Chapter 12
"Hindi mo naman ako kailangang ihatid pa"
Hindi siya sumagot, at patuloy pa rin sa paglalakad niya. Mukhang malalim ang iniisip kaya hindi niya ako naririnig, kinalabit ko pa siya kaya para siyang natauhan.
"Ano 'yon?" Tanong niya.
"Sabi ko, hindi mo na ako kailan ang i hatid".
Luminga linga siya paligid. "Nasaan na ba ang ka grupo mo?"
Hinanap ko rin si Mira, at nakita ko siyang nakaupo sa bench naka ekis pa ang binti. Diretso siyang nakatingin sa akin, at tila ina alam ang nangyayari.
Napa kamot ako sa batok, saka alanganing tinuro si Mira. Tinignan naman 'yon ni Evan, saka siya nag buntong hininga.
"Dito na lang, salamat". Ngumiti pa ako sa kanya, bago siya iniwan doon.
Paglapit ko kay Mira, seryoso niya pa rin akong sinusuri. Ngumiti ako ng alanganin sa kanya, pero hindi rin nagtagal nagsimula na kami. Pinag usapan namin ang topic na nakuha, at kung paano namin hanapan ng sources. Syempre ang pinaka reliable ay libro, kaya ayon ang suggestion ko. Tinatamad daw siyang magbasa, kaya nag prisinta na ako.
Napa sulyap ako sa phone ni Mira ng umilaw 'yon, busy siya kaya hindi niya ako nakita ng silipin ko 'yon. Tama nga ako si Sin 'yon, magkikita raw sila. Kaya agad kong tinext ang kakambal ko, kung pwede niya akong samahan sa book store. Ang tagal bago siya nakasagot, kaya nagsulat sulat muna ako.
Sin,
May pupuntahan ako mamaya.
Ah ganon? Para ano? Para ipagpatuloy mo 'yang panloloko mo? Grabe. Paano ba gagawin ko? Ayoko na talagang matuloy ginagawa niya.
Si Evan…
To: Sin,
Sige. Magpapasama na lang ako kay Evan.
"May gagawin ka pa ba?" Biglang tanong ni Mira, kaya nilapag ko ang phone ko.
"Wala naman na, bakit?"
"Bawal ako mamaya" umiwas siya ng tingin, tumango naman ako.
"Ako rin".
Sin,
Subukan mo lang. Hintayin mo ako sa bahay, saglit lang 'to.
Pagka uwi sa bahay, ay inabangan ko talaga siya. Ang galing niya ah, saan nya natutunan 'yon? Bakit ba siya nag paapekto sa barkada niya. Nakabusangot ako, habang nakaupo sa mahabang sofa namin dito sa sala. Hinihintay ko ang magaling kong kakambal, dahil mag uusap kami.
Tumayo ako agad nang pumasok siya mula sa main door namin, nakangiti pa siya habang naka tingin sa phone niya. Hindi niya ata ako napansin, dahil sinalubong ko siya.
"Oh andiyan ka pala, tara na?" Hindi parin natatanggal ang tingin niya sa phone niya.
"Busy ka ata?"
"Hindi naman" sagot niya.
"Hindi mo nga ako magawang tignan e, busy ka sa phone mo. Anong meron?"
![](https://img.wattpad.com/cover/244409419-288-k428250.jpg)
YOU ARE READING
Until The Last Sunset (Senior High Series #3)
Fiksi UmumSenior High Series #3 ARTS AND DESIGN Her family is known as a family of doctors, and in the medical field. Karen chose to change her path by choosing HUMSS unlike her twin from STEM. Grudge, and vengeance will be the reason to meet Evan of ARTS AND...