Chapter 13
Naglalakad na ako papasok ng venue, ang iba ay nakatingin sa akin. Hindi ko sila ni lilingon, patuloy lang ang lakad ko papasok. Napag isipan ko na ito, kahit pa ilang beses na akong sumuko. Gagawin ko 'to dahil kailangan, gagawin ko ito dahil gusto kong matulungan ang kakambal ko.
Dumiretso ako sa assign seat ko, kita ko sa 'di kalayuan sila Shiella. They just gave me a warning look, don't I'll do it. I sighed and let myself calm. Some of my classmates greeted me, I just smiled at them. Hinahanap ko si Mira, pero wala siya. Kaya naman mas kinakabahan ako, I don't want look pity but I'm asking for a help.
"Ladies and gentle we are here to gather one of the most important event in our senior high school life" hinahanap ng mata ko si Jaist, nakita ko naman siya kasama ang mga kaibigan niya.
Kaya ko ba?
I swallowed hard. Kailangan ko 'tong gawin para kay Sin, buti na lang at isinama siya ni daddy. Naalala ko na naman ang huling sagutan namin, at sa harap pa talaga 'yon ni Mira. I didn't mean to shout at him, but I'm tired of everything. Gusto ko lang naman na magkaroon ng kaibigan, but it seems like Sin don't want me to have one.
"Karen" napalingon ako kay Sin, pero agad ko rin siyang tinalikuran. Sana naman huwag na niya muna akong kausapin, naguguluhan pa ako sa mga gagawin ko. "Let's talk".
"I'm busy". Isasara ko na sana ang pinto, nang hinarang niya ang kamay niya para hindi ito sumara. "Wag ngayon, Sin. Please lang".
"I don't want you to be friends with that girl, look gagamitin ka lang niya para gumanti sa akin". Tinignan ko siya, at hindi ko alam kung paano ko ibaba ang inis ko sa kanya, gustong gusto ko siyang sigawan.
"Are you done?" Malamig na tanong ko.
"Y-yeah"
"Okay". Sinaraduhan ko na siya pinto, saka ako sumandal doon. Paano nga ba ako napasok sa sitwasyon na 'to? Gusto ko lang naman na itama ni Sin ang mga ginawa niya e. Pero bakit kailangang umabot pa sa ganito?
"I'm sorry to tell you but… isasama kita sa isang medical mission, Kyle. Sa graduation ball ka na lang sumali, let your twin enjoy the prom". Hindi na talaga makakasama si Sin, kaya alam kong magiging maayos ang plano.
The day before the prom, kumatok si Sin sa kwarto ko. Dala niya ang simple cocktail dress na binili ni mommy, para 'yon sa senior prom. Dumiretso siya sa kama ko para ilapag ang kahon, saka siya na upo.
"Magiging maayos ka lang ba sa prom?" Tanong niya, at nililibot ang mata sa kwarto ko. "Kung hindi, pwede ka naman wag ng tumuloy".
"No. Tutuloy ako, kailangan kong tumuloy". Tumayo siya at lumapit sa study table ko, saka kinuha ang isang polaroid na naka dikit doon.
"Kanino galing 'to?"
"April J-jia?" Inaalala kung tama ang nabanggit ko, nagkibit balikat na lang ako.
He sighed loudly. "Avrielle Jia".
"Oo ayon nga! How did you know?"
"Nothing". Umiling siya. "About…. Evan"
"Bakit? Iiwasan ko? Ano na namang iuutos mo?"
YOU ARE READING
Until The Last Sunset (Senior High Series #3)
General FictionSenior High Series #3 ARTS AND DESIGN Her family is known as a family of doctors, and in the medical field. Karen chose to change her path by choosing HUMSS unlike her twin from STEM. Grudge, and vengeance will be the reason to meet Evan of ARTS AND...