Chapter 3

453 27 3
                                    

Alexander de Vera's POV
Break time namin ngayon, kaya nandito kami ni Eugene sa canteen.

"Pare pa'no ba manligaw?" Seryosong tanong ko kay Eugene dahil alam ko naman na eksperto siya sa mga babae.

"Naks naman nagmamatured na siya." Pang-aasar niya sa 'kin. Tinignan ko lang siya ng walang emosyon na para bang pinapatay ko na siya sa isipan ko.

Tumawa siya at sabay sabing, "'Wag mo nga akong tignan ng ganyan, siguro pinagpapantasyahan mo ko noh?Siguro hinuhubaran mo na ako sa isipan mo noh?" Sabay tawa niya ulit nang mas malakas.

Binatukan ko siya at buti naman napatigil siya sa pagtawa.

"Seryoso kasi ako pare. Bigyan mo 'ko ng mga tips at mga ways kung paano ako mapapansin ni Angeline!" Pagmamakaawa ko sa kanya.

Tumawa ulit siya at nagsalita. "Ntatawa naman ako sa mga pinagsasabi mo. Buti naman naisipan mo akong tanungin ng mga ganyan. Ikaw kasi 'yung tipo ng lalake na kapag dumadating na si Angeline tumatahimik ka. Tapos 'yung ngiti mo abot hanggang tenga mo pero hanggang tingin ka lang naman. Lagi mo na lang sinasabi na sana maging kami na ni Angeline. Ngunit wala ka naman ginagawa para maging kayo."

"Oo na inaamin ko na. Torpe ako! Pero pare please patulong naman ako kung paano manligaw please."

Nakakainis naman 'to. Parang 'di totoong kaibigan. Pero lahat ng sinabi niya ay totoo. Ako 'yung tipo ng lalake na hanggang tingin lang sa crush niya.

Tumawa siya ulit siya at nagsalita. "Sige na nga."

Bakas sa aking mukha ang pagkatuwa dahil pumayag na rin siya.

Pumilas siya ng isang papel sa kwaderno niya at kumuha siya ng ballpen at sabay may sinulat siya.

Nag-isip isip pa siya tapos nagsulat, isip ulit tapos sulat, isip, bura tapos sulat.

Pagkatapos ng limang minuto. May ibingay siyang papel sa'kin.

4 Ways to Get Her Attention:
1. Smile at her
- kapag tumitingin siya sa iyo ngumiti ka lang. 'Wag naman yung ngiting aso. Kailangan mo ngumiti sa kanya kasi ang ngiti ay sign ng masayang tao. Wala naman sigurong Taong kakaibigan sa taong boring at malungkot lagi.

2. Start up conversations
- ang pinaka-magandang paraan para makausap siya ay magtanong, na hindi nakakatakot kasi baka mamaya akalain niya na may masamang balak ka sa kanya.

Kamusta ka na? Ayan ang isa sa mga halimbawa para mag umpisa ng pag-uusap.

3. Invite her to somewhere
- kapag kilala mo na siya ng lubos
at kapag komportable na kayo sa isa't-isa pwede mo na siya imbitahin kung saan man mo gusto. Kapag sa Motel wag na wag mong kakalimutan gumamit ng proteksyon. Biro lang!

4. Ask her on a Date
- pagkatapos niyo magbonding-bonding kung saan man. Tanungin mo siya kung gusto niya bang makipagdate sa'yo.

Pwede siyang sumang ayon at pwede ring hindi, kapag hindi siya sumang-ayon wag kang mawawalan ng pag-asa at laging mong tatandaan ang linya na ito 'Okay lang mabusted basta't hindi TORPE!'

Tumunog na ang nakakabinging bell sa eskwelahan namin. Hindi pa pala kami nakakakain. 'Di bale kakain na lang kami sa klasrum.

———

"Mr. de Vera and Mr. Marcelo, why are you eating in my class? Recess time is already done." Galit na sabi sa'min ng aming teacher na masungit.

Since hindi pa kami nakakain kaninang Recess, kumain kami ni Eugene sa classroom nang patago.

Marcelo nga pala ang surname ni Eugene. Habang nakatalikod si ma'am tsaka kami susubo ng tsitsirya. E, no'ng saktong pagkaharap ni ma'am nakita niya kaming ngumunguya. Kaya ayon nasermunan kami.

"Ma'am kasi po si Eugene binigyan niya ako ng tsitsirya." Dinamay ko na lang si Eugene dahil wala na akong maisip na dahilan.

"A-Ano?! Hindi kaya kita binigyan humingi ka kaya sa 'kin." Reklamo niya.

"So Mr. de Vera, kapag binigyan kita ng papel kakainin mo rin?"

Hindi, bakit pagkain ba 'yang papel? Ayan sana yung gusto kong sabihin pero baka ma-trip to guidance pa ako.

"Ah ma'am hindi po."

"The two of you get out of this classroom this instance!" Sigaw ng aming teacher sa 'min.

———

"Ikaw naman kasi. Bakit mo pa ako dinamay?!" Inis na tanong ni Eugene sa akin.

Tumawa ako saglit at sabay sabing, "Okay na 'yon. Para naman may kasama ako rito sa labas. Ayoko ngang mag-isa lang dito."

Napatingin ako sa gilid nanh makita ko sa Angeline naglalakad papunta sa ikinatatayuan naming dalawa ni Eugene.

Siniko ako ni Eugene at ngumit-ngiti sa akin. Mukhanh may masamang balak 'tong si Eugene. Gaganti yata siya sa'kin.

"Subukan mo lang. Lagot ka sa'kin." Bulong ko sa kanya.

Ngumisi lang siya sa'kin at sumigaw ng, "Angeline! I love you raw sabi ni Alexander de Vera!"

Nanlaki ang dalawa kong mata at napatingin agad ako kay Angeline. Inirapan lamang kaming dalawa ni Angeline at patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa malaglasan niya kami.

"Tang'na naman nito oh!" At sabay sinuntok ko siya sa braso niya.

"A-Aray!" Napahawak siya sa braso niya at ngumiti-ngiti pa.

———

Pinapasok na kami ng susunod naming teacher. Math na pala 'yung subject ngayon, may quiz nga pala kami!

Hindi man lang ako nakapag-aral. Pa'no ba naman kasi nawala sa isip ko na may pagsusulit pala kami ngayon.

Ang nasa isip ko lang kasi 'yung nangyari kahapon sa 'min ni Angeline.

'Yung umiyak siya tapos inakbayan ko siya tapos ipinatong niya 'yung ulo niya sa balikat ko. Pakiramdam ko na sa isang romantic teleserye kaming dalawa tapos kami ang bida. Hay, kailan kaya magiging kami?

"Mr. de Vera, ano nanaman bang pumapasok sa isipan mo at parang may kakaiba sa'yo?" Napansin pala ng guro ko na nagda-daydreaming ako. Halos lahat ng mga kaklase ko napatingin sa akin.

"W-Wala po, sir." Sagot ko at umayos ako ng aking upo. Sinabi ko na lamang na wala kaysa naman sabihin ko ang totoo.

Parang sa ngalan ng pag-ibig, minsan kailangan natin magsinungaling na okay lang tayo kahit na hindi. Dahil ayaw mong makita siyang nag-aaalala at ayaw mo ring mawala ang kanyang mga magagandang ngiti.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon