Chapter 26

174 22 9
                                    

Jillian Torres' POV
"Oo! Alam kong siya yun! Kabisadong-kabisado ko ang mukha ni Eugene!!"

Habang hinihintay namin ang aming teacher namin dito sa loob ng classroom. Ikinwento ko kina Angeline, Hannah, Eric at Alex na nakita ko si Eugene kahapon sa National Bookstore.

"Weh? Baka guni-guni mo lang yun?" 'Di makapaniwalang sabi ni Eric sa akin.

"Hindi!! Totoo siya!! Pinindot-pindot ko pa nga ang braso niya eh.."

"Kung hindi ka niya nakilala, edi ibig sabihin, hindi niya na rin kami kilala??" Sambit ni Angeline.

"Oo, ganun na nga.." Sagot ko sa kanya na may halong pagkalungkot.

"Alex, diba bestfriend mo si Eugene? Wala ka bang number niya?" Tanong ni Hannah kay Alex.

"Meron.."

"Meron ka naman pa lang number niya eh! Dapat tinawagan na natin siya or tinext man lang noon pa! Para kamustahin siya.." Sambit ni Eric kay Alex.

At sabay binatukan naman ni Hannah si Eric. "Eric, nag-iisip ka ba? Kita mo ngang na-comatose si Eugene diba? Paano niya masasagot yung tawag or text??"

"Malay mo sagutin yun ng parents niya.. Diba?" Wika ni Eric kay Hannah.

Binatukan ulit ni Hannah si Eric. "Nagka-amnesia ka na rin ba? 'Di mo ba naaalala na galit nga sa atin yung magulang niya!!"

Habang nag-aaway sina Hannah at Eric. Kinuha ni Alex ang phone niya at tinawagan si Eugene.

"Walang sumasagot eh.." Sabi ni Alex at sabay lagay ng cellphone niya sa kanyang bulas.

Napatingin kaming lahat sa babaeng pumasok ng classroom. Akala namin nagkamali lang ng pasok yung babae dahil hindi namin siya gano'n namukhaan. Dahil habang naglalakad siya, siya ay nakayuko.

At syempre may mga nagbulong-bulungan na naman..

"Oh my gosh, sino yan? May bago nanaman tayong kaklase?"

"Hahaha new hairstyle!"

"Anyare teh?"

"HAHAHA! Omg is that...

...SHARMANE?!"

"HAHAHAHAHA!!!" Sabay-sabay kaming nagtawanan lahat nung makita namin na si Sharmane pala 'yon. Yung gupit niya hindi pantay-pantay.

"Saan ka nagpagupit? Ma-try ko nga rin magpagupit dun minsan! Hahahaha!!" Pang-aasar ng isang kaklase namin.

Sharmane Aira Reyes' POV
Gaganti rin ako sa'yo Hannah!! Sisiguraduhin kong uuwi kang luhaan mamaya!! Leche kang babae ka!!

*FLASHBACK*

"Goodbye, BAVARIAN!!" At sabay pinatayan niya ako ng ilaw.

"KYAAA!! Buksan mo 'yang ilaw!! Baka ma-rape ako rito!! Wala akong dalang proteksyon!! Ayoko pang mabuntis!!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

"For your information walang mang-rarape sa 'yo! Ang panget panget mo!" Pumasok ulit siya at binuksan niya ang ilaw.

"Bakit maganda ka ba?!" Tapos nag-smirk ako sa kanya.

"Oo!" Tipid niyang sagot at nag-cross-arms pa..

"Saan banda?! Hahaha!!" Sabay tawa ako nang malakas.

"Doon sa bandang meron ako na wala ka!!! CHE!" Pinatay niya na ang ilaw at tuluyan na siyang umalis.

"MAS MAGANDA AKO SA 'YO!!" Sumigaw ako para marinig niya, kaso hindi niya na yata ako narinig dahil umalis na siya.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon