Chapter 18

167 19 1
                                    

Rose Evangeline Ventura's POV
Bumaba ako ng hagdan ng bahay namin para puntahan si mommy sa sala.

Kasi sasabihin ko na sa kanya ang tungkol sa amin ni Alex at ipapakilala ko na rin si Alex mamaya kay mommy.

Nandito na ako sa sala, nakita ko si mommy nakaupo sa sofa, nagbabasa ng dyaryo.

Lumapit ako sa kanya at umupo rin ako sa tabi niya.

"Mommy, may ipapakilala po ako sa inyo mamaya.."

"Boyfriend mo ba?" Tiniklop agad ni mommy yung dyaryong binabasa niya.

Patay mukhang magagalit yata si mommy sa'kin kapag sinabi ko sa kanya na may boyfriend na'ko...

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Kaya ko to! Sasabihin ko na talaga kay mommy kahit mapagalitan man ako.

At tsaka hindi ko naman ikinahihiya si Alex kay mommy eh..

"Oo-po mommy.. Sorry po talaga dahil ngayon ko lang nasabi sorry po sorry, sorry po talaga..." Mangiyak-ngiyak kong sinabi..

Hinawakan ni mommy ang braso ko. At huminga ng malalim.

"Angeline, okay lang naman sa akin basta't wag na wag mong papabayaan ang pag-aaral mo..

Tsaka sa totoo nga niyan masaya ako para sa'yo dahil nung una kala ko tomboy ka... Dahil hindi ka man lang nagkakaroon ng crush at galit ka sa lahat ng lalake Hahaha!"

"Mommy naman.. Galit ako sa mga lalake dati kasi akala ko tulad sila ni daddy na manloloko. Pero mukhang 'di naman pala lahat sila ganun.."

Napangiti na lang si mommy sa akin dahil mukhang naaalala niya nanaman si daddy.

"Sige po mommy susunduin ko na po si Alex sa bahay nila. Ipapakilala ko na po siya sa inyo.." Masaya kong sabi kay mommy.

Alexander de Vera's POV
Kinakabahan na ako, nandito ako ngayon sa bahay ko naghihintay kay Angeline kasi sabi niya ihahatid niya daw ako sa kanila.

Nakabihis na ako tapos may dala akong bulaklak para sa kanya. Para daw magmukha daw akong rich kid sabi ni mama. -__-

"Anak ingatan mo 'yang bulaklak ha! Pinitas ko pa yan sa kapitbahay.." Pabirong sinabi sa akin ni mama.

"Hahaha, sige po ma.." Kinakabahan na ako.. T__T

"Oh anak, wag kang kabahan.. Chill ka lang." Sabi sa'kin ni Papa habang nakahawak sa balikat ko.

Tapos may narinig na kaming busina sa labas ng bahay.

"Sige, alis na po ako.." Nagpaalam na ako kanila mama't papa at Princess. Tapos umalis na ako.

= Sasakyan =
"Flowers for you.. :)" Binigay ko na kay Angeline yung dala-dala kong bulaklak.

"Salamat!" Nginitian ako ni Angeline na abot hanggang langit.

Teka paano nga pala nalaman ni Angeline yung address ko? o.o

Matagal niya na pala akong sinusundo dito sa bahay. Pero paano niya kaya nalaman ang address ko?

"Angeline, may tanong ako sa'yo. Paano mo pala nalaman ang address ko kung saan ako nakatira?"

"Ah.. Eh.." Sabi ni Angeline na parang nag-iisip kung ano ang kanyang sasabihin.

"Stalker ka ba?" Tanong ko sa kanya at nagsmirk ako.

"Ha?! Hindi noh! Wag kang assuming!!"

"Eh paano mo nga nalaman kung saan ako nakatira?"

"Sinundan ko lang yung puso ko. Kaya nga diba sabi nila follow your heart?" Sabi niya sa'kin habang nakangiti.

"Ang galing naman ng puso mo, ano yan Google Map lang???"

"Ewan ko sa'yo! Minsan nga lang ako mag-quote about love! Tapos magiging pilosopo ka pa! Che!"

Inirapan niya ako tapos tumingin na lang siya sa bintana ng sasakyan..

Ahh! Naalala ko na.. Tinignan niya nga pala yung likod ng I.D. ko noon kaya niya nalaman yung address ko..

"Uy wag ka nang magalit.. Joke lang naman eh, sorry na.."

Hinawakan ko siya sa balikat niya. Pero tinanggal niya yung kamay ko.

"Wag mo nga akong hawakan..." Mataray na sabi niya sa akin.

"Uyy, Sorry na..."

Pero hindi niya pa rin ako pinapansin.

Pinatong ko na lang yung ulo ko sa balikat niya. Na parang bata.

"I Love You Angeline.." Sabi ko sa kanya habang nakapatong pa rin yung ulo ko sa balikat niya

"Ako rin.." Sabi niya sa'kin pero nakatingin pa rin siya sa bintana ng sasakyan.

"Talaga??" Inalis ko yung ulo ko sa balikat niya at tumingin ako sa kanya.

"Oo, love ko rin ang sarili ko.." Humarap siya sa akin at ngumiti.

At ako naman yung nabadtrip.

Driver's POV
Mga kabataan nga naman talaga. 'Di tulad dati, sa ganyan kong edad nandun lang ako sa probinsya namin nag-aalaga ng mga baboy. Tapos hindi pa uso ang lablayp noon...

Hanggang ngayon nga wala pa akong lablayp kasi hindi pa ako sinasagot ni Elsa yung yaya nila Angeline. Binilhan ko nga siya ngayon ng picha pie eh, yung paborito niya..

Hininto ko na ang sasakyan dahil nandito na pala kami sa bahay nila Angeline.

Pagkahinto ko ng sasakyan, bumaba na sila. At pumasok na sila sa loob ng bahay habang sila ay magkahawak ng kamay.

Alexander de Vera's POV
"Ah mommy si Alex nga pala, Alex si mommy..." Pagpapakilala ni Angeline.

"Good Morning po.." Bati ko sa mommy ni Angeline. At nginitian ko siya.

Nandito kami sa sala, magkatabi kami ni Angeline sa sofa. At yung mommy niya naman nasa isang sofa na nakaharap sa amin.

"Good Morning din.." Yung mukha ng mommy ni Angeline parang strikto talaga. Kaya parang kinakabahan pa ako.

"Ilang taon ka na ba iho?" Tanog sa'kin ng mommy ni Angeline..

"17 po.." Sagot ko.

"Ang babata niyo pa.. Wag muna kayong magseseryoso ha. Baka mamaya mabuntis kaagad 'tong anak ko.."

"Mommy?! Hindi naman ako ganun kalandi para mabuntis kaagad noh!" Sambit ni Angeline sa mommy niya.

"Oo na, sigurado ka bang hindi ka sasaktan ng lalakeng 'yan?"

"Oo naman po mommy, mahal na mahal namin ang isa't-isa.."

"Eh bakit sabi mo sa'kin dati lahat ng lalake ay manloloko??"

"Yun na nga po eh, mali pala ang akala ko dati. Binago lahat yun ni Alex. Napatunayan niya na hindi lahat ng mga lalake ay nananakit ng damdamin ng mga babae."

"Tama po si Angeline. Dahil nandito po ako para mahalin siya, hindi para saktan siya.."

"Mahal mo siya, mahal ka niya. Pero mas mahal ang TUITION FEE. Kaya wag na wag niyo talagang kakalimutan ang pag-aaral." Sabi ng mommy ni Angeline sa aming dalawa.

"Opo.." Sabay na sagot namin ni Angeline sa mommy niya.

"Hindi ako bitter, kaya okay lang sa'kin na magkaroon ng boyfriend si Angeline. Basta't wag na wag niyong kakalimutan ang sinabi ko.. Mahal ang TUITION FEE..."

"Opo.." Sabay ulit na sagot namin ni Angeline sa kanyang mommy.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon