Chapter 13

249 21 0
                                    

Jillian Torres' POV
Pinuntahan ko si Eugene sa bahay niya. Naabutan ko siyang paalis at may dala-dalang maleta.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Yinakap niya ako nang mahigpit kasabay ng salitang, "I'll Be Back, basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."

Pumasok na siya sa loob ng sasakyan kasama ang mga magulang niya.

"T-teka, Eugene!" Kumatok ako sa bintana ng sasakyan kung saan siya nakasakay habang umaandar ito paalis.

"Eugene! 'Wag mo akong iwan!Sana mapatawad mo na ako!" Napaupo na lang ako sa sahig at umiyak habang tinitignan ang sasakyan na paalis.

Nagising ako nang may kumatok sa pinto. Panaginip lang pala ang lahat.

"Jillian, tara kain na tayo ng umagahan. Nando'n na sila Hannah, Eric at Alex sa baba." Aya sa 'kin ni Angeline.

"Ah sige salamat, hintayin niyo na lang ako sa baba. Magmu-mumog lang ako."

Alexander de Vera's POV
Naki-tulog kami rito sa bahay ni Angeline dahil ginabi na kami.

Nagpaalam naman ako kagabi kina mama at papa na makikitulog muna ako sa bahay ni Angeline.

Ito yung Convo namin kahapon ni mama at ni papa sa phone,

"Ma, Dito muna ako matutulog kila Angeline ha.."

[ O sige anak, mag-iingat ka diyan— ]

Naputol ang dapat na sasabihin ni mama. At inagaw yata ni papa ang cellphone

[ 'Nak! 'Wag niyo muna gagawin yung alam mo na ha! Hindi pa ako handa maging lolo! ]

[ Ano ka ba, Allen! Mukha ka na rin naman lolo kahit wala pa tayong apo. ] Biro ni mama kay papa at sabay tumawa.

[ Ikaw rin naman e mukha ka na rin naman lola. ] Ganti ni papa kay mama at tumawa rin.

Ang lalakas ng boses nila rinig na rinig ko silang dalawa sa phone.

[ Pero kahit gaano ka pa ka-panget mahal na mahal pa rin naman kita. ] Paglalambing ni papa kay mama.

[ Kunwari ka pa, 'Pa. Gusto mo lang naman tumabi kay mama matulog e."] Singit naman ni Princess.

"O sige ma, bye na. Matutulog na ako. Goodnight!" Paalam ko sa kanila.

[ Kuya pasalubong ha! Bye! ] Sabi ni Princess sa phone.

"Sige, sige." At ibinaba ko na ang phone.

Kumakain ako ng almusal kasama sina Hannah, Eric, Jillian at Angeline.

"Jillian ano nga ba talaga ang nangyari bago masagasaan si Eugene ng sasakyan?" Tanong ni Angeline kay Jillian.

Nagbuntong hininga muna si Jillian bago ikwento ang mga pangyayari noong isang araw.

"Nagpakilala kasi sa'kin ang crush ko. Si Simon—"

"SIMON?!" Sabi ni Eric na halos ibuga niya na ang kanyang tubig nang siya'y umiinom.

"Oo, Simon. Kilala mo na siya 'di ba?" Sambit ni Jillian.

"Simon? Diba ayon yung tumutulo sa ilong natin na malagkit, Simon." Biro naman ni Eric ngunit walang natawa.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon