Chapter 19

169 19 6
                                    

Jillian Torres' POV
Nasa simbahan kami ngayon ni Eric, siya lang ang kasama ko kasi sila Angeline, Alex at Jillian tinatamad daw sumama..

Si Eric naman kaya daw gusto niyang sumama kasi madami daw siyang makikitang gwapo sa simbahan. At baka doon niya na daw makikita ang kanyang meant to be.. -__-

Patapos na yung misa nang may napansin akong isang lalake sa kabilang side na nakatingin lang sa 'kin. Tapos nginitian niya ako..

Inirapan ko na lang siya kasi hindi ko naman siya kilala. At nagsimba ako hindi para maghanap ng mga lalake tulad ni Eric.

"Bes, nakikita mo ba yung lalakeng yun? Kanina pa siya tingin ng tingin sa'kin.. Emergherd!! Ang cute cute niya!!" Sabi sa'kin ni Eric na OA kiligin.

Sa kanya ba nakatingin yung lalake? Kala ko sa'kin.. Parang ewan tuloy ako, kasi inirapan ko yung lalake kahit hindi naman pala siya sa 'kin tumitingin..

Well nevermind, tapos na ang misa kaya hinila ko na si Eric palabas ng simbahan kasi napakalandi niya..

Nagulat ako nang sumunod din yung lalake sa amin. At nang nasa labas na kami ng simbahan. Sumigaw yung lalake.

"MISS! WAIT!" Dami tuloy napatingin sa kanya.. Kala tuloy nung isang babae na over maka make-up siya yung tinatawag.

Lumapit naman si Eric dun sa lalake at hinila niya ako papunta dun. Kasi ako yata ang tinatawag ng lalake na 'yun.

"Hi ako ba yung tinatawag mo?" Sabi ng babaeng mukhang clown doon sa lalake.

"Hoy, babaeng hugis mangga ang mukha! Na ginawang coloring book ang mukha! For your information hindi ikaw ang tinatawag niya! Kundi ang kaibigan kong maganda!" Pang-aasar ni Eric dun sa babae.

Yung babae naman inirapan lang si Eric at umalis na..

Lumapit naman sa'kin yung lalake kanina.

"Hi Miss! I'm Ezekiel, Zeke for short.."

Inabot niya yung kamay niya sa 'kin para makipag shake-hands.

Pero biglang humarang si Eric sa aming dalawa.

"Hello Zeke, i'm Eric, Eri for short, Er for shorter, E for the shortest.." At siya naman yung nakipag shake-hands.

Nagiging korny na naman 'tong si Eric at lumalandj nanaman purket nakakita lang ng gwapo.. -__-

"Tara na nga Eric alis na tayo.."

Umalis na ako at hindi na ako nagpakilala sa dun sa lalake.

"Panigurado nag-aalok lang 'yon ng networking... Diba Eric?? Eric?!?"

Habang naglalakad ako, napansin ko na hindi pala sumusunod sa'kin si Eric.

Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga tao kasi nagsasalita ako mag-isa siguro akala nila nababaliw na ako..

"Eric!! Tara na!!" Sigaw ko kay Eric.

Sumunod naman siya sa'kin. Pero parang may sinabi or may tinanong yata siya dun sa lalake.

Panigurado hiningi ni Eric yung number nun. Napaka landi talaga ni Eric...

Ezekiel John's POV
Pagkauwi ko ng bahay umakyat agad ako sa kwarto ko.

Binuksan ko kaagad yung laptop ko. At nag-facebook ako. Sinearch ko agad yung pangalan niya.

Jillian Torres daw yung name, nalaman ko kasi tinanong ko dun sa kasama niya na si Eric.

Since madami-dami siyang kapangalan tinignan ko muna isa-isa yung mga pictures ng bawat kapangalan niya.

AYUN! Nakita ko na! YES!

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa in-add ko na agad siya sa facebook. Sana i-accept niya ako please!!

Jillian Torres' POV
Sumama muna ako kay Eric sa bahay niya. Kasi malapit lang ito sa simbahan at bigla kasing nagkaroon ng malakas na ulan.

Dito muna ako sa kanila habang hindi pa tumitila yung ulan. Habang wala kaming magawa hiniram ko muna yung laptop ni Eric para makapag facebook ako.

Pagkabukas ko ng laptop niya, yung background niya ay babae na sobrang ganda.

"Si Hannah ba 'to?"

Lumapit siya agad sa 'kin.

"Ahmm.. Oo."

"Bakit yung background mo dito sa laptop mo picture si Hannah?"

"Wala lang, matagal na kasi kaming magbestfriend ni Hannah, tsaka siya yung pinaka close ko sa ating magkakaibigan."

"Ahh okay.."

Pagkatapos namin mag-usap bumalik na siya sa puwesto niya sa sofa at nanuod ng TV.

Ako naman naglog-in na ako sa facebook ko.

Pagkabukas ko may new friend request ako, sino kaya 'to?

"Ezekiel John Marcelo? Diba ito ba yung lalakeng nasa simbahan kanina?" Tanong ko kay Eric.

"OMG! OMG! In-add ka niya bes!?"

"Paano niya nalaman ang facebook ko??" Pagtatakang tanong ko kay Eric.

"E-wan k-o.." Utal-utal na sagot ni Eric at umiiwas siya ng tingin sa'kin, kaya halatang may tinatago.

"Sinabi mo noh?!!" -__-

"Hehehehe.. Peace!" Ngumiti siya at tsaka nag-peace sign siya sa 'kin..

"Wag ka ngang magpacute! Hindi ka cute, nagmumukha ka lang clown.."

"Grabe ka naman bes ang seryoso mo naman masyado. Sige ka tatanda ka agad niyan.. Dapat lagi tayong postive, wag laging nega." Biro niya sa 'kin.

"Change topic ka naman agad diyan, bakit mo ba kasi binigay yung facebook ko sa kanya?"

"Eh kasi pinipilit niya ako kanina na ibigay eh, tsaka naawa rin ako sa kanya obsess na obsess kasi siya sa 'yo.."

"Kita mo ngang kaka move-on ko lang dun sa nakaraan eh...."

"Sino? Si Euge~"

Hindi na natuloy yung sinasabi niya kasi tinakpan ko agad yung bibig niya, dahil ayaw ko nang marinig ulit ang pangalan na 'yon dahil babalik nanaman lahat ng mga nakaraan.

Huminga ako ng malalim at inalis ko na ang kamay ko sa bibig niya.

"Sige bes alis na ako, bukas na lang ulit. Salamat sa pagsama sa 'kin sa pagsimba.."

Hindi ko na hinintay ang kanyang mga sasabihin at umalis na lang agad ako.

John Eric Salvador's POV
Grabe naman yun hindi naman naging sila ni Eugene eh. Well nevermind wala akong karapatan mang-judge ng ibang tao. Malay mo nga masakit talaga yun para sa kanya.

Pero kaya ko nga binigay yung facebook niya kay Zeke para lalo niya nang makalimutan si Eugene.

Ay naka log-in pa pala yung facebook niya dito sa laptop ko.

Meron akong naisip! Ngumiti ako na parang may gagawing masama.

Binuksan ko yung friend requests niya at in-accept ko si Zeke.

Oh ayan, sana maging sila ni Zeke. Para naman maging masaya na si Jillian, minsan kasi parang ang lalim-lalim ng mga iniisip niya.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon