Chapter 18
Bumaba na ako sa kotse ni Evan, nakita kong nasa loob na ang kotse ni mommy. "Thank you ah". Sabi ko ulit sa kanya. Ngumiti siya at tumango. "Dito na lang Evan, masyado na kitang naabala". Sabi ko dahil bumaba rin siya.
"Ihahatid lang kita sa loob". Sagot niya, pero pinigilan ko siya.
"Hindi na nga, dahil nakaka abala na ako sayo". Sagot ko, tiningnan niya pa ako saglit saka na rin siya sumuko at nagpaalam na uuwi na.
Pagpasok ko ay tinignan ako ni mommy, saka siya lumapit sa akin. "Nag pa enroll ka anak?" Tanong niya, at halatang nag aalala pa rin sa akin.
"Opo". Maikling sagot ko.
"Anak, about kagabi…".
"I understand mom, kasalanan ko". Sagot ko.
Ayoko na ng mahabang seremonya, kaya ako na lang hihingi ng sorry kay daddy. Mali naman talaga ako, wala akong karapatan ganunin si daddy sa harap ng kapwa niya doctor kahihiyan 'yon sa kanya.
"Magbibihis lang po ako", paalam ko, saka na ako umakyat.
Ang daming nangyari ngayong araw, pero masaya ako dahil naka kilala ako ulit ng ibang tao. Mabait sila sa akin, at masaya sila kasama. Sana makasama ko pa sila ulit, ipapakilala ko rin si Mira. Oo nga pala tatawagan ko pa siya.
"Hello?" Sagot niya sa kabilang linya, mukhang pagod pa ata.
"Kamusta?" Tanong ko. "Hindi kita nakakausap buong araw e".
"You sound like my boyfriend", sagot niya, at alam kong umikot na naman ang mata niya. Kaya natawa ako. "Bakit ka pala na patawag?"
"Nag pa enroll ka na?" , Tanong ko.
"Oo, kanina", Sagot niya. "Ikaw ba?"
"Nag pa enroll na rin, may mga bago nga akong nakilala". Sagot ko, hindi siya sumagot. "Natatanggap na nila ako".
"Hindi lahat ng lumalapit sayo ay nakikipagkaibigan ng tunay, kaya piliin mo kung sino yung dapat". Sagot niya. "Mira! Si Mike nandito!" May narinig ako boses sa background niya. "Punyeta", bulong ni Mira, kaya natawa ako. "Ibababa ko na may bwisita kami rito, ba bye". Sabi niya.
Naging boring ang bakasyon ko, dahi naman kami namasyal. Hindi pa rin ako kinakausap ni daddy, kahit na nag sorry na ako sa kanya last time. Galit pa rin siya, at naiintindihan ko naman. Pero malungkot pa rin ako, kasi daddy ko siya at ayokong ganito kami.
Kaya naisip kong bumawi sa pag aaral ko, gagalingan ko pa lalo para matuwa siya. Kaya naman pinag igihan ko ang pag aaral, at ang pag re revise ko ng script para sa presentation namin sa pangalawang linggo ng pasukan.
Palagi namang wala si Sin, dahil sa basketball practice. Kung umuwi naman siya ay nagkukulong sa kwarto para mag aral, dahil grade na kami sa pasukan. Ayaw niyang ma disappoint sila daddy, dahil graduating kami. They expecting Kyle to top the whole batch of STEM in Faina University, at yon ang dapat mangyari.
Dumating ang pasukan, at handa na akong pumasok. Pagbaba ko ay nandoon na si Sin, kaya umupo na ako para mag almusal. Walang nagsasalita sa amin, kaya tahimik lang ang lamesa. Nang matapos ay tumayo na ako, pumunta na sa garahe.
YOU ARE READING
Until The Last Sunset (Senior High Series #3)
BeletrieSenior High Series #3 ARTS AND DESIGN Her family is known as a family of doctors, and in the medical field. Karen chose to change her path by choosing HUMSS unlike her twin from STEM. Grudge, and vengeance will be the reason to meet Evan of ARTS AND...