6

242 17 3
                                    

Chapter 06

First day of school, hawak hawak ang enrollment slip ko ay tinungo ko ang building namin. Nasa third second floor lamang iyon, kaya madali kong nahanap. Habang naglalakad palinga linga ako sa mga estudyanteng nagyayakapan, mga magkakaibigang hindi nagkita dahil sa bakasyon. 

Habang naglalakad ay hindi mawala wala sa isip ko na nandito ako ngayon naglalakad patungo sa strand na gusto ko, sa daang gusto ko sa bagay na gusto at ginusto ko hindi dahil gusto ng ibang tao para sa akin. Hindi ko alam na ganito pala kasaya sa puso mo ito, dahil kahit kailan ay hindi naman ako nasunod sa desisyon ko. 


"What did you say?" Mahinahon ngunit may diing tanong ni daddy kay Kyle. 


"I changed it dad"


"What the hell that come to your mind to do that such a stupid thing?" 


Bumaling sa akin si Sin, sinenyas niya ang pinto sa akin pero hindi ako natinag alam kong gusto niya akong lumabas. Kaya naman hinila niya ako at siya na ang naglabas sa akin doon, paglabas ko ay sinarado niya ang pinto. 


Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa loob, kinakabahan ako kaya hinintay ko tapagang makalabas si Sin. Kaya naman natuwa ako ng maayos naman siyang lumabas, nagulat pa siya ng makita ako. 


"S-sin, bakit mo ginawa 'yon?" 


Huminto siya pero hindi humarap. "Hindi mo naman gusto ang strand na kinuha ko diba? Saka… ayoko ng pabigat habang nag aaral ako". 


Huminga muna ako ng malalim, bago ako pumasok sa loob ng classroom. Dahil unang araw palang naman ng klase tahimik pa sila, at nakikipagkilala. 


Umupo ako sa pinaka dulo dahil doon naman talaga ang gusto ko, kahit noong nasa kabilang campus palang ako. Nagbabasa lamang ako ng isang novel, ng may babaeng tumayo sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin dito, at nagulat pa ako nang makilala kung sino ito. 


"Pwede ka bang lumipat sa kabila? Ayos lang kung ayaw mo". 



Imbes na sumagot ay dali dali akong tumayo at nakangiting lumipat sa kabilang pwesto, saka siya umupo roon nakakatuwa naman pala. Doon ko lang naalala na humss 3a siya, at talaga namang napaka buti ng kakambal ko at dito niya pa talaga ako nilagay. 


Hindi niya na ako sinulyapan dahil naglagay na siya agad ng earphone sa tenga niya, nang tumingin ako sa paligid ang ibang lalaki ay nakatigin sa kaniya. Agad silang nagsi ayos na ng upo ng pumasok na ako teacher namin, nagpakilala ito bilang adviser namin. 


Nakangiti ako habang pinapaliwanag nito ang mga requirements at background tungkol sa strand namin, binigay din ang schedule dahil unang araw palamang ay puro lang pakilala ang nangyari.


"Miracle Chloe Perez, 18 I chose HUMSS because this strand would help me to my dream job". 

Miracle.


Nakangiti ako sakanya hanggang sa maka upo siya sa gilid ko, bagay sakanya pangalan niya. Hindi ko nalamayan ang oras dahil sa nag enjoy naman ako sa nangyayari sa paligid ko, kaya nang mag break time ay agad akong tumayo dahil kakausapin ko sana si Miracle pero nagmadali na siyang lumabas. 


Papunta ako ng canteen na may tatlong babaeng nagtatawanan, nilagpasan ko sila pero tinawag ako ng isang babae. Hindi ko na dapat lilingunin pero tinawag ako nitong muli, kaya hinarap ko na. 


"Papunta kang canteen?" 


Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Oo" 



Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now