Chapter 10

301 24 1
                                    

Alexander de Vera's POV
Dalawang araw na lang at mag-uumpisa na ang prom namin. Kailangan ko na talagang magpropose kay Angeline.

Kaya nang mag-uwian na namin agad-agad akog nagtungo sa backstage. Naghanda na ako para proposal ko kay Angeline. Mabuti naman at walang gumagamit ng AVR ngayon.

Tinutulungan ako ngayon nina Eric, Jillian at Eugene sa pag-aayos. Habang si Hannah naman tinatawag niya na si Angeline.

Hawak-hawak ni Eric ang plataporma na may salitang WILL, kay Jillian naman ang YOU kay Eugene ang BE MY at syempre sa akin naman ang PROM DATE?

Rose Evangeline Ventura's POV
Kanina pa ako hanap nang hanap kung nasaan na ba ang aking mga kaibigan ngunit ni anino nila wala talaga akong makita.

Pagkatapos ng sampung minutong paghahanap... Ayon, Nakita ko si Hannah papunta sa akin.

"Kanina pa ako hanap nang hanap sa inyo! Nasa'n na sila Eric—" Hindi natapos ang aking mga sinasabi dahil ako'y hinila niya at 'yong itsura niya parang sabik na sabik na mukhang ewan.

Ano kayang mayro'n? Nababaliw na naman yata 'tong babaeng 'to.

"Teka, saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko.

"Basta sumunod ka na lang." Sabi naman ni Hannah sabay ngiti sa 'kin.

Nagpaubaya na lamang ako at sumunod sa kanya habang hila-hila niya pa rin ang aking braso.

Pumunta na kami sa AVR at may mga nakita akong mga tululot ng mga rosas sa sahig na nakakalat. Halatang bagong pitas ang mga ito dahil naaamoy ko pa ang bango nito.

Ako'y nagulat at nanlaki ang aking mga mata nang biglang bumukas ang kurtina sa entablado. Nakita ko ang aking mga kaibigan at si Eugene na may hawak na plataporma.

Binasa ko ang mga nakasulat roon at ang nakasulat ay WILL YOU BE MY ako'y nagtaka dahil bakit putol ang pangungusap?

Lalo kong ikinagulat nang nakita ko si Alex papunta sa akin at may hawak siyang mikropono. Binuksan niya ang polo niya at tumambad sa akin ang kanyang magandang pangangatawan.

Naglalaway na yata ako.

Nakasulat sa kanyang makisig na pangangatawan na may six-pack abs ang kadugtong ng pangungusap, PROM DATE?

Nagsalita siya sa mikropono at sinabing, "Rose Evangeline Ventura, binago mo ako nang husto. Dahil sa'yo natutunan kong maging matapang at tinulungan mo rin akong maibsan ang aking pagiging torpe. Natutunan ko rin na 'wag agad-agad susuko, matagal mo akong hindi pinapansin noon pero hindi ako tumigil dahil alam kong may pag-asa pa ako sa 'yo at tama nga ako. Sana naman pumayag ka na maging ka-partner ko sa prom dahil gusto kitang makasama at makasayaw sa pinaka-espesyal na araw ko. Alam kong magiging espesyal 'yon dahil kasama kita. Sa tuwing kasama kita, laging umiikot ang mundo ko, laging pansamantalang tumitigil-tigil ang puso ko, at biglang gumagaan ang loob ko kapag kapiling rin kita. Kaya Rose Evangline Ventura, WILL YOU BE MY PROM DATE?"

Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa kilig at saya. Habang siya'y nagsasalita bumabalik sa aking isipan ang mga masasayang alaala na kasama ko siya.

Naaalala ko 'yung araw na umiiyak ako no'n sa garden, naaalala ko rin 'yung nasa park kami, naaalala ko rin ang first date namin!

"YES, OF COURSE!" Tumakbo ako papunta sa kanya at yinakap ko siya nang mahigpit. Yumakap din siya pabalik at bakas sa kanyang mukha ang labis na tuwa. Habang kami'y magkayakap itinaas niya ako at nagpaikot-ikot kami. Tawa kami nang tawa hanggang sa...

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon