Chapter 4

423 26 2
                                    

Smile At Her
Lunch time at nandito kami ulit sa canteen, sa wakas makakakain na rin ako. Kanina pa talaga ako gutom na gutom.

Nabitin 'yung pag-kain ko sa classroom kanina. Pa'no ba naman nahuli kaming kumakain.

Bibili na sana ako ng pagkain kaso pagtingin ko sa wallet ko wala na palang laman. Napakamalas ko naman, o!

Kakain na lang ako sa bahay pag-uwi ko tutal kaunting oras na lang naman ang natitira bago magdismissal.

"Pare gusto mo ng tsokolate? Dumating kasi 'yung tita ko galing Japan, may dala siyang madaming tsokolate." Tanong ni Eugene sa 'kin at sabay abot ng tsokolate.

"Oo, salamat." Buti naman binigyan niya ako ng makakain. Lalo na't paborito ko talaga 'tong Meiji Choco Baby. Dali-dali ko itong binuksan at sabay taktak nito sa aking bunganga.

Habang nahuhulog 'yung mga maliliit na tsokolate sa bibig ko, nakita ko si Angeline na tila bang may hinahanap. Habang naghahanap siya napadako ang tingin niya sa akin. Nagtama ang aming mga mata.

Naalala ko naman ang binigay sa 'kin ni Eugene na papel. Yung first way, smile at her.

Kaya nginitian ko siya at ngumiti rin siya sakin—hindi pala siya ngiti kundi tawa. Yes, napansin niya rin ako!

Tinapik-tapik ko si Eugene sa balikat. "Kita mo ba 'yon?" Ngiting-ngiti kong tanong sa kanya.

Nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay at sabay sabing, "'Yung alin ba?"

"Napansin niya na ako! Ngumiti siya sa'kin, si Angeline!" Tuwang-tuwa kong sabi.

"Edi congratulations?" Pagkatapos magsalita ni Eugene ay tumuloy na siya sa pagkain niya.

Rose Evangeline Ventura's POV
Nasaan na ba kasi yung table nila Hannah. Ugh, kanina pa ako hanap nang hanap dito.

Napatigil ang paghahanap ko nang makita ko si Alex, kasi kanina pa pala siya nakatingin sa 'kin.

Laking gulat ko nang bigla siyang ngumiti sa akin. Napatawa nang wala sa oras dahil may mga chocolate pa siya sa ngipin niya.

Weirdo rin talaga no'n minsan. Pero ang cute niya tignan. Teka, ba't ganito, diba dapat naiinis ako sa kanya?

Ugh, naaalala ko nanaman 'yung mga nangyari kahapon...

"Sige, iiyak mo lang 'yan. Ilabas mo lang lahat ng nararamdaman mo, dito lang ako sa tabi mo, hinding-hindi kita iiwan."

"Sige, iiyak mo lang 'yan. Ilabas mo lang lahat ng nararamdaman mo, dito lang ako sa tabi mo, hinding-hindi kita iiwan."

Bakit ganito? Bakit parang iba yata ang nararamdaman ko? Nag-iinit ang buo kong katawan lalo na ang dalawa kong pisngi. 'Yung puso ko bumilis ang pagtibok.  Ito na ba 'yung sinyales?

Alexander de Vera's POV
Start up Conversations
Uwian na namin ngayon umalis na ang mga kaklase ko pero si Angeline hindi pa umaalis dito sa classroom kasi kinokopya niya pa 'yung notes ko.

Um-absent siya ng isang araw, last week. Ngayon lang siya makakopya ng notes kasi ako 'yung huling pinagtanungan niya kung kumpleto raw ba ang notes ko.

Habang kumokopya siya. Tinanong ko siya. "Kamusta ka na? Tagal na nating hindi nag-uusap ah."

"Manahimik ka nga diyan. Kita mong kumokopya ako 'di ba? At isa pa, 'di porke't kinausap kita kahapon ay close na tayo at 'di rin porke't notebook mo 'to close na rin tayo."

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon