Chapter 12

273 24 3
                                    

Dinala si Eugene sa St. Ezekiel Hospital at sumama na rin ako. Ang sabi ng doktor na-comatose daw si Eugene at baka raw magkaroon siya ng traumatic amnesia kapag nagising na siya. Matindi raw kasi talaga ang nangyaring pagkakabangga sa kanya at buti nga raw ay naisugod agad siya rito sa ospital.

Para bang gumuho ang mundo ko nang ibalita sa akin 'yon ng doktor. Nagkawasak-wasak ang aking puso at patuloy pa ring dumadaloy ang aking mga luha.

Hindi pa dumarating ang mga magulang ni Eugene dito sa ospital, panigurado abala nanaman sa trabaho ang mga iyon, kaya kami nila Alex, Angeline, Eric at Hannah ang nagbabantay muna sa kanya. Sina Eric at Hannah medyo nagkaka-ilangan pa rin kami dahil sa nangyari ngunit kinalaunan ay nilapitan nila ako at niyakap.

May kumatok sa pinto at binuksan ko ito. Bumungad sa akin ang mga aming kaklase.

"K-kamusta si Eugene?" Tanong ng isang estudyante na may kasama pang iba sa kanyang likuran.

Ako'y yumuko at sinagot ko ang kanyang katanungan, "Na-comatose daw siya sabi ng doktor," mangiyak-ngiyak kong sabi.

Pumasok sila lahat at pinalibutan si Eugene. Halos lahat sa kanila ay nalungkot at 'yong iba naman ay naluha dahil bukod sa siya'y babaero at tinitilian ng madla, halos lahat yata ng tao sa school ay kaibigan ni Eugene dahil masayahin siyang tao at lagi siyang nagpapatawa.

"Uy guys, 'wag kayong umiyak kailangan natin maging matatag. Hindi pa naman siya patay para iyakan natin." Sabi ni Alex.

"E malay mo kailangan mangolekta ni Eugene ng luha. 'Yung parang palabas sa TV 'yong Pure Love." Sabi naman ni Eric na pilit kaming pinapatawa.

"Ano ka ba Eric, hindi ito oras ng biruan!" Sambit naman ni Hannah at natahimik naman si Eric

"Guys magdasal na lang tayo." Singit naman ng isang babae na kaklase namin at kami'y sumunod naman sa kanya at nanalangin.

-----

Pagkatapos ng ilang minuto. Umalis na sila isa-isa.

Naiwan ulit kami nila Alex, Angeline, Eric at Hannah, katahimikan na naman ang naghari sa loob at para bang lahat sila ay may malalim na iniisip.

Kinuha ko ang bulaklak kagabi at ang teddy bear na dapat yata ibibigay niya sa akin. May nakita akong papel sa bulaklak. At binasa ko ito

Dear Jillian,

Sana mapatawad mo ako kung may nagawa man akong masama sa iyo. Alam kong ikinahihiya mo ako dahil babaero ako pero ginagawa ko naman ang lahat para lang mapakita ko sa iyo na mali ang iniisip mo. Dahil nagbago na ako, hindi na ako ang Eugene na dating babaero. Dahil no'ng una pa lamang kitang nakilala ay alam kong ikaw na talaga ang hinahanap-hanap ng puso ko. Kaya Jillian sana pagbigyan mo naman ako dahil totoo itong nararamdaman ko sa'yo, mahal kita...

- Eugene Marcelo

Nag-unahan na naman ang aking mga luha sa pagdaloy. Nagsisisi na talaga ako, kasalanan ko
'to, sana ako na lang ang nasagasaan! Kung hindi ko lang talaga siya iniwan hindi siya magkakaganito!

Niyakap ako ni Hannah at paikot niya hinagod-hagod ang aking likuran. "Bes, tahan na 'wag ka ng umiyak. Buhay pa naman siya 'di ba? May pag-asa pa tayo. 'Wag mo ng sisihin ang sarili mo, walang kang kasalanan at walang may gustong mangyari ito kay Eugene," konsuwelo ni Hannah at sabay yinakap niya ako nang mahigpit.

Habang nakayakap si Hannah sa akin at pilit akong pinapatahan, may narinig akong isang tunog na nakakabingi.

Isang tunog na pamilyar sa akin kapag nanunuod ako ng mga teleseryeng ang eksana ay nasa ospital. Kung saan ang kanilang mga mahal sa buhay ay nakahiga sa isang kama na walang malay.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon