2

302 15 2
                                    

Chapter 02

"What is this?" Kunot ang noo, habang hawak ang chocolates at letter na binigay ko sa kanya. 

"Galing 'yan sa kaklase ko, ibigay ko raw sayo" I shrugged and sit on my chair to start my break fast. 

Inabot niya kay manang ang box at letter, kaya napa sulyap ako roon. Nang makita ang reaksyon ko ay pinukol niya ako ng malamig na tingin saka umupo sa harap ko. 

"I told you, don't entertain them". Pagalit na sabi niya. 

"Naawa naman ako"

"Yan! Kaya ka inaabuso at na bubully masyado kang mabait. People will always take advantage you're kindness". 

"Kung inentertain mo sana sila ng maayos edi sana hindi na nila ako nilalapitan". 

"You don't care". 

"Ang aga niyo namang magsagutan at sa hapag pa" sita ni mommy sa amin. Kaya nanahimik na lang kami pareho. 

Tahimik kong tinahak ang klase ko ng araw na 'yon, some of my schoolmates are greeting me. Because they knew that Sin is my twin, I admit that Sin is right. People want to be friends with me to be a way to him, and I'm too kind to help them. 

Break time ay rinig ko ang mga kwentuhan ng kababaihan sa canteen, kaya hindi ko maiwasang makinig na lang din ng marinig ang pangalan ng kakambal ko. 

"Ang sabi nagkasuntukan si Montevilla at Garcia, kahapon". 

"Huh? O edi tanggal si Garcia?" 

"Pina suspend daw ni Kyle". 


Kumunot ang noo ko, ang Garcia na tinutukoy nila ang lalaking panay ang lapit sa akin tuwing namamataan ako nito sa court para kausapin si Sin. Nagka suntukan sila? Kaya ba may gasgas ang kamao ni Sin? 

Tinahak ko ang court para alamin kung ano ba ang nangyari, hindi kaya nag away sila dahil sa akin? Pero bakit? 

Nakatingin ang mga taong andoon sa akin nang makita ako, ang iba ay naiirita sa akin. Agad hinagilap ng mata ko si Sin, at nang makita ay agad ko siyang pinuntahan. 

"Sin!" 


"Ano namang ginagawa mo rito?!" Singhal niya sa akin. 


"Dahil ba sa akin kaya kayo nag suntukan ni James?" 


He smirked. "Bakit ka naman namin pag aawayan?" 


Para akong tinapunan ng malamig na tubig sa sinabi niya, pero nanatili akong nakatingin sa kanya. Napaka tigas ng puso mo para sa akin, bakit kaya? 


"Huwag ka nang makipag suntukan ulit". Bulong ko. 


"Okay". Sagot niya at nag angat ako ng tingin sa kanya. "Basta 'wag na wag ka nang tatapak pa sa lugar na 'to". 

"S-sin" 


"Leave!" Pagtataboy niya sa akin, kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang. 


Bago pa man ako tuluyang makalabas ay may lumapit sa aking babae. "I don't know why Kyle protecting such a trash like you". 


Hindi ko na lang siya pinansin at nag tuloy tuloy na sa paglalakad, bago pa man ako makapasok sa building namin ay may nagbato sa akin ng hoodie. Kaya napatingin ako roon, at gulat pa akong makita siya. 


Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now