Chapter 1

1.9K 38 8
                                    

My name is Alexander de Vera. My friends and family calls me Alex, the epitome of the word torpe and the future husband of Rose Evangeline Ventura also known as Angeline.

Sana nga maging kami kahit na napakahirap dumiskarte sa kanya. E, pa'no ba naman kasi No Boyfriend Since Birth siya and the worst part of it, hindi ako marunong manligaw.

Kasalukuyan akong nag-aaral sa Allford University. I have a lovable mother and a hard-working father and also an annoying sister named Princess.

Ugh, itigil ko na nga 'tong korny at boring kong introduction. Anyway, once again my name is Alex and this is how my first love story begins...

"She loves me, she loves me not, she loves me, she loves me not, she loves me!" Pasigaw kong sabi habang nag-iisa akong pumipitas ng mga talulot ng bulaklak dito sa hardin ng eskwelahan namin.

Nagmumukha akong tanga mag-isa rito dahil absent ang bestfriend kong si Eugene. Sabi niya may lagnat daw 'yung kapatid niya kaya siya raw muna ang mag-aalaga kasi 'yung mom and dad niya busy sa pagtatrabaho.

"Yes, she loves me! Mahal ako ni Angeline!" Sigaw kong mag-isa sa hardin.

"Mahal ka nga niya torpe ka naman!" Pang-aasar ng kaklase ko habang kasama niya ang kanyang mga tropa na nakikitawa rin.

Pagkasabi niya no'n ay naglakad na siya paalis sa harapan ko kasama 'yung mga tropa niya na parang mga sisiw na sumusunod sa kanilang inahin.

Hindi ko na lang sila pinansin. Wala rin naman akong mapapala kung makikipag-away pa ako sa kanila.

Sinasabihan nila akong torpe dahil alam halos lahat ng mga kaklase ko na may gusto ako kay Angeline since elementary, at hindi ko magawang ligawan siya.

E, pa'no ba naman kasi pinagkalat lang naman ng magaling kong best friend na si Eugene na may gusto ako kay Angeline.

Hindi naman ako torpe, e. Takot lang talaga akong mabusted. Kasi naman halos lahat ng nanliligaw sa kanya binubusted niya.

Pero hindi pa rin ako susuko.
Lalaban ako, kaya ko 'to!

Tumunog na ang bell namin at hudyat na ito na tapos na ang recess time. Pumila na ako at umakyat na kami sa classroom

———

"Class, ano ang pag-ibig o love para sa inyo?" Tanong sa'min ng teacher namin.

Dahan-dahan akong nagtaas ng kamay at sumagot, "Love, kung titingnan niyong maiigi ito'y binubuo lamang ng apat na letra. Ngunit sa apat na letrang nabuo nito, ito'y binubuo ng maraming kahulugan. Maraming ring uri ang pag-ibig ngunit iisa lang ang kahulugan nito para sa'kin. Ang love; ito ang nararamdaman mo kapag kasama mo ang taong espesyal sa'yo 'yung tipong gagawin mo ang lahat para sa kanya, gagawin mo ang lahat sa ngalan ng pag-ibig." Mahabang paliwanag ko sa aking guro.

Halos lahat yata sila nakatingin sa akin habang ako'y nagsasalita at kabilang na rin doon si Angeline pero iba ang tingin niya sa akin. Para bang hindi siya sumasang-ayon sa mga sinabi ko.

"Very good Mr. de Vera! I love your answer!" Sabi ng aking guro na pumapalakpak pa.

Nagtaas rin ng kamay si Angeline at sumagot siya.

"Ma'am love is nothing but a series of chemical chain reactions inside the brain and also a wildly misunderstood although highly desirable malfunction of the heart thus weakens the brain."

"Ve-very good and scientific, Ms.Ventura." Sabi ng teacher namin at pumalakpak din siya.

"Ma'am ako po! Ako po!" Pagpupumilit ni Eric na kaibigan naman ni Angeline.

"Okay Eric, define love."

"Ang pag-ibig ay parang utot. Kahit anong gawin mo napakahirap itago at pag-ibinuga mo ang kimkim na damdamin, maaamoy ng lahat kahit hindi ka man umamin!"

Nagsi-tawanan kaming lahat sa loob ng silid-aralan puwera lamang sa aming guro na nakasibangot.

Rose Evangeline Ventura's POV
Tss, nagpapasikat nanaman 'tong si Alex sa akin. Hindi pa nga siya nakaka-experience ng true love, e.
Palibhasa torpe kasi.

As if naman na magugustuhan ko siya. Kahit na may angking kakisigan siya hindi pa rin ako magpapahulog sa kanya.

———

Kasama ko ngayon ang aking mga bestfriends na sina Hannah, Jillian at Eric. Si Eric ay isang beki pero hindi siya 'yung beki na malambot kumilos, paminta kumbaga.

"Uy bes, nakakakilig naman si Alex kanina sigurado ako nagpaparinig nanaman 'yun sa 'yo." Kilig na kilig na sabi ni Hannah sa'kin.

"Oo nga bes, pa'no ba naman patay na patay sa 'yo 'yon simula pa no'ng 1st Year pa tayo." Sabi naman ni Jillian na abot langit ang ngiti.

"Duh, halata naman na para kay bes Angeline ang sinasabi ni fafa Alex. E, pa'no ba naman habang nagsasalita siya tumitingin-tingin siya sa 'yo, bes!" With matching hampas na sabi ni Eric.

Sumigaw silang tatlo na halos makita ang kanilang mga ngala-ngala. Bes nga pala ang tawagan namin ng friends ko, short for best friends.

"Ano ba, tumigil nga kayo. Hindi ako papatol sa loser na 'yon, 'no." Inis na inis kong sabi sa kanilang tatlo.

"Bakit naman bes? Ang gwapo gwapo kaya niya!" Sabi ni Eric na ngumingiti pa.

"Kung ako sa iyo bes, magpapaligaw na ako sa kanya." Sabi naman ni Jillian ng ubod ng landi.

"Sa tingin mo liligawan ako no'n? E, torpe nga 'yun eh!" Sagot ko sa kanilang tatlo.

"Ayie! Gusto mo naman magpaligaw." Pang-aasar ni Hannah.

"Hay nako, tumigil na nga kayo. Nag-promise ako sa sarili ko na hindi ako mag-boboyfriend dahil lolokohin lang ako ng mga lalakeng 'yan. Pare-parehas lang silang lahat."

"Dahil na naman ba 'yan sa dad mo?" Tanong ni Hannah.

"Oo, iniwan niya kami ni mommy nang dahil lang sa babae. Pinagpalit niya kami at lumaki ako ng walang ama. Ama na dapat laging magtatanggol sa akin. Ama na dapat laging proprotektahan ako sa masasamang bagay!" Tumutulo na ang mga luha ko. Naalala ko nanaman ang dating mga pangyayari.

10 years old ako noon.
Anniversary ni Mom at ni Dad nitong araw na ito pero bakit kaya wala pa si Dad? Naghanda pa naman si Mommy dahil susupresahin namin si Dad pagkauwi niya.

Pero 11:00pm na wala pa rin siya, sayang naman 'tong pagkain. Sabi ni mom 'wag muna daw kumain kasi kailangan daw sabay-sabay kami nila Dad.

Lumipas ang ilang minuto, may nagtext kay mom ang sabi "Nakita ko 'yung asawa mo may kasamang ibang babae." At may sinend pang picture na magkaholding hands sila ng babae. Biglang nanghina si mom.

"Mommy totoo ba 'yun, na may kasamang babae si Dad? Baka naman ibang tao 'yun. Alam kong hindi iyon magagawa ni Daddy sa atin mommy."

"Anak, alam ko rin na hindi iyan magagawa sa atin ng Dad mo." Umiiyak na si mom at parang nanginginig siyang magsalita.

"Pero mommy bakit ka umiiyak?"
Hindi na lang siya umimik at umiyak na lang siya nang umiyak.

Bigla kong naalala 'yung suot ni Dad noon bago siya umalis. Gano'n ang suot no'ng lalake sa larawan na sinend kay mom.

Naalala rin siguro 'yun ni mom, ayaw niya nga lang sabihin sa'kin kasi baka masaktan ako.

Nagsimula na ring tumulo ang aking mga luha.

"Anak, kain mu-muna ta-tayo baka hindi na muna dumating si Dad mo ngayon." Nanginginig si mommy habang nagsasalita siya bunga na rin ng pag-iyak niya kanina pa. Niyakap ko si mommy nang mahigpit.

"Mommy kung iniwan man tayo ni Dad, andito pa naman ako para sa iyo."

At simula noon hindi na talaga bumalik si Dad. Kaya pala siguro minsan madalas na siyang late umuuwi at minsan nakikita ko na lang siyang may kiss mark sa leeg.

Panigurado napapansin din 'yun ni mom kaso ayaw niya lang makipag-away kay dad kasi nga mahal na mahal niya si dad at baka iyon ang maging dahilan ng hiwalayan nila.

Kaya simula noon, sa isipan ko wala na si Dad kinalimutan ko na siya.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon