Chapter 19
"Ayos ka lang?", tanong sa akin ni Mira pagpasok ko rito sa room. "Bakit parang namumula ka?" Tanong niya ulit, agad kong kinuha 'yung salamin ko sa bag at tinignan ang mukha ko.
"W-wala", nag iwas ako ng tingin.
Nagsimula na muli ang klase namin, pero ang isip ko ay nandoon pa rin sa nangyari kanina. Bakit niya ba nasabi 'yon? Titigil na kaya siya sa plano niyang sirain si daddy? Pero bakit? Saka akala ko ba agreement namin 'yon? Para ligawan niya si Liezelle.
Kung gusto niya akong kilalanin, bakit hindi pa noon? Saka anong sabi niya? Para hindi na raw niya ako mahusgahan. Naguguluhan ako sa kanya, hindi ko siya maintindihan. Ayan tuloy, hindi ako nakapag focus sa klase hanggang sa maghapon na.
Nagtext sa akin si Sin na puntahan ko siya sa court para ihatid 'yung t shirt niyang nasa locker ko, kakatapos lang daw ng practice nila. Naglalakad ako at panay pa rin ang tingin nila sa akin, tila minumukhaan nila ako.
Dire diretso akong pumasok sa court ng marinig ko ang pamilyar na boses, dali dali tuloy akong pumasok at doon ko nakita si Jia nasa harapan ni Kyle. Kasama ni kyle yung isang babae na hindi ko kilala, nakatago ito sa likod niya.
"Para sabihin ko sayo, hindi ako nandaya sa quiz na 'yon. Kung nalamangan kita, pasensya ka na ah! Masyado kasing mataas tingin mo sa sarili mo". Sabi ni Jia, "at ikaw naman".
Hinarap niya si Sin, "Una sa lahat, wala akong pakialam sayo. Para sa akin isa ka lang fuckboy sa campus na 'to, at hindi lahat ng babae luluhod sayo!". Nilapitan ko sila agad, doon ko lang napansin na siya lang ang nandito.
"Anong nangyayari?" Agad akong pumwesto sa gitna nila, nagsimula nang magbago ang ekspresyon ng kakambal ko.
"Ikaw, bawiin mo yang sinabi mo! Napakasinungaling mo". Sabi ulit ni Jia doon sa babae.
"Totoo namang nandaya ka, hindi ka naman magaling sa chemist saka is--". Pinutol agad siya ni Jia.
"What is the element name of J, and atomic number and mass?" Tanong ni Jia sa kaniya, nakanganga lang yung babae. "Ano hindi ka maka sa--".
"Walang J sa buong periodic table of Elements". Sagot ng kakambal ko.
"Ikaw ba tinatanong ko? Binigyan ba kita ng karapatang sumagot?" Inis na baling sa kaniya ni Jia, grabe ang tapang niya siya lang mag isang sumugod dito. Yung mga estudyante tuloy, nanonood na sa kanila hindi naman ako maka singit dahil panay ang sagutan nila.
"Tignan mo na Kyle, napaka palengkera". Sabi nung babae. "She's cheap, and uh! Stupid feeling magaling na journalist she even disqualified in a contest because of plagiarism no doubt she cheat in ou--". Hindi ko alam pero automatic na umangat ang kamay ko, at dumapo 'yon sa pisngi niya. Dahil nakita ko kung paanong nangilid ang luha ni Jia sa sinasabi niya.
Bumaling siya sa akin habang hawak ang pisngi niyang sinampal ko, hindi ako nagsisisi tama lang yon. "How dare you?!" Sigaw niya sa akin.
"Sa susunod na may lumabas na hindi ko magugustuhan sa bibig mo, ipapalamon ko tong sapatos ko sayo". Banta ko sa kanya, pero mukhang takot siya. "Naiintindihan mo?!".
Hindi siya sumagot, kaya lumapit ako sa kanya at hinila siya palayo sa kakambal ko. Muntik na siyang natumba, dahil sa lakas ng pag kakahatak ko sa kanya. "Lumayo ka, para kang linta kung makakapit".
YOU ARE READING
Until The Last Sunset (Senior High Series #3)
Fiksi UmumSenior High Series #3 ARTS AND DESIGN Her family is known as a family of doctors, and in the medical field. Karen chose to change her path by choosing HUMSS unlike her twin from STEM. Grudge, and vengeance will be the reason to meet Evan of ARTS AND...