pre, sayang wala ka kahapon!" Pagmamayabang na sabi ko sa kanya.

"Bakit? Ano bang mayro'n kahapon?" Pagtatakang tanong naman niya sa 'kin.

"Sinagot na ako ni Angeline." Sabay ngumiti ako ng malapad.

"Talaga Pre?!" Laking gulat na tanong niya sa akin.

Napatawa ako at sabay sabing,"Biro lang, pa'no naman ako sasagutin no'n e, hindi nga ako pinapansin no'ng babaeng 'yon."

"Sabi ko na nga ba nagbibiro ka lang e. Torpe ka kaya." Sabay tawa niya nang malakas.

Binatukan ko siya sa ulo na naging sanhi ng pagkalaglag ng kinakain niya.

"A-Aray ko naman." Hinimas-himas niya ang kanyang ulo.

"Hindi man lang niya sinakyan ang joke ko. Hindi ka tunay na kaibigan, tss."

"Tss, dami mong alam. Kumain ka na nga lang diyan."

"Pare, 'yung utang mo pala? Tagal mo nang hindi binabayaran 'yon ah. Mukhang nagkakalimutan na tayo." Sabi ko sa kanya.

"E ako nga kinalumutan niya na rin na magkakilala kami. Napakasakit, pare!" At sabay umakto siyang naluluha.

Binatukan ko ulit siya. "'Wag mo ngang ibahin ang usapan. Humuhugot-hugot ka pa diyan."

Nakakainis kasi 'tong kaibigan ko e. Utang nang utang tapos hindi naman niya pala babayaran hanggang sa magkalimutan na.

"Kuha ka na lang diyan sa wallet ko sa loob ng bag." Sabay turo niya sa bag niya.

Pagkabukas ko ng bag niya kinuha ko ang wallet niya at binuksan ko ito. Nanlaki ang mga mata ko dahil may nakita ako.

"Pare ba't ang dami mong c0ndoms dito?! One.. two.. five!" Gulat na tanong ko sa kanya. At bigla naman siyang napatingin agad sa akin at nanlaki ang kanyang dalawang mata.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon