Chapter 28
I'm walking in the middle of heavy rains, where no one can see. No one was there to give me an umbrella, no one was there to accompany me. But, I thought no one was there…
Niyakap niya ako, para matigil ako sa paglalakad. "Thank God, I found you", I felt his relief with that.
"Evan", muli akong umiyak. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang mommy niya, ako ang dahilan kung nadisgrasya kami noon. "I'm sorry".
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Shhh…"
"I'm sorry for causing you so much pain".
"Thank you for bringing me those pains, and healing it by entering my life", bulong niya.
Mas lalo akong umiyak, hindi ko alam kung deserves ko pa bang sumaya. Dahil sa totoo lang, naiintindihan ko na ang pamilya ko, they doing this because I don't deserve to be happy after all.
Kinalas ko ang yakap niya sa akin, basang basa na rin siya ng ulan. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap, kanina pa rin ako naglalakad sa gitna ng malakas na ulan. Muli akong naglakad paalis, pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Tara na", aya niya.
"Pinalayas ako, kaya maghahanap ako ng matutuluyan ko".
"Sa akin", kumunot ang noo ko. "I mean, sa akin ka muna tumuloy".
"Hindi na, nakakahiya na ang ginawa ko sa inyo. Tapos makiki tuloy pa ako?".
"May condo ako, bumukod na ako kila daddy", sagot niya tinignan ko siya.
Nag isip ako, wala akong pupuntahan ngayon. Nakakahiya naman kung makikituloy ako kila Mira. Wala akong gamit, may pera ako at credit card pero alam kong ipapa close ni daddy 'yon. Itinakwil niya na ako, at sigurado akong itigil niya rin ang pagbayad ng tuition ko sa school.
Hindi ko alam kung saan niya ako pupulutin, at saan ako pupunta. Pagabi na ng pagabi, delikado na maglakad sa kalsada. Tinignan ko si Evan, na hinihintay ang sagot ko.
"Is it fine?", nahihiyang sagot ko. Tumango siya at inabot ang kamay ko.
"Oo naman", inalalayan niya akong makapunta sa kotse niya. Nahiya pa ako dahil basa ako at mabasa ang upuan sa loob. "Ayos lang, may towel ako sa loob. Doon ka na mag punas", ng makapasok ako ay pumasok na rin siya. Saka niya inabot sa akin ang towel.
"Salamat", ngumiti lang siya. Saka na niya pina andar ang kotse paalis doon. "P-paano mo nga pala ako nahanap?", tanong ko.
"Kanina pa ako paikot ikot dito, you're brother told me na pinalayas ka raw sainyo", nagtagal ang titig ko sa kaniya. "That's why I'm worried, gabi na at delikado sayo ang maglakad mag isa".
Hindi na ako sumagot, dahil iniisip ko ang ginawa ni Sin. Lagi kong iniisip na kaya niya ako iniiwasan dahil gusto niyang siya ang makita ng magulang namin. Pero ang totoo alam kong iniwasan niya ako, dahil ayaw niyang malaman ko ang totoo. Ayaw niyang sisihin ko ang lahat, he asked me to face he consequences. So, I need to face this on my own.
Pagkarating sa condo niya ay agad siyang kumuha ng damit, para makapag palit ako. Dumiretso ako sa cr niya para makaligo at makapag palit na rin. Medyo natagalan ako sa hot shower niya, dahil iniisip ko kung saan na ako pupulutin ngayon.
YOU ARE READING
Until The Last Sunset (Senior High Series #3)
General FictionSenior High Series #3 ARTS AND DESIGN Her family is known as a family of doctors, and in the medical field. Karen chose to change her path by choosing HUMSS unlike her twin from STEM. Grudge, and vengeance will be the reason to meet Evan of ARTS AND...