26

220 12 0
                                    

Chapter 26 

"Hey", lumapit siya sa akin. Nakapamulsa siya, at tinanggal ang bucket hat niya. "May gagawin ka pa?". 



"Bakit?". 



"Tara, gala lang sandali", nakangiting sagot niya. 



"Uuwi na ako", simpleng sagot ko at nilampasan siya. Sumunod naman siya agad, at hindi ako natutuwa. 



"Saan ka sa college?"



"You don't care", pag susuplada ko. 



Napahawak siya sa dibdib niya at umaktong nasaktan sa sinagot ko. "Grabe, nagtatanong lang madam". 



Hindi ako sumagot, nag aabang ako ng taxi. Bakit ba kasi walang taxi na dumadaan dito? Nakakainis ngayon pa talaga kung kailan ayokong kasama 'to. 



Hindi na siya nagsalita, kaya tahimik lang kaming dalawa. Doon ko lang ulit naalala ang sinabi ni Mira sa akin. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukang alamin, she wants me to talk to Evan. 



Tumingin ako kay Evan, na may pinipindot sa phone niya. Naka kunot pa ang ulo niya, saka siya nag angat ng tingin sa akin. "Gwapo ko no? Wag ma fa-fall ha", sabi niya. Umiling naman ako. 



Paano ko ba siya makausap ng matino, kung ganyan siya? Hindi ba siya aware na naiinis ako sa kanya? He acts like we don't have a family problem. I sighed. Pero gusto kong makatulong sa pamilya ko. 



"Evan"



"Parating na 'yung grab", kumunot ako dahil sabay kaming nag salita at teka anong grab? 



"Ha?" 



"Hashtag", inirapan ko siya at natawa siya. "Anong grab?". 



"Walang taxi na dumadaan dito, sa kabilang side pa ng mall 'yon. Traffic kasi lagi diyan sa kabilang kalsada", paliwanag niya. 



"Bakit?"



"Di ba uuwi ka na? I'm sure hindi ka naman papayag na samahan kita pauwi sainyo". Simpleng sagot niya. 



Matagal ko siyang tinitigan, totoo kayang may nararamdaman siya sa akin? Iba ang sinasabi ng isip ko. Pero sa puso ko, naniniwalang meron nga. "Can we talk for awhile?". 



Gulat siyang humarap sa akin, pero ngumiti rin agad. "Sige, cancel ko lang 'to", saka siya nag pindot ulit sa phone niya. 



"May gusto lang akong itanong"



Tumango siya. "Sige, tara", saka siya nagbaba ng tingin sa kamay ko. "C-can I?", umiwas siya ng tingin. "Can I hold your hand?". 



"No", saka ko siya tinalikuran. Sumunod naman siya agad, pumasok ako sa mall , at naghanap ng cafe. May nakita naman ako agad, kaya pumasok na ako. "Anong gusto mo?", tanong ko sa kaniya. 



"Ako na rito, hanap ka ng pwesto", sagot niya at nakatingin sa menu. Hindi na ako nagsalita at naghanap ng upuan namin. Konti lang ang tao, kaya mas mabuting dito kami mag usap. 



Tinanaw ko siya na nandoon pa rin sa counter, kinakabahan ako rito. Pero gaya nga ng sinabi ni Mira, hindi ko malalaman kung hindi ako magtatanong. It's better to ask for an answer, rather than being clueless. 



Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now