Chapter 5

411 24 2
                                    

Alexander de Vera's POV
Dimissal na, yes! Magkikita na rin kami ni Angeline. Grabe halos buong period yata siya lang ang laman ng isipan ko. Wala tuloy akong naintindihan sa lessons namin kanina.

Ang tagal naman ni Angeline kanina pa ako naghihintay dito sa canteen. Kaya napagpasyahan ko munang pumunta ako sa silid palikuran dito sa aming eskwelahan.

Nagpapogi ako sa salamin at nag-ayos rin ako ng buhok. At dahil wala akong magawa, kinuha ko 'yung isang roll ng tissue paper at bumalik na sa canteen.

———

Wala pa naman siya, kaya may naisipan akong gawin sa toilet paper. Gumawa ako ng rosas.

After 10minutes...

Nakita ko na siya papunta sa ikinauupuan ko. Dumating na rin siya sa wakas. Kasama niya 'yung mga bestfriends niya na sina Eric, Jillian at Hannah.

"Hi Angeline! Flowers for you."
Binigay ko sa kanya 'yung rosas na ginawa ko sa tissue paper. Korny man tignan atleast tunay akong nagmamahal.

"Sa-salamat." 'Yan lang ang nasabi niya at parang nahihiya siya sa kanyang mga kaibigan.

Tumawa ng mahina si Eric at may binulong kay Angeline, "Ang cheap naman ng manliligaw mo magbibigay na nga lang ng flowers, gawa pa sa toilet paper." Pabulong na sabi pero narinig ko naman siya kaya siniko siya ni Angeline.

Kaya agad-agad akong nag-isip kung paano niya magugustuhan 'yung binigay kong rosas na gawa sa toilet paper.

"Alam mo ba kung bakit gawa 'yan sa ganyan? Kasi ganyan kalinis ang pagmamahal ko sa 'yo." Mala-romantiko kong sabi at oo inaamin ko na, ang korny pero wala na akong ibang masabi, e.

"Awww." Kilig na sabi ni Hannah.

Si Angeline naman namumula ang magkabilang pisngi.

"Yieee, Kinikilig na 'yan!" Pang-aasar naman ni Jillian.

Hindi umiiyak si Angeline at parang naiilang siya sa kanyang mga kaibigan.

Nag-aktong nasamid si Jillian at sabing, "Aalis muna ako kasi gagawa nga pala kami ng projects ng mga kagrupo ko." Paliwanag niya.

"Te-teka! A-ako rin pala ma-may gagawin. May may ano kami.." Nag-isip-isip muna si Hannah kung ano bang puwedeng magandang palusot. "Practice sa dance club namin, sige Bye!" Sabi naman ni Hannah habang kumakaway.

"Wait niyo ko! Ay Angeline oo nga pala m-may ano.. ano nga pala kami umm.. practice din sa Dance Club." Sabi ni Eric na halatang nagsisinungaling.

"Ha? Dance Club? Diba Volleyball Club ka? At kailan ka pa natutong sumayaw?" Pagatakang tanong ni Angeline

"Ay, oo nga pala." Sabay tumawa siya na para bang naiilang. "Na-nakalimutan k-ko. Kailangan ko na talaga umalis kasi ano, natatae ako. Sige bye!" Sabi ni Eric sabay takbo.

"Sobrang busy naman ng mga kaibigan mo." Pangiting sabi ko kay Angeline.

"Ah, e, oo nga, e." Ngumiti siya sa 'kin habang namumula pa ang kanyang dalawang pisngi.

Rose Evangeline Ventura's POV
Iniwan ako ng tatlong 'yon kay Alex. Nakakainis! Sabi nila kanina sasamahan nila ako. Lagot talaga sila sakin mamaya.

Kanina pa nag-iinit 'yung dalawa kong pisngi. Ewan ko kung bakit. Ito ba 'yung tinatawag nilang kilig? Ganito pala ang pakiramdam?

Alexander de Vera's POV
"Angeline gusto mong pumunta tayo sa mall, tapo manood tayo ng sine. Maganda pa naman yung palabas ngayon 'yung The Fault in Our Stars." Aya ko sa kanya tutal wala naman kaming homework para bukas.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon