8

235 16 2
                                    

Chapter 08 

Nakatitig lang ako sa pinto na pinaglabasan niya, hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman kong kaba. Parang ang hirap huminga, wala naman akong hika. 

Ilang minuto pa akong nakatitig doon, saka inayos ang sarili bago ako lumabas. Anong oras na rin, baka nasa bahay na sila daddy. Sinara ko pa ang pinto pagkalabas ko, tahimik na ang school. 



Pababa ako ng napabalikwas ako ng makita siya sa hagdang nakasandal, tumingin pa siya sa relo niya saka ako binalingan. 



"Ang tagal mo naman" reklamo niya , saka tumayo ng maayos. 



"B-bakit?" Kunot noong tanong ko, hinintay niya ako? 



"Anong bakit ka riyan? Tara na!" Saka siya naglakad pababa, sumunod na lang ako hindi na nagsalita. 



Akala ko ay hagdan niya lang ako sasabayan, nagulat ako ng pumara siya ng tricycle. At sinenyasan niya ako, tinitigan ko pa siya dahil naguguluhan ako. 



"Sasakay ka ba o iiwan kita?" 



"Bakit naman ako sasakay diyan?" 



Naghilamos siya sa mukha niya. "Hindi ka nga pala sumasakay ng tricycle ko?" 



"Hindi 'yun ang ibig sabihin ko" 



Hindi naman kasi talaga, ang ibig kong sabihin ay bakit ako sasakay doon at sumabay sa kanya? 



"Then, what?" 



"Kasabay ko kakambal k--" 



"Nauna na siya sa bahay niyo, kaya sumabay ka na sa akin. Kung maaari bilisan mo, dahil naghihintay si manong". 



Napatingin tuloy ako sa driver at nakaramdam ng hiya, naabala ata namin siya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay doon, saka siya sumunod. Sinabi niya ang village namin, at saka nagbayad. 


Habang nasa byahe hindi ko maiwasang punahin ang detalyeng mayroon siya, matangos ang ilong niya, makapal ang kilay, hindi siya maitim at hindi rin naman siya maputi, katamtaman lamang. Makapal at mapula ang labi, sa malapitan ay maamoy ang bango niya. Malinis siyang tignan, tila oras oras siyang naliligo. 




"Nakakailang ka namang tumingin, ma in love ka sa akin niyan ah" humalakhak siya.




"Excuse me?" 



"Oh, bawal kang dumaan umaandar 'yung tricycle" 



"Whatever". 



Nanahimik na lang ako dahil hindi ko gusto ang way niya sa pagsasalita, hanggang sa makapasok kami sa village at huminto ang tricycle ay tahimik parin ako. 



Magpapasalamat pa lang sana ako sa kaniya, ng inayos niya ang uniform niya at nagpasalamat sa driver. Dire diretso siya sa gate saka nag doorbell, anong ginagawa niya? 



"Kuya, bahay ko na 'to" 



Kumunot ang noo niya. "Hindi ko naman inaagaw" 



Grr, kailan ba siya aayos sa pagsagot? Namimilosopo talaga siya? 



"Pwede ka ng umuwi, s-salamat sa paghatid" 



Matagal niya akong tinitigan, saka siya tumawa ng pagkalakas lakas. Nahiya naman ako dahil tawa niya lamang ang naririnig ko, dahil tahimik ang paligid. 



Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now