Chapter 27

73 17 5
                                    

Alexander de Vera's POV
"Welcome back Mr.Eugene Marcelo!" Bati ng aming adviser. At sabay pumasok si Eugene sa classroom.

Nagulat ako sa pagkapasok ni Eugene. Parang kanina lang pinag-uusapan namin siya..

At madami ring mga tanong ang pumasok sa aking isipan..

Akala ko ba may amnesia siya? At akala ko ba ipinapalayo siya ng kanyang mga magulang sa amin?

"Class, since kaka-umpisa pa lang naman ng 4th Quarter, pinayagan na namin siyang makapasok. At ilang days lang naman siyang um-absent so pwede pa siyang makahabol sa mga na-miss niya. At tingin ko kakayanin niya naman 'yon dahil matalino naman si Eugene." Habang nagsasalita si Ms.Rodriguez nakatayo si Eugene sa tabi niya.

Madaming mga kaklase ko ang speechless, yung iba naman natuwa dahil siguro may 'Class Clown' na raw ulit kami.

At syempre yung iba naman walang pake sa mga nangyayari, may mga nagkokopyahan ng assignments, may mga nagrereview dahil panigurado hindi nakapag-aral sa bahay dahil tinamad, may mga nakatulala na kung iisipin mo ay parang nasa ibang dimension sila, at yung iba naman ay tulog.

Pero si Jillian.. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang lubos na kalungkutan. Dahil panigurado bumabalik na naman ang mga ala-alang nangyari sa kanila ni Eugene, panigurado pinipilit nanaman niya na siya ang may kasalanan kung bakit nabangga si Eugene. Kaya medyo naawa talaga ako sa kanya.

"Mr.Eugene Marcelo, you may take your seat." Utos ng aming adviser kay Eugene para magsimula na kami sa aming klase.

Jillian Torres' POV
Umupo sa aking tabi si Eugene. Hindi pa rin talaga ako makagalaw sa aking kinauupuan.

Ngumiti sa akin si Eugene at hindi ko alam kung bakit. Kaya agad-agad napalitan ng saya at kilig ang aking pagkakalungkot.

Nag-umpisa nang magturo si Ms.Rodriguez. Pinilit kong makinig at inisip ko na lang na hindi si Eugene ang katabi ko.

Pero nagulat ako nang bigla niya akong kinausap.

"Miss na kita....." Ano raw?! Sh*t! Bumabalik na naman ang paninigas ng aking katawan, at tingin ko nag-iinit ang aking dalawang pisngi. At pakiramdam ko parang gustong kumawala ng aking puso dahil sa bilis ng tibok nito. May mga sunod pa siyang mga sinabi, pero hindi ko masyadong narinig.

Teka, akala ko ba may amnesia siya? Paano niya ko ma-mimiss kung wala naman siyang naaalala?

"A-anong s-sabi mo?" Pautal-utal kong tanong sa kanya.

"Sabi ko, miss nakita... mo ba yung ballpen ko?"

Mali pala ang pagkakarinig ko! LECHE! Panira ng araw! Akala ko.. Ugh! NAKAKAINIS!

"HINDE! HINDE KO NAKITA 'YANG LECHENG BALLPEN MO NA 'YAN!" Dahil sa inis ko, hindi ko namalayan na malakas pala ang pagkakasagot ko sa tanong ni Eugene. For short napa-sigaw ako.

"Excuse me young lady! Why are you shouting? If you don't want to listen, GET OUT!" At sabay turo sa pinto.

Napatingin na lang ako sa sahig, dahil nahihiya ako at lahat ng aking mga kaklase ay nakatingin sa akin.

"GET OUT!!!!!" Sumigaw na ang aking guro, kaya lumabas na lang ako. Akala ko ba sabi niya, if you dont want to listen, get out. Eh gusto ko naman na makinig ah? Ugh..

Hannah Mae Cortes' POV
"Akala ko ba may amnesia siya?" Tanong ni Alex sa amin.

"Oo nga.. Ba't kaya siya pinayagan papasukin sa school kung wala siyang naaalala sa mga past lessons natin?" Pagtatakang tanong ni Angeline.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon