Chapter 11

310 23 2
                                    

Suspendido ang klase namin ngayon dahil sa isang malakas na bagyo. Nakahilata lamang ako sa aking kama at nakatulala sa kisame dahil wala akong maisip na puwedeng gawin.

Ay, oo nga pala may binigay nga pala sa akin si Simon kahapon. Ano kaya ang nakasulat do'n?

Kinuha ko 'yung tissue sa loob ng bag ko at binasa ko ang nakasulat sa tissue.

Hi Jillian ito nga pala ang number ko 09123456789. Text ka na lang sa'kin kapag may time ka. :)

Agad napalitan ng ngiti ang aking mga labi nang mabasa ko ang nakasulat sa ibinigay niyang tissue. Nakaramdam ako ng kuryente sa aking mga balikat at tumalon-talon ako.

Gusto kong sumigaw ngunit baka masabunot lamang ako ng aking ina. Dali-dali kong kinuha ang phone ko at tinext ko agad si Simon

TEXT:

Me: Hi Simon! Si Jillian to :)

Ngunit ilang minuto na ang nakalilipas, wala pa rin akong natatanggap na textback mula sa kanya. Halos kada-sampung segundo akong tumitingin sa aking cellphone ngunit wala pa rin talaga.

Pagkatapos ng limang pagdakot ko ng kulangot mula sa aking ilong ay nakatanggap ako ng tawag.

Tinignan ko ang screen ng phone ko upang makita kung sino iyon. At tama nga ang hinala ko, SIYA NGA! Nagtatatalon muna ako bago ko sagutin ang tawag.

"Hello?" Sambit ko sa kabilang linya.

[ Hi Jillian, sorry ngayon lang ako nakatawag wala kasing signal kanina at late ko pa natanggap 'yung text mo sorry talaga. ]

Infairness ha, ang hot ng boses niya! Tila ba parang ako'y nakikinig sa isang magandang musika.

"Okay lang 'yon, ba't mo nga pala binigay 'yung number mo sa akin?"

Kinikilig talaga ako! Maiihi na yata ako sa panty ko nito, charot!

[ May itatanong lang sana kasi ako. ]

"Ano 'yon?" Pa-demure kong tanong sa kanya. Nag-ala-Maria-Claria peg lang naman ang lola niyo!

[ May kapartner ka na ba sa prom? ]

OMG! Yayayain niya ba ako sa prom?! I cannot believe that this is happening! Pero teka, paano naman si Eugene? Ano naman kaya ang sasabihin ko kay Simon?

"W-wala pa akong kapartner." Sorry talaga Eugene! Chance ko na 'to, e! Sabi nga nila masamang tanggihan ang grasya.

[ Hindi mo pa kapartner si Eugene? Diba boyfriend mo 'yun? ]

"H-hindi ah!" Pagsisinungaling ko.

[ Ah sige kung gano'n, puwede ba kitang makapartner sa prom bukas? ]

OH MY GOODNESS! Thank you Lord! I love you!

"Umm, teka lang ha." Pagpapaalam ko sa kanya at inilapag ko ang phone ko sa aking kama at dali-dali akong tumakbo papunta sa balcony sa loob ng aking kwarto para sumigaw nang ubod ng lakas at dali-dali naman agad akong bumalik at kinuha ang aking phone.

"Sure! Why not, coconut!" Nakangiting sabi ko sa kanya.

Ngunit bigla akong napatalon dahil sa sigaw ng aking ina mula sa ibaba ng bahay.  "JILLIAN! MAGHUGAS KA NA NG PLATO! BUMABA KA NA DIYAN!"

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon