21

239 13 0
                                    

Chapter 21

"Bitawan mo ako", tinulak ko siya at agad pinunasan ang luha ko. Ayoko na ulit maniwala, dahil alam kong may pinaplano siya. Sa huli ako pa rin ang maiipit, at ayoko na. "Huwag mo na akong lalapitan ulit tutal sabi ni Liezelle tito kristopher didn't bother anymore beside your ate can help you two".

Aalis na sana ako ng hawakan muli ni Evan ang braso ko. "What did you say?", seryoso na niyang tanong. "Sinabi ni Liezelle 'yon? Kailan? At bakit?".

Tinabig ko ang kamay niya. "Oo, at sinabi niya ring may pina plano ka. You're just using me to make your plans work, well sorry hindi na ako papa uto sayo at sa mga binabalak mo!", sagot ko.

"Anong pinaplano?", halatang naguguluhan siya. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Karen". Pagtanggi niya.

"Stop acting like you didn't plan this, bistado ka na lumulusot ka pa. Ayoko ng madamay pa, kaya tama na at tigilan mo na 'yang concern actions mo". Iniwan ko na siya roon, dahil ayoko ng marinig ang kasinungalingan niya.

Sa bahay naman ay parang walang nangyari, tila normal lamang ang lahat. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara ang sitwasyon namin ni Sin, dahil kung siya ang may na achieve ngayong araw paniguradong nagpaparty na si daddy para ipagmalaki ang anak niyang susunod sa yapak niya.

Gusto kong umirap sa mga nasa isip ko, pero hindi ko magawa dahil nasa hapag kainan kami. Tahimik lamang akong kumakain, ng magtanong na naman si daddy.

"Ikaw ba ang ilalaban sa strand niyo Sin?", tanong ni daddy. Yung tinutukoy niya ata yung research, na sasalihan ni Sin next month.

"Yes,dad", maikling sagot nito.

"Make sure manalo ka, I don't want you to lose. Do you understand?", mariing sabi ni daddy.

Natahimik ang kakambal ko, na pressure ata. Dahil hindi biro ang gustong mangyari ni daddy, mawawala sa classroom si Sin para sa research.

"Bakit hindi ka sumasagot?", tanong ulit ni dad.

Napapikit si Sin, saka bumuntong hininga. "Yes dad, I will do anything to win".

"And maintain your grades as well", dagdag ni daddy. "I want you to always be at the top of the class.. ah no! To be on the top of your whole strand. Don't disappoint me, you're the next Dr. Montevilla", ani dad. "Ikaw rin Karen, beat that Fernandez from the top of the list".

I really don't know why my parents like this, I don't know why some parents like teaching their child to be the best among the rest, instead of teaching them to be the best as themselves.

Yes, they probably answer that they're doing this for our own goods. Pero hindi naman ang mga parangal at pagiging una sa buong klase o sa level namin ang magpapatunay na successful kami.

Why can't they see it?

I told everything to Mira, dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano pa ako gagalaw, hindi ko alam kung may kulang pa ba.

"You know what. Even if you're the smartest student in Faina, if you're parents is blind with your achievements. It's useless, it's just a piece of litter", sabi ni Mira.

Nandito kami ngayon, library gumagawa ng report namin. 3 weeks pa ito, pero ginagawa na namin at pinaghahandaan dahil isa sa admin ang observers. Ayokong mapahiya rito, I top the exams. Umaasa ang teacher namin, kaya ayoko siyang biguin.

"Ano ba ang dapat kong gawin?", tanong ko nawawalan na ng pag asa.

"Be yourself, hayaan mo sila. Someday they will see and regret that they didn't trust you", she smiled.

Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now