Chapter 15

229 20 0
                                    

Alexander de Vera's POV
Nandito kami ngayon sa beach ni Angeline. Naka-upo kami dito sa puting buhangin. At magkaharap kami sa isa't-isa habang palubog na ang araw.

"I love you so much my Sugar!" Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Mahal na mahal din kita Asukal ko!" Pagkatapos ay nagdikit ang mga noo namin at maghahalikan na sana kami..

Pero bigla niya akong dinilaan!! At tumahol nanaman siya.

"Arf! Arf!" Pagkamulat ko ng dalawa kong mata. Nakita ko nanaman si Brownie nakapatong sa katawan ko. Si Brownie kasi ang parang alarm clock ko. Siya kasi ang gumigising sa 'kin minsan, tuwing umaga.

"Ugh, panaginip nanaman!Hanggang panaginip na lang ba talaga ang paghalik namin sa labi?!"

"Kuya, manahimik ka nga diyan. Ang landi landi mo." Sigaw ni Princess sa pinto

———

"Okay, class para sa inyong practical test. Pipili kayo ng isang salita na gusto niyong ipaliwanag sa harap. Kahit anong salita pa 'yan basta kailangan maayos ang pagkakapaliwanag niyo. Iprepresent niyo ito dito bukas." Sabi sa amin ni Ms.Rodriguez na teacher namin sa Filipino.

"Anymore questions? If none, class is dismissed."

———

"Angeline, punta naman tayo sa bahay mo. Pakainin mo naman kami." Pag-aaya ni Hannah kay Angeline habang kaming lima ay naglalakad dito sa hallway

"Oo nga, tagal na rin namin hindi nakakapunta sa bahay mo. Namiss ko na rin ang masasarap na pagkain do'n." Sabi naman ni Eric kay Angeline.

"Uubusin niyo nanaman ang pagkain ko do'n sa refrigerator." Taas na kilay na sabo ni Angeline kay Hannah at Eric

"Promise, hindi na namin uubusin!" Sabay na sabi ni Hannah at Eric nang nakataas pa ang kaliwang kamay na para bang namamanata.

———

Malaki ang bahay ni Angeline dahil sila'y mayaman. Hindi pala 'to bahay kundi mansyon. At may malaking hardin pa sila.

Tapos ang mga tao lang sa bahay niya ay ang mga kasambahay niya at ang driver niya. Ang mommy niya naman ay umalis dahil may importanteng lakad daw sabi sa 'kin ni Angeline. Kaya hindi namin siya naabutan rito.

Rose Evangeline's POV
Pumunta kami sa kwarto at pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay dumiretso na agad sina Hannah at Eric sa mini refrigerator ko.

Sabi ko na nga ba e. Tama nga sila hindi nga nila inubos ang laman ng ref ko. Nagtira sila ng isang pirasong candy do'n sa ref. Kinuha nila lahat ng chips ko, ugh.

Hinayaan ko na lang sila dahil mukhang sarap na sarap sila.

"Alam niyo bagay kayong dalawa." Sabi ni Jillian kay Hannah at Eric

"Excuse me? Mas maganda pa nga ako kay Hannah. Paano naman kami magiging bagay." Sambit naman ni Eric kay Jillian habang punong-puno ng chips ang bibig niya.

Sa totoo lang kaklase ko si Eric no'ng nasa elementary kami. Dati naman hindi siya ganyan kumilos. Ewan ko kung ano nangyari sa kanya nakalunok yata ng bato ni Darna.

"Oo nga! 'Wag mo na kami kausapin ni Eric! Busy kami!" Punong-puno rin ng chips ang bibig ni Hannah habang nagsasalita siya.

"Alex, bakit parang ang tahimik mo yata?" Tanong ko kay Alex kasi kanina niya pa minamasdan yung paligid.

"Ah, e, first time ko lang kasi makakita ng ganitong kalaking bahay." Paliwanag sa akin ni Alex.

"Tara, itu-tour kita sa bahay ko. Dito muna kayong tatlo ah. Ipapasyal ko lang 'tong si Alex dito." Hinila ko ang kamay ni Alex papunta sa paborito kong parte ng bahay, ang aming hardin.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon