Chapter 22

180 19 11
                                    

Rose Evangeline Vetura's POV
"Class you will have a new classmate. Nag-aral na siya dito dati, lumipat nga lang siya ng school dahil sa financial problems. Pero ngayon bumalik na siya ulit dito. Alam kong medyo late na siya nakapasok at graduating students pa kayo, kaya magsu-summer class na lang siya para dun sa mga na-miss niyang mga lessons."

Sumenyas naman si Ms.Rodriguez sa bintana para papasukin ang isang babae.

Pumasok naman siya. Teka parang kilala ko 'to ah..

"Ms.Reyes please introduce yourself to the class."

"Good Morning, my name is Sharmane Aira Reyes. And you can call me Sharmane. Nag-aral ako dito sa school na 'to simula no'ng elementary. Kaya for sure almost all of you know me and my personality."

Habang nagsasalita siya nagbubulong-bulungan ang mga kaklase ko.

"Know me and my personality daw. Tss, sarap balatan ng buhay at buhusan ng maraming asin."

"OMG si Sharmane, ang dating queen bee ng school."

"Tss, ayan na naman siya, hindi pa rin nagbabago. Maarte pa rin as always."

"Shet pare, ang ganda niya pa rin hanggang ngayon. Tapos lumaki pa yung ano niya... Bola-bola!"

Ayan yung mga narinig ko sa mga kaklase ko.

Tumingin si Sharmane sa akin at nag-smirk siya. Medyo kinabahan ako bigla. Pero hindi ko 'yon pinahalata sa kanya. At nag-smirk din ako sa kanya.

"Bes, mukhang may galit pa rin yata 'yang bruha na yan sa 'yo." Bulong sa akin ni Eric.

"Wala akong pake, game on naman tayo palagi." Bulong ko kay Eric.

-----

"OMG may papalit na kay Angeline! Ang dating queen bee! Na si Sharmane!"

"Si Sharmane ba yan?! Ganda shet!! Makalaglag brief ang kagandahan niya."

"Alam mo ba bakla kaya yan si Sharmane. Sabay kami nagpatuli niyan eh. Joke!" Biro ng isang bakla sa kasama niya.

Habang dumadaan si Sharmane sa corridor madami pa ring mga taong nagbubulong-bulungan. At madami ring mga lalake ang mga sumusunod sa kanya.

"Sharmane welcome back. Flowers for you.." Sabay abot ng isang lalake ng bulalak kay Sharmane pero tinabig lang ito ni Sharmane.

Nang mapadaan si Sharmane sa harap ni Alex tumingin naman si Alex na parang nagagandahan siya kay Sharmane.

"Hi Sharmane gumanda ka lalo ah.." Sabi ni Alex kay Sharmane. Pero hindi siya pinansin nito. Buti nga sa kanya..

Kaya ang ginawa ko nagtampo ako sa kanya at iniwan ko siya sa corridor.

Alexander de Vera's POV
Wow ang ganda ni Sharmane, mas lalo pa siyang gumanda kumpara noon.

"Hi Sharmane gumanda ka lalo ah.."

Pero mas maganda pa rin naman para sa akin si Angeline. Walang tatalo kay Angeline!

"Angeline, tara kain na tayo. Angeline?? Angeline!!" Iniwan niya na pala ako. Siguro nagselos na naman siya..

-----

Rose Evangeline Ventura's POV
Humiwalay muna ako sa mga bes ko at kay Alex para makapag-review muna ako. Pumunta ako dito sa garden dahil medyo tahimik naman dito.

Lumapit sa akin si Alex para bigyan ako ng sandwich.

"Sandwich?" Sabay abot niya sa akin ng sandwich. Hindi ko ito tinanggap dahil may galit pa rin ako sa kanya.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon