Chapter 23
He wants me to accompany him watching the sunset, rather than watching the sunrise without me. Am I right? Or I'm just hallucinating.
Akala ko ba gusto niyang maghiganti sa amin? Kay daddy? Kay Sin? Sa akin? Bakit siya nandito? Bakit niya ako sinasamahan? Sa kabila ng mga plano niya. Pero iba ang sinasabi ng puso ko, sa iniisip ko.
"Baka matunaw ako niyan ha", tumawa siya saka binato ang dagat ng bato. Nilamon na ng dilim ang paligid, ganun din ang araw. "Anong iniisip mo?".
"Kung bakit ka nandito?", diretsong sagot ko.
Winasiwas niya pa ang kamay niya sa harap ng mukha ko, kaya hinampas ko 'yon. "Aray!", reklamo niya. "Hindi ka naman bulag".
"Seryoso ako rito".
"Seryoso rin ako".
"Hindi halata ha", inis na sabi ko. Kahit kailan talaga hindi na naging matino kausap. Natahimik kami pareho, hanggang sa tuluyan na ngang dumilim.
"Kung ano man yung mga bagay na sinabi ni Liezelle sayo…", lumingon siya sa akin. "Sana, hayaan mo muna akong ipaliwanag sayo, bago ka… lumayo".
Umiwas ako ng tingin, saka tumayo na at nagpagpag ng buhangin. "Gabi na, baka maabutan ako ni daddy sa labas".
Nagpasya na rin kaming umuwi, buti na lamang at hindi traffic. Kaya naman naka uwi kami sa bahay, bago mag alas otso. Natatakot naman akong bumaba dahil nakita kong nandoon na ang kotse ni daddy, siguro ay nasa loob na sila.
"Gusto mo bang samahan kita sa loob?", alok ni Evan. Nang makita na kinakabahan ako, parang ayoko tuloy bumaba sa kotse niya.
Umiling ako. "Huwag na", sagot ko.
Kumaway pa ako sakaniya bago ako naglakad papunta sa gate, pero agad ding may humila sa akin sa dilim. Kaya muntikan na akong sumigaw, paglingon ko ay nakita ko si Sin.
"A-anong ginagawa mo rito?", tanong ko. Kinakabahan ako, dahil paniguradong isusumbong niya ako.
"Hinihintay ka, obvious ba?", binitawan niya rin ako. "Hindi ka pwedeng pumasok diyan, nasa sala sila daddy. Ang sabi ko, nasa garden ka at susunduin kita", paliwanag niya.
Naguguluhan man ay sumama na ako sa kaniya, doon kami sa likod dumaan. Agad naman akong tinignan ni daddy pagpasok ko, yumuko ako dahil pakiramdam ko'y malalaman niyang tumakas ako.
"Sumabay ka na kumain sa amin", malamig na sabi ni daddy sa akin. Tumango ako at sumunod na sa dining area, tahimik lang akong kumakain. Wala ring nagsasalita sa amin, kaya masasabi kong payapa ang hapunan na 'yon.
Bago ako matulog ng gabing 'yon, dumaan ako sa kwarto ni Sin. Kumatok ako ng dalawang beses, bago ako pumasok. "Can I talk to you for a moment?", tinignan niya ako saka tumango.
"Bakit mo ako tinulungan?", tanong ko saka umupo sa kama niya. Nasa study table siya at nag aaral, malapit na pala ang presentation nila. Kaya todo aral na siya.
"Ayoko lang ng gulo, dahil gusto kong mag focus. Saka isa pa, quota ka na sa sermon 'di ka pa ba nagsasawa?", hindi siya nakatingin sa akin.
"Salamat". Hindi siya sumagot, kaya naman umalis na ako dahil kailangan niyang mag aral.
Pag pasok ko sa school, ay naging magaan na ang pakiramdam ko. Agad kong hinanap si Mira. Busy siya sa audition ng MPFU. Kaya naman ang ginawa ko ay nag aral na lang.
YOU ARE READING
Until The Last Sunset (Senior High Series #3)
General FictionSenior High Series #3 ARTS AND DESIGN Her family is known as a family of doctors, and in the medical field. Karen chose to change her path by choosing HUMSS unlike her twin from STEM. Grudge, and vengeance will be the reason to meet Evan of ARTS AND...