Chapter 24

202 20 0
                                    

Hannah Cortes' POV
"OMG, nakakakilig si Alex at Angeline kanina noh? Nakakaiinggit!!" Kwento ko ni Jillian habang naglalakad kami dito sa corridor.

"Oo nga eh.. Nakakainggit..." Tipid na sagot ko.

"Hannah, may nagpapabigay ng flowers para daw sa 'yo." Sabi ni Eric sa akin at inabot niya yung flowers sa akin.

"Si-sino? Siya na naman ba?" Tanong ko kay Eric at tinanggap ko naman yung bulaklak.

"Oo, ayaw niya pa rin magpakilala eh." Sagot ni Eric sa tanong ko.

"OMG yung secret admirer mo na naman!! Ayaw pa rin niya magpakilala! Hahahaha! Ang torpe naman nun!" Kinikilig na sabi ni Jillian.

"Oo nga, every valentines nagbibigay siya ng bulaklak. Tapos hanggang ngayon ayaw niya pa rin magpakilala." Sabi ko kay Jillian

"Baka hinihintay niya lang yung tamang panahon?" Saad naman ni Eric.

"Grabe naman yun! Simula no'ng first year nagbibigay na siya sa akin ng bulaklak tapos hanggang ngayon ayaw niya pa rin sabihin kung sino siya. Ano hinihintay niya? End of the world?" Inamoy-amoy ko yung bulaklak habang nagsasalita.

"Bes, hindi kaya si Paul yung nagbibigay niyan? Tignan mo nakatingin lang siya sa 'yo. Parang minamasdan niya kung ano ang magiging reaksyon mo sa binigay niyang bulaklak." Bulong ni Jillian sa akin.

Tinignan ko si Paul habang nakaupo siya sa bench. At nagkatinginan naman kami kaya bigla siyang umiwas ng tingin.

"OMG!! Baka siya nga!!" Hinampas hampas ko si Hannah sa balikat niya dahil sa kilig.

"Oh chill lang kayo mga ate.." Singit ni Eric sa usapan namin ni Jillian.

"Si Paul ba ang secret admirer ko???" Tanong ko kay Eric.

"Hindi nga pwedeng sabihin." Sagot niya.

"OMG Bes! Siya nga!!" Tumalon-talon si Jillian.

"OMG!!" Nakisabay na rin ako sa pagtalon niya na may halong tuwa.

"Bes! May naisip ako!!" Excited na sabi ni Jillian sa 'kin.

"Ano??" Tanong ko sa kanya.

"Kung binigyan ka niya ng flowers, bigyan mo naman ng something din.." Bulong niya sa 'kin.

"Eh ano naman ibibigay ko? Wala na akong pera pambili ng kahit ano." Sabi ko kay Jillian.

"Mga bes tumigil na nga kayo, eh paano kung hindi si Paul yun?" Singit nanaman ni Eric.

"Tingin ko talaga siya yun, ang lakas ng kutob ko na siya yun!!" Pilit kong sabi kay Eric.

"Ako rin bes! Ang lakas din ng kutob ko." Saad ni Jillian.

Rose Evangeline Ventura's POV
"Alex, horror booth tayo!!" Pag-aaya ko kay Alex.

"Sige, tara.." Sagot ni Alex at sabay akbay sa 'kin.

"Ay teka sama na natin sila Eric, Jillian at Hannah." Tinanggal ko ang pagkaka-akbay ni Alex sa akin at hinila ko ang kamay niya para hanapin sila Eric, Hannah at Jillian.

Hannah Cortes' POV
"Hahaha! Pinya? Pinya ibibigay niyo sa kanya? Naka-droga ba kayo?" Pang-aasar ni Eric sa amin.

Eh paano ba naman wala na kaming alam kung ano ang ibibigay namin kay Paul. Tsaka ito lang ang meron si Jillian.

"Che! Wag mo nga kaming pagtawanan!" Suway ko kay Eric.

"Panty na lang kaya ibigay mo sa kanya? Hahahaha!" Biro ni Eric.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon