Chapter 21

168 19 2
                                    

"Okay class ito na yung results ng long test niyo." Sabay isa-isang inabot ni Ms.Rodriguez ang mga papel.

Tumigil sa harap ko si Ms.Rodriguez.
"Ms. Angeline Ventura, what is happening to you? Bakit bumababa ang mga quizzes mo? Epekto siguro ito ng lablayp. Ikaw pa naman ang paborito kong estudyante. You really disappointed me..." Sabay abot niya sa akin ng papel ko.

Hindi na lang ako nakapag salita dahil kahit ako mismo nagulat sa nakuha kong marka sa aming long test.

17/40 ang nakuha ko, first time ko lang bumagsak. Panigurado lagot ako kay mommy nito.

Hiyang-hiya na talaga ako sa sarili ko. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga kaklase ko dahil sa mga sinabi ni Ms.Rodriguez.

"Dapat kasi hindi niyo muna inuuna ang pagkakaroon ng lablayp. Ayan tuloy tignan niyo ang nangya~"

Napatigil si Ms.Rodriguez sa pagsasalita at napatingin sa bintana.

Napatingin din kami sa bintana dahil kay Ms.Rodriguez. At nakita namin si Sir Gianan na naglalakad sa corridor, ang bagong PE teacher namin na sobrang gwapo.

Na-love at first sight na yata 'tong si Ms.Rodriguez. Ayan sana naman magkaroon na rin siya ng lablayp.

Pero biglang nag-iba ang aura niya nang makita niya si Sir Gianan na tinulungan si Ms.Santos dahil napatid ito at nahulog ang mga dala-dala niyang mga libro.

Yung mukha ni Ms.Rodriguez parang nagagalit. Panigurado nagseselos ito sa kanila.

"Miss ito na po pala yung assignment ko." Sabay abot ng kaklase ko sa kanya ng papel.

Kinuha naman ito ni Ms.Rodriguez pero nakatingin pa rin ito sa bintana. At inis na inis pa rin ito.

Dahil sa pagkainis niya, nilukot niya ang papel na binigay ng aking kaklase.

"Miss! Assignment ko po yan! Pinagpuyatan ko po yan!" Gulat na sabi niya kay miss.

At biglang nahimasmasan naman agad si Ms.Rodriguez.

"Ay sorry! Sorry!" Agad niyang inayos ang papel na nalukot niya.

"Ngayon alam niyo na po ang feeling ng naiinlove.." Biro ni Eric sa teacher namin.

-----

Nakaupo lang ako dito sa canteen, lunch kasi namin ngayon. Kasama ko ang mga bes ko at si Alex.

Hindi ko pa kinakain yung pagkain ko kasi iniisip ko kung anong magiging reaksyon ni mommy kapag binigay ko na 'tong long test ko sa kanya.

"Angeline, kumain ka na. Wag mo nang isipin 'yon. Bumawi ka na lang sa next tests natin. Hindi pa naman huli ang lahat eh." Sabi ni Alex sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Kaya ang ginawa niya kumuha siya ng kanin at ulam gamit ang kutsara niya at akmang susubuan ako.

"Kakain na yan... Here comes the airplane." Nakangiting sabi niya.

"Aw ang sweet naman nakakainggit, ako rin subuan mo ako fafa Alex." Biro ni Eric kay Alex at ngumanga naman ito.

Habang nakanganga ito pinasukan naman ni Hannah ng tissue ang bunganga ni Eric. Na agad naman iniluwa ni Eric.

Siniko ni Hannah si Eric.
"Ano ka ba Eric panira ka talaga ng momentum." Bulong ni Hannah kay Eric. Pero narinig ko naman.

"Sorry ha, nasobrahan na naman kasi 'tong si Eric sa pag kain ng tsokolate. Sige tuloy niyo lang 'yang ginagawa niyo." Nakangiting sabi ni Hannah sa 'min ni Alex.

Napangiti na lang ako, habang naka-akmang susubuan pa rin ako ni Alex. Kaya sinubo ko na lang.

"Kayo kasi eh, 'di niyo ko sinama sa pandadaya niyo.." Biro ko naman sa kanila habang ngumunguya ako.

I'll Be BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon