16

229 14 0
                                    

Chapter 16 

Panay ang tingin ko kay Evan, habang nakikipaglaro siya sa mga bata rito sa orphanage mismo na itinayo ng pamilya nila. Hindi ko alam na may ganito sila, at isa siya sa pinagkatiwalaan ng daddy niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sana ay may ganito rin si daddy, dahil ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng medical mission man lang. 


Tinutulungan ko ang mga volunteer at tauhan nila Evan sa pag aayos ng mesa, magtatanghalian na kasi at kailangan ng kumain ng mga bata. Matapos namin ay tinawag na namin ang mga bata, saka na sila nag tanghalian. 


"Hindi ka pa kakain?" Tanong ni Evan, habang tinutulungan kaming ilapag ang mga pagkain sa mesa. 


Umiling ako, dahil hindi pa naman ako nagugutom. Duda pa siya sa response ko, pero nag buntong hininga na lang siya. Masaya ang mga bata habang kumakain kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa sa puso ko, mas masarap pala talagang ikaw ang nagbibigay kaysa ikaw ang binibigyan. 


Akala ko talaga kanina ay magde-date kami ni Evan, pero ang mokong tinawanan pa ako dahil disappointed daw ako. Kahit kelan talaga napaka mapang asar niya, mas lumala pa ata siya ngayon. Well, masaya naman 'to. Actually, mas nag eenjoy ako sa ganito. 


Matapos ng tanghalian ay nag kanya kanya na sila ng gawain nila, samantalang ako ay panay ang pakikipaglaro sa ibang bata. Kaya naman nagulat ako ng suotan ako ng iba ng flower crown, at hinila nila ako. Doon ko lang napagtanto na maski si Evan ay nandoon, nagtatawanan pa ang ibang bata. 


"Ayieee!" Sigaw nila, habang papalapit kami sa isa't isa ni Evan. "Bagay po kayo!". 


Ngumiti naman si Evan. "Hindi kami bagay ah!" Reklamo ni Evan, kumunot naman ang noo ko. "Tao kami, tao!" Pagtatama niya, pero nagsigawan ulit ang mga bata. 


Hindi ko na lang 'yon inintindi, at umupo doon sa may monoblock sa gilid. Ang tahimik ng paligid, kaya masarap dito tumambay. Umupo rin si Evan sa gilid ko, at nakita kong nilabas niya 'yung sketchpad niya. 


"Mag d-drawing ka?" Tanong ko, tinignan niya lang ako saka tinasahan 'yung lapis niya. 


"Just watch," he smirked. 


Nagsimula muna siyang gumuhit ng mga tila traces, seryoso siya habang ginagawa 'yon. Doon ko lang napansin na iginuhit niya pala ang kabuuan ng bahay ampunan. Naka titig ako sa seryoso niyang mukha, tumatagilid pa ang ulo niya upang tignan kung tama ba ang pagkakalagay niya ng guhit o hindi. 


Pinanood ko kung paano kumunot ang noo niya kapag hindi nagpapantay 'yun, pati ang bawat galaw ng adam's apple niya kapag lumulunok siya. Pero nabigla ako ng lumingon siya sa akin, kaya automatic akong nag baba ng tingin sa iginuhit niya. Na guguhit niya na pala ang mismong bahay, at nililinyahan na lamang para sa espasyo ng linya. 


"A-ang galing mo". Pagbabasag ko sa katahimikan. "Saan ka natutong nag drawing?" Tanong ko, dahil ang awkward naman kasi nahuli niya akong nakatingin sa kanya. 


"Hilig ko na talaga, simula ng bata pa ako". Sagot niya, at binura ang isang linya. 


"Ikaw lang ba sa pamilya mo?", umiling siya at tinagilid ang ulo. 


"Si ate Ellaine, magaling 'yon sa handwritten, mga calligraphy ganon". Tumango tango ako, saka muli siyang pinanood. 


"Ang galing mong mag drawing". Nasabi ko na lang, nakita kong napahinto siya. Pero hindi siya nag angat ng tingin. "Naalala ko 'yung drawing mo na ipinaskil sa bulletin board niyo, akala mo ay propesyonal ang gumuhit". Dagdag ko. 


Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now