Chapter 7

403 25 3
                                    

Dumating na si Angeline at saktong alas-kwatro ng hapon siya dumating sakay ang kanyang sasakyan na ang nagda-drive ay ang kanilang personal driver. Nakabihis na ako at sabik na sabik na akong makita siya.

Hindi nanaman ako nakatulog nang maayos dahil alam mo 'yung pakiramdam na fieldtrip mo bukas tapos sabik na sabik ka na sa mga magagandang mangyayari sa'yo kinabukasan. Gano'n, parang gano'n ang pakiramdam ko. Sabik na sabik na ako.

Bumaba sa sasakyan si Angeline at grabe! Parang siyang diyosa, diyosa ng buhay ko. Napatulala ako sa angking kagandahan niya. Matangos ang kanyang ilong, mahaba ang buhok, mala-kristal na mga mata, at maputing kutis.

"Umm, h-hi Alex." Hinawi niya ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga at hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

Hay, ang ganda niya talaga.
"H-Hi Angeline, mas lalo kang gumanda ngayon." Nahihiyang sabi ko.

"Salamat." Sabay ngumiti siya ay ipinakita niya sa akin ang kanyang mapuputing ngipin.

"So, tara na?" Aya ko sa kanya at ipinagbuksan ko siya ng pinto. Sumakay na siya sa sasakyan at sumakay na rin ako.

Parang nagbago na siya. Hindi na siya 'yung Angeline na nakilala kong masungit at snobera.

"Ang cute naman ng kuwintas mo." Sabay tumawa siya nang mahina.

"Sa-salamat, si Princess gumawa nito 'yung kapatid kong bunso. Pinilit niya lang akong suotin 'to." Sabi ko sa kanya.

"Ah, cute mo ngang tignan diyan, e." At sabay tumawa siya ulit ng mahina.

"Salamat, teka may tanong lang ako. Bakit mo nga pala naisipang gawin 'to?" Napakamot ako sa aking batok dahil medyo nahihiya akong makipag-usap sa kanya.

"Umm, binago mo kasi ako, 'yung ako na dating snobera, masungit, at mataray. 'Yung puso kong matagal nang hindi gumagana, pinatibok mo. Ikaw ang nagpatunay sa akin ng salitang love at kundi dahil sa'yo, panigurado galit pa rin ako sa lahat ng mga lalake. Kaya nagpapasalamat ako sa'yo dahil binago mo ako, ginising mo ako sa katotohanan, minulat mo ako na ang puso ay dapat ginagamit dahil para sa'n pa ito kung hindi ko naman ito gagamitin habang nabubuhay pa ako."

Habang sinasabi niya 'yon nakatingin kami mata sa mata. Ngunit umiwas din agad siya at sabay sabing, "S-Sorry kung napahaba." Tumawa siya nang mahina at nagsalita ulit, "Ayoko pa naman ng ma-drama."

"Salamat din Angeline dahil binigyan mo ako ng pagkakataon. Salamat din dahil binigyan mo ako ng lakas ng loob at maging matapang."

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya pabalik. Nagulat ako dahil biglang prumeno ang sinasakyan namin kaya napa-untog ako sa harap kong upuan.

Napatawa siya at natawa na lang din ako.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Secret no clue, basta sa lugar kung saan ako madalas pumupunta." Sabay ngiti niya sa 'kin.

"Sa strip bar?" Biro ko sa kanya.

Binatukan niya ako sa ulo at sabay sabing, "Strip Bar ka diyan, kadiri ka. Siguro ikaw ang laging pumupunta do'n noh?"

"Ha? Hindi ko nga alam 'yon, e," Pa-inosenteng sabi ko sa kanya.

"Tss, pa-inosente pa." Sabi niya at may ibinulong pa sa sarili niya, "Itulak kita diyan palabas ng pinto, e."

Napangiti na lang ako at bumulong din ako sa sarili ko, "Halikan kita diyan, e."

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon