27

215 12 0
                                    

Chapter 27

I always taught myself to never disobey my parents, because they are the only person that will give me everything I need. The only person that believes in me, guide me, and will never leave me. 


But, when the days I realize how much they care for my twin. The genuine cares that they can't give me, because I'm not smart, talented, and achievers like my twin. That's the start I question my existence, because I knew that I can make into their standards. 


This guy, told me so many things. Taught me to choose the things that will make me happy, but at the end I don't know if I still trust him. 


"Alam mo ba kung anong date ngayon?", kumunot ang noo ko. 


"Oo"


"Eto 'yung araw na, nagkita tayo sa waiting shed", inisip ko kung ito ba 'yung araw na 'yon. "Yung araw na nagtago ka sa gilid ko", saka siya tumawa. 


Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko matandaan", sagot ko. 


"Sabagay, matagal na rin kasi", sabi niya. Saka kami nagpatuloy sa pagkain. 


May pagkakataong nagsasalubong ang tingin namin, at ngumingiti siya. Ako naman ay nag iiwas ng tingin, may kakaiba akong nararamdaman dito at hindi ko 'yon gusto. Masyadong mahirap ang sitwasyon namin, magulo ang pamilya namin. Hindi ko man maamin pero may iba na akong nararamdaman, at ayoko nito dahil pareho kaming masasaktan. 



Nang matapos ay muli niya akong hinatid sa village namin, wala ulit nagsasalita sa amin. Nandoon lang kami sa loob ng sasakyan. "Dadalhin mo 'yung bulaklak?", biglang tanong niya kaya napatingin ako roon. 



"Baka hindi na, magtatanong sila mommy kung kanino galing 'yan", sagot ko at tipid naman siyang ngumiti. Kinuha ko na lang 'yon at kumuha ng tatlong petals, saka nilagay sa panyo ko at pinasok ko sa bag. 



"Bakit?", tanong ko dahil nakatingin lang siya sa galaw ko. "Ayos ka lang?", tanong ko ulit ng hindi siya sumagot. 



"Oo ayos lang", sagot niya saka siya bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. "Ihahatid kita bukas, wala rin akong pasok", sabi niya. 



Hindi na ako nakipagtalo, at nagpaalam na para pumasok sa village namin. Naglalakad ako ng may humintong kotse sa gilid ko, at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung kanino 'yon. 



"Tingin mo matutuwa sila daddy sa ginagawa mo?", salubong sa akin ng kakambal ko. Hindi ako sumagot kaya ngumisi siya. "Ikaw ang gumagawa ng sarili mong problema", umiling pa siya. 



"Wala na akong ma di-disappoint Sin, dahil matagal na silang disappointed sa akin", sagot ko. 



"Hindi ko alam kung gustuhin mo pang mapalapit sa kaniya, kapag nalaman mo ang totoo", napatigil ako. "Ay wait! Kaya ka pala dumidikit sa lalaking 'yon para malaman mo ang dahilan 'di ba?". 



"Leave this to me", sagot ko. 



"Nah! Kasi gumagawa ka ng bagay na ikakasakit mo sa dulo". 



"Ano bang paki alam mo? Wala ka namang paki sa akin 'di ba?, so bakit umaakto kang may paki?", inis na sagot ko. 



"Don't talk to me like that", madiing banta niya. 



"Magka edad lang tayo, kaya kakausapin kita sa paraang gusto ko at sa parang nararapat sayo", nilayasan ko siya roon pero agad niya akong hinila papasok sa kotse niya. "Ano ba?!"



Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now